"Kahit na wala akong ideya kung saan mo nakuha ang mga Saint Grade Martial Tactics na iyan, ay mapapasaakin iyan sa oras na tapos na ako sa iyo!" Mabagal na sabi ni Lin Dong. Tila sa isip niya ay mabilis lamang niyang mapapatay si Duan Ling Tian.
"Magyabang ka kung kailan mo gusto sa oras na makalampas ka sa aking depensa!" Kalmadong sanabi ni Duan Ling Tian nang panatiliin niya ang ilaw na kalasag sa kaniyang katawan.
"Inaamin kong mayroon kang nakakatakot na pang-depensang atake, ngunit hindi na magtatagal ang iyong buhay upang makita pa ang pagsikat ng araw bukas kung ito na ang lahat ng kaya mong gawin," Panunuya ni Lin Dong. Siya ay nabastos dahil pakiramdam niya ay minamaliit siya ni Duan Ling Tian.
Mabilis niyang inaktiba ang lahat ng mga Four Saint Inscription sa mga bakal na kamay sa kaniyang kamay pagkatapos niyang tumawa. Ang dalawang Three Star Saint Inscription at ang dalawang Four Star Saint Inscription ang mabilis namang naaktiba.
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com