"Kumusta na kaya ngayon sina Ke Er at Li Fei.. Ngunit dahil sumapi sila sa makapangyarihan ng Foreign Lands at kinikilala ng mga nakatataas ng makapangyarihan na iyon, sa tingin ko ay malaki na ang pinagbago ng kanilang mga cultivation."
"Marahil ay lumagpas na ang kanilang lakas sa akin." Hindi niya namamalayan, iniisip na pala ni Duan Ling Tiang ang kaniyang dalawang mapapangasawa.
Sa isang kisapmata, maraming taon na niyang hindi nakikita ang kaniyang dalawang mapapangasawa, at tanging pangungulila na lamang ang kaniyang nagagawa.
"Ke er, Little Fei.. Hintayin niyo ako, hahanapin ko din kayong dalawa."
Kasabay nito, para bang tinusukan ng pampasigla si Duan Ling Tian, nanginig siya sa biglaang pag-upo niya sa kama bago ipikit ang mga mata at nagsimulang mag-cultivate habang hawak ang isang mid grade Origin Stone at isang Wind Concept Fragment sa kaniyang kamay.
Nine Dragons War Sovereign Technique, Earth Dragon Form!
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com