Sa oras na iyon, inakala ni Bai He na kanyang magiging mga tapakan lamang si Duan Ling Tian at Zi Shang ngayong araw.
Ngunit sa dalawang ito na kanya sanang gagawing mga tapakan, ang isa ay natalo siya sa iisang galaw, habang ay isa ay natalo si Ye Xiao na mas malakas sa kanya, sa iisang galaw.
Paano niya matatanggap ito?
"Maaari ba talaga na ako ang maging pang-anim na ranggo? Ang pang-huli?" Puno ng pait ang mga sulok ng bibig ni Bai He, at ang kanyang mata ay puno ng kawalang-paniwala, habang ang kanyang puso ay tila nababaliw na. "Paniguradong nakatagpo ng maraming maswerteng bagay si Duan Ling Tian sa kanyang edad... Bakit?! Bakit si Duan Ling Tian at Zi Shang ay mayroong maswerteng mga nakatagpo, ngunit ako, si Bai He, ay wala?"
"Ako'y Galit! Hindi makatarungan ang kalangitan! Hindi makatarungan ang kalangitan!!" Sa sandaling ito, si Bai He na ang pagsilang sa kanya ay higit na mas maganda kumpara kay Duan Ling Tian at Zi Shang.
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com