"Sandali!" Biglang mayroong napagtanto ang isipan ni Duan Ling
Tian at bigla siyang sumigaw sa Seven Treasures Exquisite Pagoda,
"Elder Huo, hindi ba't sinabi mo na ang bilang isang
namumukodtanging Celestial Supreme Treasure, ang Seven Treasures
Exquisite Pagod ay mayroong pinagbabawal na enerhiya? Kung
papasok ako rito at paliliitin ang sarili ko upang makapagtago sa loob
nito, hindi naman ito masisira, hindi ba? At kung hindi nga, hindi ako
mapapalayas dito." Sa isang tibok ng puso, bigla itong naalala ni Duan
Ling Tian.
"Bago maayos ang ika-apat na antas ng Seven Treasures Exquisite
Pagoda, ang espasyo sa loob nito ay hindi man lamang yayanig kahit
na daanan ito ng hangin," paliwanag ni Elder Huo sa pagkarinig ng
katanungan ni Duan Ling Tian, "Bukod sa akin, kahit sinong
nabubuhay na nilalang sa loob ay mapapalabas na sa oras na iyon, at
kasama ka na roon, ang may-ari ng pagoda."
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com