Noong narinig niya ang mga sinabi ng kabilang panig, hindi na napigilan ni Duan Ling Tian ang mapangiwi.
Subalit, hindi na siya nakipagtalo kay Guan Xiu tungkol dito, dahil alam niya na ang mundong ito ay ang lugar kung saan nangingibabaw ang mga malalakas. Mula sa kanyang puso ang pagtawag ni Guan Xiu sa kanya bilang "Senior Brother".
Kung tinawag niyang Senior Brother Si Guan Xiu, mabibigyan nito ng malaking kaba si Guan Xiu.
"Junior Brother Ling Tian, kahit na malakas ang iyong abilidad, sa tingin ko ay hindi pa ito sapat na maikumpapra sa isang tunay na disipulo. Ang bawat isa sa mga tunay na disipulo ay nasa Saint Celestial Stage o higit pa! Si Senior Brother Yang Wen, ay naabot na ang Saint Celestial First Form ilang taon na ang nakalipas!" Pinaalala ni Guan Xiu gamit ang voice transmission.
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com