Nang biglang lumipad ang puting ilaw na iyon, napanatili pa rin ni Luo Feng ang pagiging kalmado, dito niya agad na napili ang pinakamagandang desisyon para sa kanya…una na rito ay ang pagdepende sa kanyang dark cloud shuttle para mailagan ang ilaw na ito sa lalong madaling panahon, ikalawa sa mga ito ay ang kanyang paggamit sa sword matrix ng kanyang soaring shuttle para depensahan ang kanyang sarili at ang ikatlo ay ang paggamit sa bitbit niyang kulay dark gold na rod para gumawa ng apat pang ginintuang blades na sasalag sa puting ilaw na iyon.
Lumipad ang apat na ginintuang bahaghari sa likuran ni Luo Feng na parang naging isang net na bumalot sa kalangitan, agad na binalot ng mga ito ang puting ilaw.
"Dang!"
Isang tunog na nagmula sa dalawang bagay na tumatama sa isa't isa!
Napabago nito nang husto ang itsura ng payat na binatang nasa malayong lugar. "Itinigil niya iyon!"
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com