webnovel

Ang Pagtatambal ng Kidlat (1)

Editor: LiberReverieGroup

Sa himpapawid sa ibabaw ng main Spiritual Peak, tahimik na nagharap ang ilan sa mga Void God Realm Emperors. Nagtipon roon ang alon ng mga Divine Senses at silang nag-usap-usap.

Ninakaw ng Wind Lightning Emperor ang essence ng karamihan sa mga Lightning techniques mula sa Ten Thousand Lightning Sect at binuo niya ang sarili niyang Wind Lightning style base doon… ngayon lamang nalaman ni Zhao Feng ang katotohanan.

Ilang dosenang libong taon noon, hindi kaaya-aya ang ugali ng Wind Lightning Emperor at nagnakaw siya ng kung ano-anong bagay. Sumang-ayon ang ilang Divine Senses dito. Walang sinabi miski ang Purple Saint Partial Spirit. Ito lamang ang katotohanan.

Kaya pala malakas ang loob ng Ten Thousand Lightning Sect. Habang balanse ang sitwasyon sa True Martial Sacred Land, prayoridad pa rin ang rason dito. Dagdag pa na ang Dark Lightning Emperor at ang mga kasama niya ay sinusuportahan ng Thousand Darkness Clan.

Lalo pang naging kumplikado ang sitwasyon dahil sa paalis na ng clan si Duanmu Qing, na nangangahulugang hindi na ganoon kalakas ang suporta ng Mystic True Sacred Clan sa kaniya 'di tulad ng dati.

Anong tusong plano! Nanlamig ang puso ni Zhao Feng, pero kasabay nito ay may isang tanong – anong makukuha ng Ten Thousand Lightning Sect mula dito?

"Sabihin mo na lang kung anong gusto mo, kung hindi, magiging kaaway mo ako sa panggugulo mo sa disipulo ko," malamig na ngisi ni Duanmu Qing habang nilalabas niya ang kaniyang Magnificent Power.

"Siyempre hindi namin gustong maging kaaway ka," ngiti ng babaeng may iba-ibang kulay na kidlat, umilaw ang mata ni Zhao Feng. Tulad ng naisip niya, mayroon silang ganap dito. Kahit ano pang mangyari, Core disciple si Zhao Feng ng isang three-star superpower, at mayroon siyang Emperor bilang master.

Miski ang Ten Thousand Lightning Sect ay hindi gustong awayin ang Void God Realm Emperor nang dahil sa wala.

"Basta ibigay lang ni Zaho Feng ang Wind Lightning Inheritance at ang ulo ng Demigod, pagbibigyan namin ito. Ayos lang ba?" Sabi ng elder na may maitim na mukha. Naintindihan agad ng lahat ng eksperto ng Mystic True Sacred Clan – ang totoong hangarin lang ng Ten Thousand Lightning Clan ay makuha ang ulo ng Demigod.

Iyon lang pala. Naintindihan na rin ni Zhao Feng. Sobrang laki ng halaga ng ulong iyon sa Ten Thousand Lightning Sect, habang ang Wind Lightning Inheritance naman ay may peak speed and offense. Ang dalawang bagay na ito ay malakas ang pagkakaakit sa Ten Thousand Lightning Sect.

"Maari natin itong maresolba nang payapa, kung hindi ay magiging kalaban ng Mystic True Sacred Clan ang Ten Thousand Lightning Sect," malamig na sabi ng Dark Lightning Emperor. Nagbago ang ekspresyon ng ilan sa mga Kings at Emperors mula sa Mystic True Sacred Clan.

"Malakas ang loob ng Ten Thousand Lightning Sect na takutin kami gamit ito…?" nagtinginan sina Emperor Gu Luo at Mi Kong sa isa't isa at nalaglag ang puso nila.

Sa True Martial Sacred Land, ang Ten Thousand Lightning Sect ang pinakamalakas na two-star sect at sila rin ang pinakalamang na magiging three-star superpower. Kaya lamang, ay laging nasa gitna lang ang clan na ito, at ang core alliance ng ilan sa mga two-star forces.

Sa oras na iyon, nagsimulang mag-usap-usap ang mga nakatataas ng Mystic True Sacred Clan.

"Kalokohan!" sigaw ng isang malamig na boses.

May lumitaw na isang batang may maputlang lilang buhok sa ilalim nila Emperor Duanmu.

"Lumabas ka na, Zhao Feng!" lumapag ang mga tingin at Divine Senses sa malamig na batang ito.

"Bata, anong kailangan mong sabihin?" ngumisi ang Dark Lightning Emperor at naglabas ng chaotic Lightning power.

Alam ni Zhao Feng na mawawalan siya ng tsansa ng panlalaban sa isang Emperor. Ang mga Emperors ay nasa peak ng Void God Realm. May malaking pagkakaiba sa kanila at sa mga Kings.

"Una, patay na ang Wind Lightning Emperor. Ang poot niya sa clan niyo ay matagal nang nawala. Wala akong kahit anong kaugnayan sa kaniya," umarteng parang walang kinalaman si Zhao Feng doon.

Kung disipulo o anak siya ng Wind Lightning Emperor, ay siguradong mag-iiba ang lahat. Kaya lamang ay disipulo siya ni Duanmu Qing.

"Kalokohan!" ungol ng Emperor na may maitim na mukha, "Ang Lightning inheritance na na-cultivate mo ay galing sa sect namin, kaya mayroon kaming karapatan para kuhanin ito!"

"Mali!" sigaw ni Zhao Feng.

Napahinto ang lahat ng naroroon.

"Ang lightning Inheritance na na-cultivate ng Wind Lightning Emperor ay hindi lang galing sa Dao of Lightning. Nalagpasan na talaga ng inheritance niya ang sect niyo," sabi ni Zhao Feng nang walang emosyon.

Nalagpasan ang Ten Thousand Lightning Sect.

Umilaw ang mata ni Emperor Duanmu at ng mga kasama niya. Tama iyon, at sa puntong iyon ay napakaimportante noon. Lahat ng skill sa mundo ay may pagkakaparehas. Kung nalagpasan na ng Wind Lightning Inheritance ang skills ng Ten Thousand Lightning Sect, ang ibig sabihin noon ay hindi na siya parte ng Ten Thousand Lightning Sect.

"Tama iyon, hindi na lamang ito purong Dao of Lightning ngayon."

"Kaya lamang ay nakakatakot ang Wind Lightning Emperor, gumawa pa siya ng sarili niyang pwersa."

Nag-usap-usap ang Divine Senses sa himpapawid.

"Hmph!" Punong-puno ng pangungutya ang mukha ni Zhao Feng, "Ang Wind Lightning Emperor ay nalagpasan na ang kaniyang martial ancestors at naghalo ang Dao of Lightning at Dao of Wind, at dahil doon ay naging siya ang pinakamabilis na Emperor."

Nalagpasan na ang kaniyang martial ancestors, siniguradong nilakasan iyon ni Zhao Feng.

"Buwisit…!"sobrang galit ng tatlong Emperors sa himpapawid na nagsimula silang manginig at pagkaskasin ang ngipin nila, pero ito na ang reyalidad nila. Wala sa Ten Thousand Lightning Sect ang may kayang humawak sa Wind Lightning Emperor. Matapos maging Emperor nito ay bumalik na lamang ang Ten Thousand Lightning Sect nang talo. Ang parte ng kasaysayan nilang ito ay puno ng kahihiyan.

"Punong-puno ng pandaraya ang sect nila, ginagamit lang nila ang kwentong ito para makuha ang ulo ng Demigod at ang Wind Lightning Inheritance," lumakas ang boses ni Zhao Feng, at sa huli, ay pumangit na ang mukha ng tatlong Emperors.

"Hahaha…! Magaling!"

"Punong-puno lang ng mga sakim ang Ten Thousand Lightning Sect na gustong magnakaw sa iba!"

Nagsimulang matawa ang ilan sa mga Kings at Emperors.

Miao miao!

Lumitaw ang munting pusang magnanakaw at winagayway ang isang puting bandila at nagsimulang sumayaw.

"Buwisit, 'wag mo kaming sisihin!" nanginginig na ang boses ng tatlong Emperors at sobrang pangit na rin ng kanilang mga ekspresyon. Gusto na nilang ilabas ang galit nila, pero kaya silang patigilin nina Duanmu Qing at ng mga kasama niya. Teritoryo ito ng Mystic True Sacred Clan; kahit mayroon pa silang lakas ng loob ay hindi sila mangangahas na umatake dito.

"Umalis na kayong tatlo," taimtim na kinaway ni Duanmu Qing ang kaniyang kamay.

Hindi na ito nasa ilalim ng rason dahil parehas na may magkaibang nakikita ang dalawang sects.

Kaya lamang, paano aalis ang tatlong Emperors na ito kung matagal na nila itong pinlano? Nagsimulang mag-usap ang tatlong Emperors nang may pangit na ekspresyon.

"Kahit kaya kong hamunin si Duanmu Qing ay kaya niyang tablahan ang atake ko gamit ang Wood techniques," sabi ng Dark Lightning Emperor.

"Bakit hindi natin ito gawin…?"

May plano na agad ang tatlo makalipas ang ilang sandali.

Ilang hinga ang makalipas:

"Bata, sabi mo, nalagpasan ng Wind Lightning Emperor ang martial ancestors mo at ang Ten Thousand Lightning Sect," sabi ng babae.

"Tama 'yon," sabi ni Zhao Feng nang walang hinto. Kritikal na punto ito ng sinasabi niya.

"Edi ipakita mo sa amin kung talaga ngang nalagpasan na ng Wind Lightning Inheritance ang skills ng sect namin," ngumiti ang babae.

"Teka, junior pa lang siya. Kung gusto niyong makipaglaban, nandito ako," sabi ni Duanmu Qing.

Umiling ang tatlong Emperors. Halatang hindi nila hahamunin si Duanmu Qing. Isa siyang elite Emperor at na-cultivate niya pa ang Dao of Wood na siyang perpektong panangga sa Lightning.

"Bakit hindi namin iharap ang numero unong henyo ng sect namin kay Zhao Feng, si Lei Zhen? Para doon, mapatunayan niyang totoo ang sinasabi niya,"mabagal na sabi ng Dark Lightning Emperor. Sila ay mga Void God Realm Emperors kaya hindi magiging tama kung sila ang makikipaglaban sa isang junior na siyang nasa halos bente-anyos lamang.

"Eh, isa iyang mabuting ideya."

"Gamitin nila dapat ang pinakamalakas na henyo nila para makilala ang mananalo."

Sang-ayon ng mga Divine Senses. Sila ay mga Kings at Emperors na nasa Sacred Land, at hindi nila papalampasin ang isang magandang palabas tulad nito.

"Anong sabi mo, Zhao Feng?" tanong ni Duanmu Qing.

:Sige," tango ni Zhao Feng.

Matapos makitang tumango si Zhao Feng, ay ngumiti agad ang Dark Lightning Emperor at ang mga kasama niya.

May isang matangkad na naka-yapak na lalaki ang may dalang malaking ispada na dumating sa Mystic True Sacred Clan.

"Lei Zhen," hindi nasorpresa si Zhao Feng.

Na-cultivate na ni Lei Zhen ang Five-Elemental Ten Thousand Lightning Technique, at mayroon din siyang Lightning Spiritual Body na kayang labanan ang karamihan sa mga Lightning skills sa mundo.

"Mas lumakas pa siya," tumingin ang ibang Core disciples sa lalaki nang may pag-iingat.

"Maari mong gamitin ang Wind Lightning Inheritance sa laban na ito, Zhao Feng. Ang pagkapanalo gamit ang ibang metodolohiya ay hindi mabibilang," sabi ng babae at sabay ngumiti.

"Hindi patas ito!" nagbago ang ekspresyon ni Duanmu Qing.

Kung yoon ang mga batas, hindi maaring gamitin ni Zhao Feng ang kaniyang eye-bloodline o kahit ano sa kaniyang mga Soul Techniques. Maisisipsip lamang ng Lightning Spiritual Body ni Lei Zhen ang Wind Lightning Inheritance, kaya paanong makakalaban si Zhao Feng sa kaniya?

"Kailangan mong patunayan na mas malakas ang Wind Lightning Inheritance, kaya dapat ay ito lamang ang maaari mong gamitin," malamig na ngisi ng Dark Lightning Emperor.

Hindi na makapagsalita ang iba matapos marinig iyon. Pinaglalabanan nila kung totoo nga talaga ang sinabi ni Zhao Feng tungkol sa Wind Lightning Inheritance. Walang mapapatunayan kung gagamit ng ibang skills si Zhao feng.

"Hehe, dagdag pa roon ay kailangan mong matalo si Lei Zhen. Kung tabla ito, ay hindi mo mapapatunayan ang punto mo," ngiti ng Dark Lightning Emperor habang binigyang-diin ang "mapapatunayan."

Ahh!? Lahat ng Divine Senses na naroroon ay napahinto. Wala talagang kahihiyan ang Ten Thousand Lightning Sect.

Bilis lamang ang pinakamalaking lamang ng Wind Lightning Inheritance. Kahit pa magawan ng paraan ni Zhao Feng ang Lightning Spiritual Lightning Body, ay maaari pa siyang makabawi gamit ang kaniyang bilis, pero mukhang handa ang kalabang sect na ito dito.

"Maayos naman ang aming kinakailangan. Kung hindi ganito, paano mapapatunayan ni Zhao Feng na talagang nalagpasan na ng Wind Lightning Inheritance ang Ten Thousand Lightning Sect?" mayabang ang ekspresyon ng mga Emperors.

Hindi rin makapagsalita si Zhao Feng. Mas tuso pa ang mga Emperors na ito kaysa sa isang soro.

"Kung sakaling matalo o tumabla ka, Zhao Feng, kailangan mong ibigay sa amin ang ulo ng Demigod at ang Wind Lightning Inheritance," sabi ng Dark Lightning Inheritance.

"Hehe… paano kung manalo ako?" natawa si Zhao Feng habang binibigyang-diin ang "paano."

Napahinto ang tatlong Emperors. Hindi nila naisip na may posibilidad manalo pa si Zhao Feng dahil sa paghihigpit nila sa kaniya.

"Paano kung…'pag nanalo ako, ibibigay niyo sa akin ang Five-Elemental Ten Thousand Lightning Technique?"

Siguiente capítulo