Sa sandaling ito, bumaligtad ang sitwasyon.
Ang kaninang tatlong mga grupong mayabang na sumugod dito ay sila ring mga nakaluhod na ngayon at nagmamakaawang pakawalan sila.
"Hindi namin kayo mapapatawad!"
Galit na sinuri ni True God Sky Fire ang lupon ng mga taong nasa harap niya atsaka nagsalita.
Sa buong Sky Feather Island, mag-isa lamang ang Blazing Fire Golden Sheep Race.
Nitong huling mga taon, sinubukang sakupin ng ibang mga dibisyon ang Blazing Fire Golden Sheep Race, unti-unti nilang ginawa ito. Kung magpapatuloy, balang-araw ay wala na talagang matitirang Blazing Fire Golden Sheep Race.
Sa Ancient Desolate Realm of Gods, ang lakas ang puhunan ng lahat.
Lumuluhod lamang sila at nagmamakaawa dahil napipilitan sila sa lakas na taglay ni Zhao Feng.
Sa oras na madakip si Zhao Feng, nakatitiyak si True God Sky Fire na guguluhin pa rin ng mga taong ito ang Blazing Fire Golden Sheep Race.
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com