"Trafficker?" Nagulantang si Duan Ling Tian.
Gamit ang kanyang matalas na pandinig, narinig niya ang boses mula sa isang kalsada. Palapit ito nang palapit at nasusundan ng nagmamadaling mga yapak.
"Ginoo! Siya iyon! Siya ang kumuha sa pamangkin ko!" Sa pagkakataong iyon, narinig ni Duan Ling Tian ang isang namamalat na sigaw mula sa likod. Ang namamalat na boses na ito ay masyadong nakakatakot na para bang isang bibe na hindi tumitigil sa pag-agak.
"Kasama… mo ba sila?" Tinanong ni Duan Ling Tian ang batang babae habang nakatingin sa kanya nang may isang mabuting ngiti.
Ngayon, napagtanto niyang may kaharap siyang isang iskam na naririnig niya lamang dati. Subalit, hindi man lang siya nag-alala. Sa halip, ibinigay na lamang niya ang kanyang atensyon sa batang babae.
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com