webnovel

Ang Nagwawalang Hu Fei

Editor: LiberReverieGroup

Sa sandaling ito, kinabahan si Cha Bai. Natatakot siyang pagsisishan ni Duan Ling Tian ang pustahan matapos ipakita ni Hu Fei ang kaniyang Fire Concept.

Kung aatras si Duan Ling Tian sa kaniyang mga sinabi, mawawalan ang Fire Peak ng isang pambihirang disipulo na matutulungang iangat ang Fire Peak at maging First Peak ng Five Element Sect sa susunod na tatlong taon!

"Opo, opo!" Si Hu Fei na biglang narinig ang sermon ni Cha Bai ay nanginig sa gulat. Ang kaniyang isip ay tuluyang nablanko.

Samantala, ang mga apoy ay nagsimula ng mabuo ang anyo mula sa kanyang katawan at umangat sa hangin. Pagkatapos, nagpatuloy itong bumalot sa kanyang buong katawan. Pinagmukha siya nitong Diyos ng Apoy.

Whoosh!

Kasabay nito, ang enerhiya ng langit at lupa ay nagsimulang umangat sa langit habang ang pangyayari sa langit at lupa ay unti-unting nabuo at naging mga silweta ng ancient horned dragons na nagpakita sa lahat ng naroon.

Capítulo Bloqueado

Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com

Siguiente capítulo