"Wang Da Hu!" Sa sandaling ito, tumingin si Daun Ling Tian kay Wang Da Hu, nagpokus ang mga tingin ni Duan Ling Tian kay Wang Da Hu at nagsalita sa isang malamig na boses. " Bibigyan kita ng pagkakataon.. Kunin mo ang 200,000 pilak at umalis. Para naman sa buhay ng iyong mga kapatid, dapat silang manatili rito! Kung hindi ay mamamatay kayong lahat!"
Mabilis na naging kalaban si Duan Ling Tian at nilagpasan ang inaasahan ng grupo ni Wang Da Hu, namutla ang kanilang mga mukha.
"Ikaw… hindi ka tumutupad sa mga salita mo!" Nagdilim ang mukha ni Wang Da Hu. Tumitig siya nang pagalit kay Duan Ling Tian, dahil hindi niya naisip na hindi paninindigan ni Duan Ling Tian ang kaniyang mga salita.
"Sinusuyo mo ang kamatayan!" Ang malamib na tinig ni Zhang Qian ay narinig nang sumipa siya, sinipa at pinalipad si Wang Da Hu sa pader. Bumagsak siya sa sahig nang malakas.
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com