Sa kabutihang palad, nang tumama sa kaniya ang kamao ni Zi Shang, bahagyang niluwagan ni Duan Ling Tian ang kaniyang pagkakahawak sa spirit sword, kung 'di, ang buo niyang braso malamang ay malulumpo.
Ang isang grade three spirit sword ay kayang maging buo pa rin sa ilalim ng lakas ni Zi Shang, ngunit ang kaniyang braso ay hindi kaya.
Kahit na mayroon siyang pambihirang cultivation, ang kaniyang lakas ay isang katawan ng laman at dugo, at hindi ito magagawang maikumpara sa isang spirit weapon.
Whoosh!
Mula sa sandaling tumusok si Duan Ling Tian gamit ang kaniyang ispada at napinsala ni Zi Shang, isang iglap pa lamang ang nakalilipas, at ang pangyayari ng langit at lupa ay unti-unti ring nabubuo sa langit.
Ang mga silweta ng higit pa sa 30 mga ancient horned dragon ay hindi nagawa pang ganap na mabuo nang gamitin ni Duan Ling Tian ang kaniyang movement technique, ang Whirlwind, upang umatras sa kalayuan sa siang kaawa-awang kalagayan.
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com