Nagtaka rito si Luo Feng. Sinabihan siya ng City leader niyang guro na makipagkita lang dito sa oras na matapos ang ika 10 niyang laban, pero dalawang laban pa lang ang nakalilipas. At naging sapat din ang pasensya ng city leader para hintayin siyang matapos.
"Sisimulan mon ang gawin ang ikalawa mong move?" Tanong ng city leader habang nakatingin kay Luo Feng.
"Opo." Buong galang na sinabi ni Luo Feng "Naiisip ko pong hindi pa rin sapat para sa akin ang unang move ng Moon Policy o ng 10,000-Star Sermon Map, kaya po kinakailangan ko nang gumawa ng ikalawang move."
"Pareho mong pinagaaralan ang mga ito?" Nagpatuloy sa pagsasalita ang city leader.
"Opo." Hindi nagdalawang isip si Luo Feng sa pagsagot.
Sumimangot ang city leader at nagsalita gamit ang namamaos niyang boses "Nagawa mo na bang makipaglaban?"
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com