"Para sa kung anong mga rason ito, mahirap para sa akin na ipaliwanag ito sa ngayon... Gayunpaman, malalaman mo rin ito nang natural matapos manatili sa sect," dagdag ni Duan LIng Tian.
Sa sandaling naalala niya ang mga regalo sa pagkikita na sinabi ng kaniyang senior brother na si Bai Li Hong, natuwa siya.
Inayos na talaga ang lahat ng kaniyang senior brother.
Ngayong si Feng Wu Dao at ang iba ay nakapunta na sa Dao Martial Saint Land, ang bagay na kulang talaga nila ay kagamitan sa pagkucultivate. Ang mga regalo sa pagkikita na sinabi ng kaniyang senior brother kanina ay lulutas sa problemang ito.
"Tiyo Feng, Guro... Oras na para mamahinga na kayo nang tama. Magpahinga lang kayo ngayon dahil marami kayong makukuha na mga bagay bukas," sinabi ni Duan Ling Tian kay Feng Wu Dao at sa iba pa.
Pagkatapos, habang nasa ilalim ng mapangdudang mga mata ni Feng Wu Dao at ng iba, si Duan Ling Tian ay nagpaalam sa kanila bago siya tumalikod upang umalis.
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com