Tumingin din si Nie Fen sa kaniyang lolo, dahil napansin niya na iba ang paligid.
"Gagawin mo ba ito, o ako na?" Tumingin ang matandang lalaki kay Duan Ling Tian ng mayroong malalim na ekspresyon. Ang mga sulok ng bibig niya ay mayroong ngiti; ito ay tila ba kinokontrol niya lahat ng kaniyang dalawang kamay...
Mas lalong nagtataka si Nie Yuan at ang kaniyang anak, dahil iniisip nila kung anong misteryo ang pinag-uusapan ni Duan Ling Tian at matandang lalaki.
"Senior Marquis, bakit hindi mo ito gawin?" Medyo nahihiya si Duan Ling Tain dahil sa paglalantad sa kaniya ng isang tusong matandang soro tulad niya.
"Kung hindi dahil sa akinh pandama na lagpas sa isang ordinaryong tao, baka kahit ako ay hindi mapapansin… Hindi na kailangang sabihin, ang iyong paraan ng pagbabalat-kayo ay napakagaling, Brother Ling Tian." Nanliit ang mga mata ng matandang lalaki, at bahagya siyang ngumiti na para bang nagsasalita siya tungkol sa isang hindi importanteng bagay.
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com