Kumimbot ang bibig ni Jun Wu Xie - sinabi ng libro na kailangan ng espesyal na kapaligiran ng snow lotus para lumago at hindi ito pwede sa pangkaraniwang tubig. Pag linagay ang mga buto sa pangkaraniwang tubig, malalanta ang lotus at wala nang pag-asa para gumaling. Sa madaling sabi, pag linagay niya ang mga buto sa pangkaraniwang tubig, ito'y mamamatay.
"....."
Siguradong hindi mapapalaki ang maligalig na lotus na ito gamit ang pangkaraniwang tubig! Maliban sa batis na makalangit, tinandaan niya ang isa pang likidong pwedeng gamitin para sa snow lotus na ang 'jade nectar'.
Ang ibig-sabihin lang ng salitang ito ay alak ng pinakamataas na kalidad. Kahit si Jun Xian, isang beses palang nakakainom ng maliit na baso nito nang siya'y bigyan ng unang emperador dahil sa kanyang pagpanalo sa digmaan.
"Pwede ka ring gumamit ng alak para sa pag-cultivate ng halaman...hmmm." Kinuskos ni Jun Wu Xie ang kanyang mga kilay para maibsan ang pag-igting nito habang siya'y nasa malalim na pagiisip. Kahit na mahal at bihira ang alak na ito, mabuti dahil alam niya kung ano ito. Hindi tulad ng batis na makalangit na hindi pa niya naririnig dati!
Ang jade nectar ay bigay ng unang emperador. Malaki ang posibilidad na may nakatago pa sa Royal Palace.
Inalala ni Jun Wu Xie ang usapan nila ni Jun Xian nung araw na iyon. Ipagdiriwang ang kaarawan ng Unang Prinsipe at siya'y naimbitahan rin. Magandang pagkakataon ito para makita kung mayroon pa sila nito sa palasyo.
Kahit na mayroon na siyang cultivation techniques, hindi pa siya makapagsimula dahil sa kakulangan ng mga gamit.
Habang iniisip niya kung ano ang mga kailangan niya para masimulan ang kanyang cultivation, magmula pa nang makabalik sila galing sa Bayang Naulog, bbumagsak ang kalooban ni Mo Xuan Fei at Bai Yun Xian.
Dahil sa mga batas ng Bayang Naulog, walang magawa si Mo Xuan Fei sa nagpahiya sa kanya! Nanggigil siya habang iniisip kung paano niya mapapagaan ang loob ni Bai Yun Xian pagkatapos ang lahat ng nangyari sa Bayang Naulog. Ang batang iyon! Ang kapal ng mukha niyang bastusin sila. Nagtawag siya ng pintor ng hari para ilarawan ang kanyang mukha base sa mga detalyeng naalala niya.
Kahit na hindi niya siya pwedeng hawakan sa Bayang Naulog, pag lumabas siya, hindi siya makakatalas!
Linabas ni Mo Xuan Fei ang kanyang sariling grupo ng mga sundalo at linibot nila ang Imperyal na Bayan nung gabing iyon.
Subalit, ang hindi nila maintindihan ay walang bakas ng batang iyon na mahanap. Tila siya'y naglaho sa hangin.
Pinwesto pa niya ang kanyang tauhan sa pasukan ng Bayang Naulog para mabalitaan siya kung nahanap ang bata, ngunit, wala talagang balita.
...….
Lumipas ang panahon at ang buong bayan ay naghahanda para sa kaarawan ng Unang Prinsipe.
Sa gabi bago ng kaarawan, tinawag ni Jun Xian si Jun Qing at Jun Wu Xie sa kanyang pananalaiksik.
Ngayon, hindi lang ang 'sayang' na Jun Wu Xie ang naimbitahan, kundi pati ang 'patay' na Jun Qing.
"Kaarawan na ng Unang Prinsipe bukas, kailangan niyong sumama sa akin. Hindi pwede si Long Qi sa loob kaya Wu Xie, ikaw ang magbabantay sa iyong tiyuhin." Mataas ang tingin ni Jun Xian kay Jun Wu Xie. Ang kanyang mahal na anak na babae ay lumaki na maaasahan at ito'y nakakapagpagaan ng loob.
"Sige." Tumango si Jun Wu Xie.
"Isa pa, hindi alam ng mga tao sa labas ang kondisyon ng iyong tiyuhin. Sa ngayon, ang alam nila'y hindi na siya magtatagal. Pag may nakita silang bakas ng kanyang paggaling... Wu Xie… pwede mo bang tanungin ang iyong panginoon kung may paraan para magmukhang 'mamamatay sa sakit' ang iyong tiyuhin?" Nagaalala si Jun Xian dahil natanggap lang niya ang imbitasyon limang araw bago ang kaarawan.