webnovel

Ang Totoong May-Sala

Editor: LiberReverieGroup

Naapektuhan nang kaunti si Duan Ling Tian sa obhektibong paningin ni Situ Hang.

Sa totoo lang, noong una siyang pumasok at nakita ang itim na marka ng gagamba sa gitna ng mga kilay ni Situ Hang. 90% na siyang siguradong ito ay ang Aphotic Spider Devil Inscription.

Natural lang na hindi siya magiging 100% na siguradong ito nga iyon kung hindi niya pa pag-aaralan ito gamit ang kanyang Spiritual Energy.

"Kumalma ka lang," sabi ni Duan Ling Tian kay Situ Hang gamit ang malambot na boses habang nagbibigay ng pakiramdam na para ba siyang naliligo sa hangin ng tagsibol.

Sa oras na kumalma ang mukha ni Situ Han, agad na wumalis ang Spiritual Energy ni Duan Ling Tian at agad itong pumasok sa pwesto sa gitna ng mga kilay ni Situ Hang. Para mas tumpak, pumasok ito sa itim na gagamba sa gitna ng mga kilay ni Situ Hang.

"AHHH!" Sa oras na pumasok ang Spiritual Energy ni Duan Ling Tian sa posisyong iyon, sumigaw bigla si Situ Hang at agad na bumagsak.

Capítulo Bloqueado

Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com

Siguiente capítulo