Tila hindi narinig ni Duan Ling tian ang sinabi ng lalakeng disipulo mula sa Anicca Sect.
Tiningnan niya ang anim na nakapalibot sa kaniya at sinabing'"Kayong anim… Sumama kayong lahat sa akin!" Nang marinig ng anim mula sa ikalawang antas ng pwersa ang sinabi ni Duan Ling Tian at nakita ang pagbabalewala sa kaniyang mukha, kapansin-pansin ang pagbabago sa kanilang mukha, at lahat sila ay lubos na nagalit.
Ang disipulo mula sa ikatlong uring pwersa ay sinusubok ang anim sa kanila na mula sa ikalawang antas ng pwersa.
Kagalit-galit!
Direktang panghahamak!
"Dahil hiniling mo na mamatay , tutulungan ka namin."
"Hahayaan namin na malaman mo, disipulo mula sa ikatlong uring pwersa na tila ikaw ay katulad ng langgam sa mga mata ng disipulo mula sa ikalawang antas ng pwersa."
"Kasing dali ng pagpapatay sa mga manok o kaya sa pagputol ng damo ang pagapatay sa iyo."
…
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com