Nang marinig nila ang mga salita ni Han Xue Nai at napansin ang mga kilos ng Three-Eyed Flame Tiger, ang mga sulok ng bibig ng lahat na na hindi pa nakayayapak sa Sword Monarch's Treasure ay kumibot.
Ngayon lamang nila napagtanto na ang dahilan na natatakot ang Three-eyed Flame Tiger sa dalagita ay dahil siya ay minsang ginawang popsicle ng dalagita.
"Tulad ng inaasahan sa isang eksperto sa Void Interpretation Stage, walang kahirap-hirap niyang nagamit ang kaniyang Ice Concept upang patigasin ang malakas na demon beast nasa ikasiyam na antas ng Void Initiation Stage sa isang popsicle!" Maraming tao ang napabuntong-hining sa kanilang mga sarili.
Pagkatapos nito, sinundan sila ng lahat upang dumaan sa bahagyang malinaw na barrier sa pintuan at pumasok sa Sword Monarch's Treasure, samantala, ginawa ni Dong Ming ang sinabi niya at pinili na maging huli na pumasok.
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com