"Ina, kilala mo si Little Tian?" Hindi mapigilang mabigla ni Nie Yuan nang makita niyang nawalan ng kahinahunan si Meng Ping, pagkatapos ay nagtanong siya dahil sa pagtataka.
Tiningnan din ni Nie Rong si Meng Ping dahil nagtataka rin siya.
"Duan Ling Tian?!" Sa sandaling ito, kahit na ang mga disipulo ng mga Flying Rainbow Sect sa Martial Practice Ground o ang dalawang matandang babae na nakatayo sa malayo, ang lahat ay nabigla.
"Oh diyos ko! Siya pala si Duan Ling Tian!" Hindi mapigilang mapasigawa sa gulat ng mga disipulo ng Flying Rainbow Sect.
"Siya si Duan Ling Tian? Ang Duan Ling Tian na naging kilala dahil sa kaniyang natural na talento na nilagpasan ang limang great young masters ng ating Azure Forest Imperial Kingdom noong mga taon na iyon? Ang Duan Ling Tian na sumulong sa Genius Competition na idinaos ng Imperial Family ng ating Azure Forest Imperial Kingdom dalawang taon na ang nakalilipas?"
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com