Marami siyang ginalit na mga matatataas na opisyales ng Fire Worship Sect. Kahit hindi sila ganoon kalakas, isang piraso lamang ng keyk sa kanila ang magtanggal ng isang third-rate force gaya ng Qiu Clan.
Kaya nagsisisi siyang hindi niya sinabi kay Qiu Mu Qing na gawing sikreto ang kanyang pangalan mula sa kanyang ama, ang Clan Leader matapos sabihin ang kanyang pangalan.
"Hindi." Umiling si Qiu Mu Qing at tumugon.
Kahit nalilito siya sa tanong ni Duan Ling Tian, nagpatuloy siya, "Sinabi ko na sa ama ko ang lahat ng nangyari ngayon… Sa kasalukuyan, nasa Grand Elder na siya at nakikipag-usap kung paano tutugon ang Qiu Clan sa mga hinihingi ng Dongfang Clan."
"Subalit ipinangako niya sa akin na gagawin niya ang kanyang lahat para protektahan ka… Kaya pwede kang manatili dito sa Qiu Clan nang hindi nag-aalala sa mga gagawin ng Dongfang clan!" Pagsimpatiya ni Qiu Mu Qing kay Duan Ling Tian.
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com