webnovel

Pavilion Master

Editor: LiberReverieGroup

"Pinaslang niya ang Patriarch, ang Grand Elder, at ang iba pa?" Nasindak ang mga disipulo ng Zhu Clan noong nakita nila si Duan Ling Tian, napawi lang ang kanilang nararamdaman noong kumislap at nawala ang pigura ni Duan Ling Tian sa kanilang harapan.

"Ang binatang tulad niya ay may taglay na lakas na paslangin ang Patriarch at ang iba pa… Sino ba talaga siya?"

"Panigurado ay miyembro siya ng isa sa mga makapangyarihang sect!"

"Ano kaya ang ginawa ng Patriarch at ng iba pa at humantong sa ganito."

"Sa kabutihang-palad, wala siyang intensyon na galawin ang ating Zhu Clan… Kung hindi, paniguradong mapupuksa ang ating Zhu Clan!"

Ang mga disipulo ng Zhu Clan ay nagtatalakayan, at marami sa kanila ay mayroong takot sa kanilang puso.

Naramdaman nilang mapalad sila at naiwasan nila ang kalamidad na ito.

Umalis na si Duan Ling Tian sa Zhu Clan at pati na rin sa Abundance City.

Capítulo Bloqueado

Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com

Siguiente capítulo