webnovel

Ang Sampung Taong Labanan

Editor: LiberReverieGroup

Sa isang disyerto sa Caopy Great Country, isang lalaki na may itim na buhok at isang kabataang may lilang buhok ang magkaharap. Nalulukot ang mga damit nila sa gitna ng sandstorm.

"Zhao Feng, hindi ko naisip na sobrang laki ng tagal ng magiging muling pagkikita natin, pero gusto ko pa rin makipaglaban," malalim ang boses ni Yu Tianhao, at may alon ng battle-intent ang lumitaw sa mata niya. Sa ilalim ng estado ng battle-intent na iyon, ay mas lumakas lalo ang mental energy ni Yu Tianhao, at unti-unti na ring tumaas ang kaniyang half-step King Intent.

Kaharap ang kalabang iyon at napabuntong-hininga si Zhao Feng sa loob-loob niya. Hinahangaan niya si Yu Tianhao; kung ibang tao ang kaharap niya ay baka katakutan na ito.

"Hindi pa umaabot ng sampung taon, Yu Tianhao," ngiti ni Zhao Feng na parang wala lang ba ang pangyayari. Higit isang taon pa lamang ang nakakalipas at hindi sampu.

"Pupunta na ako sa main Yu family sa continent zone pagkatapos nito, at hindi ko alam kung gaano ako katagal na mamamalagi doon. Dahil nandito naman na tayo ay bakit hindi pa tayo maglaban."

Alam rin ni Yu Tianhao na wala pang sampung taon ang nakakalipas, pero nagliyab na ang battle-intent ni Zhao Feng at pati na rin ang kaniyang potential.

Continent zone? Kuminang ang mata ni Zhao Feng, pero wala siyang sinabi.

Ang dalawang aura nila ay nagsimulang kumalat sa sandstorm. May kumalat rin na Magnificent Power mula sa katawan ni Zhao Feng at kumonekta sa Heaven and Earth. Napaabot ng Emperor Intent niya ang sarili niya ang peak.

Sa aura niya lamang ay pinahirapan nang pahingahin si Yu Tianhao, pero mas lalo lang lumakas ang kaniyang battle-intent. Ang ibang half-step King ay hindi makikipaglaban sa kaniya, nagawa pa ring pasiklabin ang kaniyang battle-intent niya.

"May ganiyang kakaiba at kalakas na bloodline na hindi kasama sa Ten Thousand Ancient Races bloodline?" buntong-hininga ni Zhao Feng.

"Hmph! Hindi namumuno ang Ten Thousand Ancient Races bloodline sa Fan Universe. Pagkatapos mong makapunta sa continent zone ay may malalaman kang Imperial Dao bloodline," ngisi ni Yu Tianhao.

Imperial Dao bloodline? Alam ni Zhao Feng ang mga bloodlines na ito, pero hindi niya ito masyado binigyan ng atensyon dahil galing sa Ancient Era ito.

"Unti-unti nang nagiging hindi puro ang Ten Thousand Ancinet Races bloodlines at nauubos na rin ito, samantalang ang Imperial Dao bloodlines naman ay tuluyan pa ring nakikipag-kumpitensya sa isa't isa. Ang malakas lamang ang makakaligtas," puno ng lakas ng loob ang boses ni Yu Tianhao.

Alam ng lahat na galing pa sa Ancient Era ang Ten Thousand Ancient Races, pero hindi ibig sabihin nito na mas malakas ang mga bagay na matatanda. Halimbawa nito ay lumitaw lamang ang Eight Great God Eyes matapos mabuo ang Fan Universe. Malapit ang kaugnayan ng Eight Great God Eyes sa Ancient Era, pero medyo nito lamang sila nabuo.

Habang lumilipas ang oras, ang bloodlines ng Ten Thousand Ancient Races ay lalo lamang nagiging hindi puro at lalo lang sumasailalim ng ebolusyon ang mga bagong bloodlines.

"Imperial Dao bloodline ang Heaven Battling bloodline, at hindi ito mas mahina sa Ten Thousand Ancient Races bloodlines. Isa ang Unparalled Heaven battling bloodline ko sa mga elites ng Imperial Dao bloodlines."

Pagkasabi niya nito ay para bang nagsimulang magliyab ang bloodline niya.

Wu~~

Para bang dumami si Yu Tianhao nang may malamig na anyo ang namuo sa likod niya. Ang mga aksyon ng dalawa ay magkatugma, bawat galaw at hinga ni Yu Tianhao ay naglalaman ng battle-intent na kayang sumira ng lahat ng lakas sa paligid niya.

Boom!

Nanginig ang Magnificent Power at may parte pa nito ang napunit. Sa oras na iyon ay para bang may isang Diyos ng Digmaan ang sumakop sa katawan ni Yu Tianhao nang may kahel na ilaw ang bumaril sa kalangitan. Kung Magnificent Power ito ng isang normal King, ay baka naitulak na ito nang sagad ang lakas ni Yu Tianhao.

"Heaven Battling Axe!" tinaas ni Yu Tianhao ang kamay niya, at may kahel na palakol ang lumitaw at humiwa sa Magnificent Power ni Zhao Feng at papunta sa katawan niya.

Medyo nagulat oa si Zhao Feng dito. Kahit pa sa ilalim ng pagpigil niya ay kinaya pa rin ni Yu Tianhao na pasiklabin ang battle-intent niya.

"Break!" dahan-dahang nilabas ni Zhao Feng ang palad niya at may ilusyong lungsod ang lumitaw sa himpapawid.

Kahit ang battle-intent ni Yuu Tianhao ay nanginig.

Bam!

Pitong taon na ang nakalipas at harap-harapang naglaban ang dalawang prodigies na gumawa ng bagyo na ilaang daang milya ang sinakop.

Sa bagyong iyon ay may isang lalaking umungol at umatras ng ilang hakbang. Namumutla na si Yu Tianhao at may madugong marka sa kaniya.

Sobrang nakakatakot ng Intent ni Zhao Feng, at pinagsama niya pa ang Illusion Domain niya rito. Layang gumawa ng Illusion Domain ng mga atakeng nakabase sa Dao of Illusions. Sa isang pagpapalitan pa lamang ay nasaktan na nito si Yu Tianhao.

"Pinipigilan mo ang cultivation mo sa half-step King realm?" kumidalp ang mga mata ni Yu Tianhao.

May nalaman siya ngayon-ngayon lamang sa labanan. Kung nasa King-level na ang True Yuan ni Zhao Feng ay baka sobrang nasaktan o napatay na niya si Yu Tianhao.

"Pinipigilan?" may mapait na ngiti ang lumitaw sa mukha ni Zhao Feng. Bumagsak na ang cultibvation niya sa half-step King realm.

Sa totoo lang ay nang hinarap niya ang tatlong Kings noon ay nasa gitna na ng Origin Core Realm at Void God Realm ang cultivation niya. Siyempre, may Emperor-level soul pa rin si Zhao Feng; matapos ang cleansing ng God Tribulation Lightning ay kasing lakas pa rin ito ng mga normal Emperors, pero nasa 30-40% na siyang mas mahina nang nilabanan niya ang Emperor of Death.

Ang paghina ng lifeforce at cultivation niya ay ang pinakamabilis. Inestima ni Zhao Feng na 50 na taon na ang nawala sa haba ng kaniyang buhay – sobra pa sa kalahati ng haba ng biuhay ng isang normal na tao. Hindi niya maapektuhan ang Cursed Words of Death dahil sa malalagpasan niya ang mga normal laws.

"Yu Tianhao, kaya kitang talunin gamit ang tatlong moves lang gamit ang cultivation ng isang half-step King," kumalma na rin si Zhao Feng makalipas ang ilang sandali. Habang mayroon pa rin siyang Intent at God's Spiritual Eye ay madali lang siyang makakabalik tulad ng batang Demigod. Baka ma-cultivate niya pa ulit ang mas malakas na Golden Kun Sacred Lightning Body at Five Elemental Wind Lightning Technique habang inaasikaso niya ang Cursed Words of Death.

"Tatlong moves? Sige, tapusin natin ito nang tatlong moves!"

Lalong lmakas ang battle-intent ni Yu Tianhao at lalo rin siyang lumakas kahit nasaktan pa siya. Para bang kumukulo ang bloodline niya at ang anyo sa likod niya ay parang lumalaki.

"Unparalleled Udner the Heavens!" naglabas ng palad si Yu Tianhao na kasing liwanag ng araw, at ang lakas na iyon ay maikukumpara sa Domain-level Kings. May katakot-takot na Intent ang namuo sa atakeng iyonm at kaya nitong panginigin ang puso at kaluluwa ng isang tao.

"Umabot na sa ibang lebel ang battle-power niya," nagbago nang kaunti ang ekspresyon ni Zhao Feng, pero hindi siya natakot. Naglabas lamang siya ng normal na suntok, at ngayon, ay pinagsama na niya ang Illusion Maze Domain at Mystic Ice Domain nang sabay.

Peng~~~ Boom!

Agad na may isang balot ng yelo ang nalaglag sa lahat nang nasa loob ng ilang daang milya.

Bam!

Lumipad paalis si Yu Tianhao at nabalutan ng lamig ang katawan niya. Agad na nagyelo ang dugong nasa bibig niya.

"Ang pangatlong move!" dumiin ang panga ni Yu Tianhao at lumiwanag ang anyo sa likod niya na para bang nilalamon nito ang Heaven and Earth. Ang mental energy Intent niya ay maikukumpara na sa isang King.

Sa oras na iyon ay maikukumpra sa isang Peak-tier King.

"Tapos na," huminga si Zhao Feng nang malalim nang magpatong-patong ang spatial domains niya sa isa't isa.

Boom!

Nanginig ang disyertong pinaglalabanan nila at may lumitaw na malaking bangin sa ilalim nila.

Wah!

Ang imahe sa likod ni Yu Tianhao ay agad na nabasag at bigla siyang namutla.

Plop!

Nalaglag ang katawan niya at nahimatay siya.

"Yu Tianhao, hindi ko inasahang kakayanin mong makabuo ng kumpletong King Intent sa huling tatlong moves mo," bulong ni Zhao Feng.

Pinagmasidan ng Divine Sense niya ang katawan ni Yu Tianhao at nakita niyang iyon pa rin ang estdao inya noong huling pagkakita nila. Kayang tuloy-tuloy na pataasin ng lakas ang Unparalleled Heaven Battling Bloodline, pero malaki ang halagang babayaran ng gagamit nito. Sa madaling salita ay masyado niyang ginamit ang enerhiya niya.

Shua!

Sa isang isip lang ay napadala agad ni Zhao Feng ang katawan ni Yu Tianhao, ilan daang milya ang layo.

Whoosh!

Lumipad sa hangin si Yu Xingchen at sinalo si Yu Tianhao.

"Ytaos-puso ko itong aalalahanin, Zhao Feng," yumuko si Yu Xingchen sa direksyon ni Zhao Feng.

Ngumiti si Zhao Feng at tumago bago siya umalis sa disyerto at tumungo sa main headquarters ng Iron Blood Religion.

Nakita ni Yu Xingchen si Zhao Feng bago ang labanan. Hindi siya nagdalawang-isip na mananalo si Zhao Feng, kaya pumayag si Zhao Feng na hindi siya masyadong magiging marahas at saktan nang sobra si Yu Tianhao habang sinisiklaban ang kainyang Unparalleled Heaven Battling Bloodline.

Pinatunayan ito ng katotohanan, kahit pa sa cultivation lamang ng half-step King ay madali pa ring matatalo ni Zhao Feng ang mga Kings.

Ilang sandali makalipas ay bumalik na si Zhao Feng sa headaquartes ng Iron Blood Religion.

Miao miao!

Lumitaw ang munting pusang magnanakaw at minasid ang mga taong naroroon. Sina Patriarch Hong, Tiemo, at ang Skeletal Division Leader, at iba pa ay naroroon lahat.

"Master, naging numerpo uno na ang Scarlet Moon Palace sa lahat ng mga pwersa ng Azure Flower Ontinent, at pro-protektahan rin nito ang balanse sa Azure Flower Continent," sabi ng Skeletal Division Leader.

Nasakop na nito ang kalahati ng Scarlet Moon Demonic Religion at ang kalahati pa nito ay napatay niya. Pero kahit pa mas umonti sila ay nalagpasan pa rin ng Religion ang peak nito dati. Kayang patayin ng Ghost Corpse Cursed Array ang kahit anong Kings.

"Skeletal Division King Leader,' utos ni Zhao Feng,:Mula ngayon ay babantayan mo na ang Azure Flower Continent. Malaya ka na muli pagkatapos maging matatag ng Scarlet Moon Palace."

"master…." Matapos marinig 'yon ay napuno ng tuwa ang Skeletal Division Leader. Matapo samahan si Zhao Feng ng ilang taon ay sobrang laki na ng ipinagbago nito, pero hindi nito inasahang magiging malaya na ito.

Ginawa lamang ito ni Zhao Feng para sa sarili niya. Naabutan na ng Skeletal Division Leader at ng Ghost Corpse Cursed Array ang pinakadulo ng potensyal nila. Baka hanggang King ay kayaning umabot ng array, pero kahit gaano pa ito maging kalakas ay hindi nito kakayaning takutin ang mga Emperors.

Pinupuntirya ni Zhao Feng ang continent zone at mga taong nasa taas pa ng Emperors, kaya mas magandang iwan na lang niya ang Skeletal Division Leader sa Azure Flower Continent para mag-cultivate mag-isa.

Pagkatapos kumpletuhin ang lahat ng ito ay tumayo na si Zhao Feng at nagsimulang mag-ayos para sa pag-alis niya sa Azure Flower Continent, pero nagbigay pa siya ng isa pang utos sa Skeletal Division Leader.

"Nakatakas ang batang Demigod sa kontrol ko at nagtatago siya sa isang sulok habang nag-cu-cultivate. Gusto kong malaman mo kung nasaan siya bago ako umalis," taimtim na utos ni Zhao Feng.

Sa pras na iyon ay siguradong hindi na takot ang batang Demigod kay Zhao Feng. Pero wala nang oras at enerhiya pa si Zhao Feng para habulin ang batang Demigod. Isa pa ay wala pang nakakaabot sa kailang dalawa sa lebel kung saan isa sa kanila ay kailangang mamatay.

Siguiente capítulo