Sumunod si Ke Er ay tumayo sa kabilang gilid ni Duan Ling Tian. Inabot niya ang braso ni Duan Ling Tian at kumapit.
Gayunpaman, hindi siya sumandal sa mga balikat ni Duan Ling Tian katulad ni Li Fei dahil mahiyain siya.
Magkasabay na naamoy ni Duan Ling Tian ang dalawang sariwa, at mabangonga aromong dumadaloy a kaniyang ilong na nagpaginhawa at nagpasaya sa kaniya.
Ang mga ipinakita nina Ke Er at Li Fei ay pinukaw ang pagtataka ng mga nanonood sa reaksyon ng dalawang disipulo ng inner island.
Ang mga mukha ng disipulo ng inner island ay nagdilim.
"Tara na," Mahinang tawag ni Duan Ling Tian sa dalawang babaeng nasa tabi niya, pagkatapos ay tumapak sila sa ere upang maghandang umalis.
Gayunpaman, hinarangan ng dalawang disipulo ng inner island ang kanilang daan nang tumapak na sila sa ere.
"Ano ang ginagawa mo?1" Malamig na sigaw ni Li Fei na puno ng galit ang mukha.
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com