webnovel

Simula ng Palabas (1)

Editor: LiberReverieGroup

Nanliit ang mga mata ni Jun Wu Xie, napaisip na para maiwasang mangyari iyon, dalawa lang ang pagpipilian, sumuko sa paghihiganti kay Bai Yun Xian, o hindi hayaang malaman ito ng Qing Yun Clan.

Hayaan so Bai Yun Xian?

Imposible iyon para kay Jun Wu Xie.

Ang sinumang sasakit sa kanyang lolo, ay mamamatay!

"Tito, wag kang magalala, nakaayos na ang mga plano ko."

Tinitigan siya ni Jun Qing, umasang may makukuha siya sa mukha ni Jun Wu Xie, ngunit walang sinabi ang kanyang malamig na tingin.

Malalim masyado ang dalagang ito, pag ayaw niyang magsalita, walang makakaalam sa kanyang plano.

"Mag-ingat ka lang, at alalahanin, na kapag ika'y nasa panganib, nasa likod mo lang ang Pamilya ng Jun at ang Hukbo ng Rui Lin!"

"Oo, alam ko."

Matapos iyon, dumating ang hinihintay niyang sagot mula sa mga mamamayan ng Kaharian.

Hating gabi, may lampas dalawampung pamilya ang nakaluhod sa harap ng Palasyo ng Lin, may hawak na mga sulo, umiiyak.

Lumapit si Long Qi Sa kanila at nalamang sila ang mga pamilya ng mga sundalo sa Yu Lin. Nang marinig nilang kumalat ang lason sa bayan, kumuha sila ng pangremedyo mula sa hukbo. Sama-sama nilang hinatid ang gamot sa kampo ng Yu Lin.

Maraming ibang naabot ang gamot sa kanilang mga kapamilya, ngunit hindi nila nakita ang kanilang mga mahal sa buhay. Natakot sila at kagkagulo sa harap ng kampo, ngunit pinaalis rin. Nagaalala sila sa lakas ng lason at nais humingi ng tulong mula sa Prinsipe.

Nang dalhin ni Long Qi ang mga pamilya kay Mo Qian Yuan, nakaupo na sa tabi si Jun Wu Xie, nakatingin sa mga umiiyak na pamilya, at sinulyapan si Mo Qian Yuan.

Sa mga naunang limampung namatay, walang nahanap sa imbestigasyon. At ngayon, mayroong higit sa dalawampung sundalo ang nawawala sa Yu Lin. Hindi ito mukhang nagkataon lang.

Naayos na ni Jun Wu Xie ang kanyang mga sagot at umupo lang.

Nakuha ni Mo Qian Yuan ang ibig-sabihin ng sulyap ni Jun Wu Xie, at nagpakita ng pagmamalasakit sa mga pamilya, nangakong maghahanap siya ng mga kasagutan. Pagkatapos noon, nagdala siya ng mga sundalo ng hukbo at pumunta sa kampo ng Yu Lin.

Dahil sa pagkatalo nila laban sa Rui Lin, pinapasok nila ang mga sundalo.

Dinala ni Mo Qian Yuan ang mga pamilya sa loob ng Kampo, at pinilit na ibigay ng kumander ang listahan ng mga pangalan. Isang nakadetalyeng pagtingin sa listahan ang nagpakita na sa mga nakaraang araw, biglaang may nawalang limampung sundalo ng walang rason. Namula ang kumander, na tila hindi niya alam o hindi maipaliwanag ang kinaroroonan ng limampung sundalo.

Sa pagkakataong 'yon, nagkagulo ang mga pamilya ng nawawalang mga sundalo.

Hindi lang nagkataon! May limampung namatay sa bayan, at may limampu ring biglang nawala?!

Bago lumubog ang araw, kumalat na ang balita sa lahat ng nasa bayan!

Alam nilang lahat na ang limampung nawawala, ay ang limampung sumabog na mga tao!

Ang Yu Lin ang naglabas ng lason?

Maraming kasabihan at hula ang kumalat. Masyadong takot ang Yu Lin na lumabas at nagtago sa kanilang kampo.

Sa Palasyo naman ng Lin, nagaayos si Jun Wu Xie ng lotus na nalagay sa Jade Dew Nectar nang buksan ni Mo Qian Yuan ang mga pinto, natutuwa at masaya.

"Nagawa natin!"

Siguiente capítulo