webnovel

Ika-siyam na Antas ng Core Formation Stage Rin!

Editor: LiberReverieGroup

Sa ilalim ng pangunguna ng matandang lalaki, ang pangkat ng mga istudyante ng Paladin Academy ay sumulong sa isang malaking daloy patungo sa Martial Arts Practice Grounds.

Lumakad si Xiao Yu sa tabi ni Duan Ling Tian at nagtanong, sa isang mahinang tinig, "Duan Ling Tian, tiwala ka ba sa sarili mo?"

Sina Xiao Xun at Tian Hu ay tumingin din kay Duan Ling Tian. Ngayong ganito na kalayo ang mga bagay-bagay, naintindihan nila na wala silang mababago at umaasa na lamang na makaliligtas si Duan Ling Tian sa laban na ito na buhay ang nakataya.

"Magtiwala ka sa'kin, ha? Sa sandaling ito, tanging si Su Li pa rin ang lubos na nakakaintindi sa akin." Umiling si Duan Ling Tian at ngumiti nang kaunti. Mayroon siyang kampanteng istura at tila isang tao na sasailalim sa isang laban na buhay ang nakataya.

Si Xiao Yu at ang iba pa ay tumingin kay Su Li, ngayon lamang nila napagtanto na si Su Li ay mayroon ring kampanteng itsura tulad ni Duan Ling Tian.

Capítulo Bloqueado

Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com

Siguiente capítulo