webnovel

Supresyon (1)

Editor: LiberReverieGroup

Nagsimulang mag-alala si Goddess Bing Wei nang makita niyang nakatayo si Zhao Feng sa gitna ng mga taga-Northern Continent.

Lahat ng Napakahusay na Prodigies at mga first-tier na mga henyo ay tapos nang makipaglaban – nasa gitnang yugto na ang Tea Party.

Tanging si Zhao Feng pa lamang ang hindi pa nakakalahok.

Wala sa mga normal at first-tier na mga henyo ang humamon kay Zhao Feng.

Si Zhao Feng ang may pinakamataas na cultivation; naabot niya na ang maagang yugto ng True lord Rank. Samantalang, si Goddess Bing Wei at Shi Chengtian ay nasa panimulang yugto ng True Lord Rank pa lamang, at si Cang Yuyue naman ay nasa Half-Step True Lord Rank naman.

Hindi sila kasing swerte ni Zhao Feng na naabot nang maaga ang True Lord Rank agad.

"Naalala kong kung paano tinalo ni Zhao Feng ang mga Napakahusay na Prodigies nang siya ay nasa True Human Rank pa lamang. Ngayong nasa True Lord Rank na siya, maaaring kayanin niyang masugpo ang lahat ng nandito…."

Bumagsak ang tingin ng lahat kay Zhao Feng. Ang mga mata nila ay puno ng paghanga at respeto.

Kaya lamang ay biglang bumaling sa kabilang direksyon ang mga tingin nila.

"Hindi lamang sa sobrang lakas ni Zhao Feng, katakot-takot rin ang eye-bloodline niya. Muntik na nitong talunin ang lahat ng nasa Sacred True Dragon Gathering."

Laki ang pag-iingat ng mga henyong first-tier tulad nina Mo Tianyi, Qin Kunwun, at Tuoba Qi.

Alam rin ng mga taga-Northern Continent ang hangganan ng lakas ni Zhao Feng.

Sa nakalipas na kalahating taon, pumatay na ng ilang True Lord Ranks si Zhao Feng, at kasabay rin nito ay ang pagkorona sa kaniya bilang Deputy Patriarch ng Iron Blood Religion.

Mas mataas pa ang tsansa nilang bumida kung hinamon nila ang iba sa mga Napakahusay na Prodigies.

Madali silang matatalo kung si Zhao Feng ang hahamunin nila.

"Sobrang bagot na bagot na siguro ni Zhao Feng. Ang tagal na niyang nakaupo lang dahil walang sumusubok sa kaniya. Sumasang-ayon ba ang lahat na siya ang nangungunang henyo sa mga True Dragons?"

Tumayo si Goddess Bing Wei at saka itinuro ang kaniyang sibat kay Zhao Feng.

Nangungunang henyo?_

Para ba siyang binagsakan ng bomba pagkarinig nito.

"Hindi niya pa nga natatalo ang kahit sino sa mga Napakahusay na Prodigies o kahit man si Yu Tianhao. Bakit siya ang mangunguna?"

"Nangungunang henyo? Gusto kong malaman kung papantay ba ako sa kaniya."

"Hahaha, isang karangalan ang makakuha ng tsansang makipag-laban sa nangungunang henyo."

Nagtinginan ang lahat kay Zhao Feng. Ngumiti si Goddess Bing Wei – nagtagumpay ang plano niya.

Dahil sa titulong ibinigay kay Zhao Feng ay naging sentro siya ng atensyon.

"Gustong kalabanin ng isang Huang Tiankui ang 'nangungunang henyo' at gusto raw niyang makita kung mananakaw niya kay Zhao Feng ang titulo."

Lumitaw ang isang True Mystic Rank sa gitna ng kapatagan.

Sa wakas ay may humamon na kay Zhao Feng.

Ilan sa mga henyo ng True Dragon ay huminga palabas nang mawala ang higpit sa kanilang dibdib.

May suot na asul na panglabanang damitan at hawak na gulanit na gintong palakol si Huang Tiankui. Mukha siyang isang diyos ng digmaan na iniikutan ng gintong ilaw.

Kahit pa gulanit na ang gintong palakol nito, may isang layuning makipaglaban ang umaalingasaw sa kaniya.

"Isang inheritance battleaxe!"

"Ang layunin sa pakikipaglaban sa gintong palakol na iyon ay maikukumpara sa isang peak True Lord Rank."

"Hindi pa ito ginagamit ni Huang Tiankui sa kahit anong laban dati."

Nagulat ang lahat.

Kahit pa nasa maagang yugto ng True Mystic Rank si Huang Tiankui, ang energy level naman ng gintong palakol niya ay higit na malakas pa sa karamihan ng normal na True Lord Ranks.

"Sapat na siguro ang nangungunang henyo ng True Dragon para gamitin ko ang inheritance battleaxe."

Todo na ang layunin ni Huang Tiankui para makipaglaban.

_Sky River Extermination!_

Sa oras na nilabas ni Huang Tiankui ang kaniyang palakol, isang malakas na layuning makipaglaban ang bumuhos sa lahat, kasabay nito ang isang ginto pader na umilaw sa kalangitan.

Kinabahan bigla ang mga nasa ilalim ng lebel ng mga Napakahusay na Prodigies nang dahil dito.

Nakatayo lang si Zhao Feng habang umiihip ang hangin sa kaniyang buhok.

Napabuntong-hininga lamang si Zhao Feng, "Kahit malakas ang layunin mong makipaglaban, hindi mo pa rin ito nauunawaan."

Matapos niyang sabihin ito.

Dang!

Tinamaan ng isang makapal na guhit ng kidlat ang gitnong palakol.

Wu!

Lumipad ang palakol ni Huang Tiankui at biglang namanhid ang katawan niya.

Clang!

Nawala ang nakakumot na layuning pakikipaglaban sa hangin nang nalaglag ang palakol sa lapag.

"Paano… paano ito nangyari!? Sinabi sa akin ng aking Master na kaya kong makipag-paligsahan sa isang True Lord Rank kapag pinadaan ko sa palakol ko ang aking kapangyarihan."

Nahilo si Huang Tiankui.

Sa loob-loob ay alam niyang mababa ang tsansa niyang manalo kalaban si Zhao Feng. Gusto niya lamang magpasikat.

Karangal-rangal ang matalo ng nangungunang henyo.

Kaya lamang ay hindi niya inasahan na sa isang maalwang atake ni Zhao Feng ay matatalo agad ang todo niyang lakas.

"Masyado kang umasa sa gamit mo nang hindi ito nauunawaan."

Tumunog ang mahinang boses ng Three Eyed Saint.

Bilang mamumuno ng pagtitipon, ang Three Eyed Saint at si Goddess Bing Wei ay kalimitang nagbibigay ng mga paalala sa mga manlalaban, at dahil sa pagsasalita niya ay kaya lang bumalik sa katotohanan ang lahat.

Sobrang laking kahihiyan ang naramdaman ni Huang Tiankui.

"Karapat-dapat nga bilang Lord Prodigy."

Kumutob ang dibdib ng mga henyong True Dragon. Ang kalagayan ni Huang Tiankui ay malapit na sa True Lord Rank, pero madali pa rin siyang natalo.

Kasabay nito.

"Zhao Feng, gamit ang iyong pang-unawa at cultivation, ang pagtalo mo sa isang kalaban sa isang atake lamang ay inaasahan na."

Sabi ng Three Eyed Saint kay Zhao Feng.

Napatigil ang lahat. Parang ang Three Eyed Saint lamang ang may karapatang sermunan si Zhao Feng.

"Mainam."

Kalmado lamang si Zhao Feng at hindi ito tinanggihan. Wala siyang interes sa ganoong klase ng labanan sa oras na iyon, at gusto niya lamang matapos ang lahat agad-agad.

Matapos matalo ni Huang Tiankui, hinamon rin ng ibang henyo ng True Dragon si Zhao Feng, at tulad ng unang pangyayari, lahat din sila ay natalo sa isang atake lamang.

"Karangal-rangal ang humamon sa nangungunang henyo ng mga True Dragon."

Sa oras na iyon, ang humamon ay si Qin Kunwu, isang henyong first-tier.

Matapos bumalik sa inheritance, ang cultivation niya ay umabot na sa Peak True Mystic Rank, at ang mental energy level niya naman ay dumikit na sa True Lord Rank.

"Umatake ka na o hindi ka na magkakaroon ng pagkakataon pa."

Ngumisi si Zhao Feng. Naalala niya si Qin Kunwu.

Dati pa sa unang yugto ng Sacred True Dragon Gathering, dalawa sila ni Zhao Feng na nasa henyong first-tier pa lamang ang antas.

Kaya lamang ay iba na ang lahat.

"Hindi ako magpipigil laban sa isang Lord Prodigy na tulad mo…."

Huminga nang malalim si Qin Kunwu. Ang mukha niya ay puno ng kakaibang ekspresyon.

Hindi niya naisip na nagyayabang si Zhao Feng. Matapos maalala na hindi maganda ang opinyon niya sa kaniya at minsan pang nakipag-alitan ito sa isa sa mga junior martial brother niya, nauwi rin siyang panoorin umangat sa ranggo ang batang iyon.

"Nine Star Extreme Sky Palm!"

Sa isang iglap lamang ay lumiwanag ang mga mata ni Qin Kunwu at ang Qi of True Spirit niya ay nagsimulang kumulo. Nilabas niya ang dalawa niyang palad na nireresemblo ang araw at buwan.

Bigla bang naging araw si Qin Kunwu nang kasabay niyang naramdaman ang lakas ng Earth Yuan Qi. Mayroon pa ngang senyales na kumokonekta siya sa lakas ng araw at buwan.

"Kamangha-manghang inheritance secret technique. Kaya pa nitong kumonekta sa lakas ng mga butuin. Para siyang isang True Lord Rank."

Kumutob ang mga dibdib ng karamihan sa mga henyo, at nakaramdam pa ng higpit ang ibang henyong first-tier. Natinag rin ang ibang Napakahusay na Prodigies.

Halatang gumamit ng mystic inheritance secret technique si Qin Kunwu, at sa comprehension niya, kaya na niyang makipaglaban sa isang True Lord Rank sa maikling oras.

"Magaling. Ang comprehension of nature mo ay medyo mataas."

Tumango sa hanga si Zhao Feng. Si Qin Kunwu naman ay kaunti na lang bago umabot sa Half-Step True Lord Rank, at ang True Lord Rank naman ay hindi na lang ganoon kalayo.

Syempre, walang patawad si Zhao Feng.

_Wind Lightning Tornado!_

Nagsimulang magdaluyong ang isang malaking buhawi na kinaiikutan ng mga kidlat ang lumabas sa palad ni Zhao Feng.

Boom~~~~

Nilamon ng Wind Lightning Tornado ang move ni Qin Kunwu at nabasag ang mga liwanag nito. Kaya lamang ay hindi nawala ang hangin at kidlat. Kundi, ay dumiretso ang mga ito patungo kay Qin Kunwu.

Deng! Deng! Deng!

Malaki ang pagbabago ng ekspresyon ni Qin Kunwu, at sinimulan niyang sumuko. Kaya lamang ay biglang nangitim ang kaniyang katawan.

Wah!

Dahil sa isang malakas na ihip ng hangin, biglang namutla ang mukha ni Qin Kunwu at sabay na dumura siya ng dugo.

Matapos makita ito, kumaway si Zhao Feng at pinahinto ang buhawi. Kaya lang, kahit pa nangyari iyon, ay muntik pa ring bumagsak si Qi Kunwu.

"Isa pang tagumpay dahil sa isang atake lamang!"

"Maaaring mamatay si Qin Kunwu kung hindi tumigil si Zhao Feng."

Nagsimulang mag-usap-usap ang mga tao.

Kahit si Qin Kunwu ay natalo ni Zhao Feng tulad ng iba.

Taimtim ang ekspresyon ng mga Napakahusay na Prodigies at ibang mga first-tier na henyo.

Kahit pa kayang talunin ng ibang Napakahusay na Prodigy si Qin Kunwi, mahihihrapan silang gawin ito sa isang atake lamang.

"Nasa ganitong yugto agad si Zhao Feng? Hindi niya pa nga nagagamit ang eye bloodline niya."

Nanlamig ang dibdib ni Goddess Bing Wei,

Praksyon pa lamang ng lakas ni Zhao Feng ang napapakita niya. Walang nakakaalam kung gaano pa siya kalakas.

Matapos matalo ni Qin Kunwu, nagbigay nanaman ng sermon ang Three Eyed Saint, "Qin Kunwu, kahit pa natalo ka, nalagpasan pa rin ng kalaban mo ang cultivation mo. Wala masyadong ginamit na technique."

Halatang nakapanig ang ebalwasyong ito kay Qin Kunwu, at nagpapatama naman kay Zhao Feng.

Ang ibig sabihin nito ay masyadong umaasa lamang si Zhao Feng sa kaniyang cultivation at nananalo nang walang skill na ginamit.

Ngumiti lamang si Zhao Feng. Dati pa man ay nakakatalo pa rin siya ng kalaban nang kahit mababa ang kaniyang cultivation.

Nagustuhan niya ang pakiramdam na madali niyang natatalo ang mga kalaban niya dahil sa kaibahan sa cultivation.

Marami pa ang humamon kay Zhao Feng, pero iisa lamang ang resulta ng lahat; natalo sila sa isang atake lang.

Nakatayo lamang si Zhao Feng nang hindi gumagalaw at tinapos ang lahat ng laban sa isang atake. Kahit tumuloy pa ang mga labanan, sa iisang resulta pa rin ito nauwi.

Siguiente capítulo