Si Tang Xuan, ang Sect Leader ng Fire Worship Sect, ay naghihinala lamang. Inisip niya na masyadong nagkataon kung ito ay totoo. Nang umalis si Duan Ling Tian nang walang pag-aatubili, mas lalo siyang nagduda sa kanyang hinala.
"Sana ay hindi ikaw ang lalaking iyon... Kung hindi..." Binulong ni Tang Xuan sa kanyang sarili habang ang kanyang mga mata ay naglabas ng bakas ng kabangisan.
Kung si Duan Ling Tian ay isa lamang ordinaryong true disciple ng Fire Worship Sect, madali niya siyang mapu-puwersa na mangako sa lightning penalty oath upang mapatunayan ang kanyang hinala. Ngunit si Duan Ling Tian ay hindi lamang isang true discipl. Siya ay Guardian na ngayon ng Fire Worship Sect.
Ang Guardian ay isang haligi ng Fire Worship Sect. Maliban nalang kung si Tang Xuan ay sigurado sa kanyang hinala, hindi niya pu-puwersahin si Duan Ling Tian na mangako sa lightning penalty oath dahil lamang sa kanyang hinala o dahil siya ay mas malakas kay Duan Ling Tian.
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com