webnovel

Lord Dynasty Mission

Editor: LiberReverieGroup

Ang pagkatalo ni Huang Yuanhu ay naging dahilan upang hindi matanggap ng mga Central disciples ang katotohanan, lalo na ang mga nakakakilala kay Zhao Feng.

Gulat at may panghihinalang nakatitig ang Senior Martial Sister Wan Rong kay Zhao Feng. Naramdaman niya na ang kasalukuyang Zhao Feng ay iba ang aura at lakas mula sa dating Zhao Feng. Noong tila naramdaman na ni Zhao Feng ang titig nito, ngumiti si Zhao Feng at tinignan din si Senior Martial Sister Wan Rong.

Hindi lamang gwapo si Zhao Feng; mayroon din siyang lakas ng loob. Ang kanyang dating ay kayang magpabilis sa tibok ng puso ng mga babae.

Noong nagtagpo ang kanilang mga mata, bumilis ang tibok ng puso ng Senior Martial Sister Wan Rong.bang mga misteryoso nitong mata ay tila naglalaman ng mapang-akit na kaluluwa, nahulog siya dito. Nagsimulang mamula ang kanyang mga mata, ag napayuko siya dahil sa hiya.

Hindi niya ito matanggap. Madalas siyang tahimik at kalmado - kailan pa siya umakto nang ganito? Gayunpaman, ang kabataang iyon ay nag-iwan ng imahe sa kanyang puso at nagbigay sa kanya nang kakaibang pakiramdam.

Ngumiti si Zhao Feng at binawi na ang kanyang tingin. Ngayon lamang ay gumamit siya ng "heart-controlling technique" sa Senior Martial Sister Wan Rong upang mawala ang kanyang paghihinala at bumuti ito sa kanya. Ito ay nangangahulugan na hindi muna siya paghihinalaan ng Senior Martial Sister Wan Rong o hindi ito mag-iisip ng mga masasamang mangyayari.

Ayaw siyang patayin ni Zhao Feng dahil lamang sa paghihinala nito. Ang heart-controlling technique ay kayang magresolba ng maraming bagay para kay Zhao Feng.

Maliban sa Senior Martial Sister Wan Rong, wala na masyadong tao sa Ten Thousand Sacred Land na kilalang-kilala si Zhao Feng, tumango si Zhao Feng.

Ang Zhao Feng noon ay lahing mag isa., at walang masyadong tao ang nakakakilala sa kanya. Ito ay nangangahulugan na ang kanyang pagsikat niya sa hinaharap ay hindi masyadong bubuo ngaraming paghihinala. Matapos ang lahat, maraming mga henyo ang nakakatanggap ng swerte.

"Huang Yunhu, natalo ka na - kuhanin mo na ang iyong Two-Headed Lightning Bird."

Tumingin si Zhao Feng sa himpapawid. Ang Two-Headed Lightning Bird at Yinming Bird ay naglalaban pa rin, at matatalo lamang ito kung magpapatuloy pa ang labanan dahil mas mahina ang cultivation nito.

Sa sandali ring ito, isang alon ng King Intent ang dumaloty sa hangin at pwinersa ang token sa kamay ni Huang Yuan na magliwanag. Ang Two-Headed Lightning Bird ay naglaho sa isang iglap.

Maliit na bilang lamang ng mga tao ang nakaramdam sa King Intent, kabilang na si Zhao Feng.

Sandaling nanatili ang King Intent kay Zhao Feng. Kasabay nito, sa palasyo ng Hati sa Ten Thousand Sacred Land:

"Ang technique ng batang iyan ay lubhang mahusay, at may kakaiba siyang aura. Kung wala pa siyang master, makakatagpo siya nang malaking swerte," saad ni King Lu Yun habang tinitignan niya si Zhao Feng. Kung magpapatuloy ang kanyang husay sa susunod n kalahating taon, kukuhanin siya ni King Lu Yun bilang Core disciple.

Whoosh!

Kinuha ng Yinming Bird si Zhao Feng at lumipad palayo.

"Malaki ang nilakas ni Zhao Feng sa nakaraang ilang buwan."

"Mayroon siguro talaga siyang tinatagong swerte."

Ang mga disipulo sa baba ay nAgsimulang mag diskusyon.

Masama ang ekspresyon ni Huang Yunhu habang nahihirapan siyang tumayo. Sila Wang Yun, Senior Martial Sister Wan Rong, at ang ibang mga tao ay agad siyang tinulungang makatayo.

"Hindi ko inaasahan na mayroong ganoong klaseng swerte si Zhao Feng at magiging ganito kalakas," patuloy na nagbabago ang ekspresyon ni Senior Martial Sister Wan Rong. Ang tunay na lakas ni Zhao Feng ay lumagpas sa kanilang inaasahan.

Kailangan ko itong sabihin agad sa Yin family kung hindi ay magiging malaking panganib si Zhao Feng, agad na nagdesisyon si Senior Martial Sister Wan Rong.

Sa ibang ibayo, naupo si Zhao Feng sa Yinming Bird at nakarating sa Hall of Missions.

Dahil wala pa siyang misyon na napagtatagumpayan sa loob ng tatlong buwan, kailangan niyang gawin ay tatlo, ngunit hindi niya muna ito inisip. Naghahanda siya sa ibang misyon, kabilang na ng mga lubhang mahurap na misyon, upang makakalap siya ng mga resources at contribution points.

Sa isang gilid ng bulwagan:

"Zhao Feng, wala ka pang nagagawa sa tatlong misyon sa loob nang tatlong buwan, ibibigay ko na ang mga misyon sa iyo," malamig na saad ng isang Regulator.

Nanatiling walang emosyon si Zhao Feng habang hinihintay ang distribusyon. Ang sumunod na tatlong misyon ay parusa, kaya wala siyang kapangyatihan upang mamili. Higit pa roon, walang gantimpala sa pagtatagumpay niya.

Natanggap na ni Zhao Feng ang kanyang unang misyon. Ang kailangan niyang gawin ay patayin ang Mud Poison Lizards at tipunin ng dalawampung Mud Poison Hearts.

Ang Mud Poison Lizard ay lubhang malakas. Ang isang True Human Rank ay kaya nitong madaling patayin. Mayroon ding Lizard King sa bawat grupo na ang lakas ay halos True Lord Rank. Isa pa, ang mga poison lizard na ito ay naninirahan sa swamp kung saan walang masyadong magagawa si Zhao Feng at ang Yinming Bird.

Halata na ang hangarin ng misyon na ito ay pahirapan si Zhao Feng.

Tinanggap ni Zhao Feng ang misyon nang walang emosyon at naupo na siya sa Yinming Bird, na nakarating sa swamp matapos ang apat na oras na paglipad.

Matapos ang isang oras, tinipon ni Zhao Feng ang isang libong Mud Poison Hearts. Higit pa rito, napaamo niya ang dalawang True Lord Rank Mud Poison Lizard Kings.

Ang Mud Poison Lizard King ay mahusay laban sa lason, at mayroon itong kakaibang abilidas na maaaring magpanigas ng ibang nilalang. Lubhang malakas din ang depensa nito.

Pinalit ni Zhao Feng ang ilang libong Mud Poison Hearts para sa contribution points at binenta ang dalawang Mud Poison Lizard King sa pamilihan. Ang presyo ng napaamong mga halimaw ay higit pa sa isang dosenang beses na mas mataas sa mga normal na halimaw.

"Ang ikalawang misyon."

Hinintay ni Zhao Feng ang ikalawang misyon.

Nabigla ang Regulator na may madilim na mukha, at ibinigay niya na kay Zhao Feng ang ikalawang misyon.

Nagsalubong ang mga kilay ni Zhao Feng habang binabasa niya ng nilalaman ng misyon. Ang misyon ay gawain ng grupo, at bahagyang mas mahirap ito.

Sa ikalawang araw, sa harap ng Hall of Missions:

"Handa na ba ang lahat?" isang lasing na matandang lalaki mula sa Origin Core Realm ang sinuri si Zhao Feng at ang isang dosenang tao.

Ang pinuno ay eksperto mula Origin Core Realm. Mula rito, makikita na ang misyon ay hindi madali.

Sinuri ni Zhao Feng ang mga tao sa grupo at nakita niya na karamihan sa kanila ay masama ang ugali. Sila ng mga taong wala pa ring napagtatagumpayan na misyon. Nawalan ng pag-asa si Zhao Feng matapos makita ang mga lasenggerong ito.

"Mauuna na akong umalis," nagpasya si Zhao Feng na magtrabaho mag-isa.

"Bata, hindi mo pa nga alam ang detalye ng misyon, paano mo ito gagawin mag-isa?" Pang-aasar ng Origin Core Realm leaser, bilang pinuno nasa kanya ang mahahalagang detalye.

Miao miao!

Sa sandali ring ito, ang maliit na silver-gray na kuting ay kinuha ang scroll at pumunta kay Zhao Feng.

"Ah! Ang Mission Scroll ko!" Agad na naliwanagan ang Origin Core Realm leader at nagalit.

Gayunpaman, nakaupo na si Zhao Feng sa Yinming Bird, at ng grupo ay walangbibang nagawa kung hindinpanoorin siyang lumipad. Ang pagmumura at pagsumpa ng mga tao sa grupo ay naging dahilan upang tignan sila ng mga kalapit na tao.

"Ang ikalawang misyon ay sirain ng paangat na grupo ng mga bandito sa northern mountains ng Ten Thousand Sacred Clan. Ang lider ay nasa Origin Core Realm dalawang taon na ng nakalipas at malaking panganib siya ngayon," saad ni Zhao Feng.

Ang mission scroll ay naglalaman ng lokasyon at kalakasan ng mga bandito.

Matapos ng ilang oras, dumating na sa lokasyon ang Yinming Bird. Sinuri ni Zhao Feng gamit ang kanyang God's Spiritual Eye ang ilang milyang lugar.

Sigawan ang narinig mula sa palasyo sa ilalim ng lupa, at ang uhaw sa dugong Yinming Bird ay pinag gula-gulanit ng palasyo. Sa isang sandali lamang, winasak na ni Zhao Feng ang kuta nila at binitbit ng mga ulo ng mga bandito.

Pagbalik niya sa Hall of Missions:

"Tapos na ang ikalawang misyon," binigay ni Zhao Feng ang mga ulo sa Regulator.

"Narinig ko na iniwan mo ang grupo at ginawa mag-isa ang misyon?" Ang Regulator ay may kakaibang ekspresyon habang sinisigurado niya kung totoo bang natapos ni Zhao Feng ang misyon.

Upang maiwasan na guluhin siya ng iba, nirekord ni Zhao Feng ang proseso nang pagsira niya sa kuta. Hindi makapagsalita ang Regulator.

"Patawad, ngunit ang ikatlong misyon ay gawain din ng grupo," isang mapaglarong ngiti ang lumitaw sa mukha ng Regulator habang binubuksan niya ang scroll."

Umirap si Zhao Feng.

"Huwag kang mag-alala. Ang misyon na ito ay mas kakaiba, at hindi na mga basura ng makakasama mo," dagdag ng Regulator.

Kakaibang misyon? Kinuha ni Zhao Feng ang scroll at binasa. Hindi sikreto ang misyong ito.

"Kakaibang misyon: Wasakin ang Lord Dynasty ng mga katutubo. Nilalaman: Sa timog-kanlurang rehiyon ng Tianfeng Great Island Zone, ang bagong Lord Dynasty ay lumitaw ay minamaliit niyo ang kapangyatihan ng Great Gan Lord Dynasty…"

Hindinmapigilan ni Zhao Feng na huminga nang malamig habang binabasa niya ng nilalaman nito.

Ang mga kasapi niya ay lubhang malalakas. Ang pinuno at deputy leader ay parehong Great Origin Core Realm. Maliban sa kanila, mayroon ding pitong Origin Core Realm at limampung True Spirit Realms. Ito ang unang beses na makisali si Zhao Feng sa ganito kalakas na grupo.

Sa listahan ng mga miyembro, nakita ni Zhao Feng ang Senior Martial Sister Wan Rong naat Senior Martial Brother Guang.

Sa sumunod na araw, ang makapangyarihang grupong ito ay nagtipon sa tapat ng Hall. Ang pinuno ay isang elder na may puting balbas at puting roba. Mayroon siyang istriktong ekspresyon, at ang invisible force ay nananalaytay sa kanila.

"Alam ng lahat na ang timog-kanlurang rehiyon ng kontinente at ang kalapit na karagatan ay pagmamay ari ng Great Gan Lord Dynasty," saad ng elder na nakaputing roba.

Graet Gan Lord Dynasty. Walang masyadong kaalaman si Zhao Feng sa mga Lord Dynasties dahil kakasimula niya lamang na mag re-cultivate, ngunit alam niya na ang Cang Ocean ay teritoryo ng Great Gan Lord Dynasty.

"Ang Great Gan Lord Dynasty ay nagtitipon ng mga swerte ng lord dynasty sa palibot ng kanilang teritoryo at hindi nila hahayaan na may bagong lord dynasty na lumitaw," isang malamig na liwanag ang nakita sa mata ng elder na naka puting roba.

Ang misyon na ito ay sirain ng lord dynasty - ang bansa na tumalo sa lebel ng Great Country.

Magkatabing nakatayo sina Zhao Feng at Senior Martial Sister Wan Rong.

"Ang kakaibang misyon na ito ay ginawa ni Duke Palace na namumuno sa Tianfeng Great Island Zone. Ang huling gantimpala ay lubhang marami," saad ni Wan Rong.

Napagtanto ni Zhao Feng na sa mundo ng cultivation, hindi lamang mga clans at sekta ang namumuno sa mundo. Ang Great Gan Lord Dynasty ay mahigpit na pinamumunuan ang kanilang mga teritoryo.

Siguiente capítulo