Sa ilalim ng napakatinding impluwensya ng soul technique, walang pag-aalinlangan at walang kasinungalingang sinagot ng leader ng Pure Feather Family ang lahat, hindi siya nagtago ng kahit ano kay Luo Feng.
"Magaling." Tumayo si Luo Feng sa mga ulap at nagtanong ng, "Alam mo ba kung sino pa bukod sa kanila ang may mga hawak na crystal?"
Nangangailangan ang proseso ng pagiging isang blood warrior ng tatlong blood river crystals at matagumpay na pag-aabsorb sa mga ito. Sa pamamagitan lang nito maituturing na isang blood warrior ang isang nilalang! Natural na nagkaroon ng pag-asa si Luo Feng sa kanyang sarili noong malaman niya ang tungkol sa pagiging isang blood warrior at ang makasaysayang black warrior. Gusto niya munang maging isang blood warrior at maaaring maging isang black warrior sa susunod.
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com