webnovel

Golden Sun Sacred City

Editor: LiberReverieGroup

Sa bandang hilaga ng Middle continent, sa himpapawid, sa ibabaw ng isang batis; nakaupo sa lumilipad nilang mga kabayo ang mga Canopy Great Country habang papunta sa kanilang destinasyon.

Sa haba ng oras na iyon, nag-cucultivate lamang si Zhao Feng. Iniintindi lamang niya ang inheritance ng Lightning Stone Tablet at ng Ice Imperial Spear simula nang pagbalik niya sa Purple Saint Ruins.

Ang nauna ay ang kaniyang cultivation technique, at ang nahuli naman ay tutulong sa kaniyang bloodline power.

Tanging sa Wind Lightning Stone Tablet lamang nakapokus si Zhao Feng dahil mas buo ito.

Hindi ganoon karaming inheritance ang maikukumpara sa bilis ng Wind Lightning Emperor.

Malabo at hindi kumpleto ang impormasyong mahahanap sa Ice Imperial Spear, kung kaya sa Earth-Grade Weapon na lamang siya nagtuon ng pansin at kung paano ito gamitin.

Mayroong malabong lilang kulay ang aura ng kapangyarihan ng hangin at kidlat ni Zhao Feng, na pinalitan ang isang-dalawampu na kulay asul.

Tuwang-tuwa pa rin si Zhao Feng kahit kaunti lamang ang kulay dahil ang ibig sabihin nito ay papunta na siya sa sunod na lebel – ang purple-colored wind and lightning.

"Ayon sa impormasyong galing sa inheritance, ang kulay lila ay nagsisimbolo ng layunin ng pagkawasak. Nangangahulugan ito na ang kabuuang pinsala na maiilalabas nito ay makakaakyat sa lebel na hindi pa nasasaksihan. Lahat ng maaapektuhan nito ay mahihirapang makabangon."

Alam ni Zhao Feng na lahat ng lakas sa bawat lebel ay nakadepende at pwedeng magbago nang ilang dosenang beses.

Sa oras na iyon, muli niyang narinig sa isip niya na ang isang boses galing sa Dark Heart Seed, "Master, makakahanap pa tayo ng mas maraming resources sa Middle Continent. Nalinang ko na ang tatlong True Lord Rank ghost-corpses."

Sa totoo lamang, ang Tea Party ay isa lamang sa rason ni Zhao Feng kung bakit siya pumunta sa Middle Continent.

Mas maraming resources ang mahahanap sa Middle Continent na makatutulong sa kanyang cultivation at sa plano niyang Hundred Corpse.

Kung kaya pang lumakas ni Zhao Feng nang isa pang hakbang, at kung magawa niya ang plano niya na Hundred Corpse, walang pwersa ang hindi siya katatakutan.

"Skeletal Division Leader."

Lumamig bigla ang boses ni Zhao Feng nang tumunog ito sa puso ng Skeletal Division Leader gamit ang Dark Heart Seed.

Suminok ang Skeletal Division Leader. Nakaramdam ito ng kaba sa kaluluwa nito.

Kailangan lamang ni Zhao Feng na isipin ito para mapatay ang Skeleton Division Leader.

"Zhao Feng, ikaw…"

Natigil sa takot ang Skeletal Division Leader.

Sobrang magkaiba ang soul power at comprehension of the Dao of the Soul nina Skeletal Division Leader at Zhao Feng, pero may tinanim si Zhao Feng na Dark Heart Seed sa kailali-ilaliman ng kaluluwa ng Skeletal Division Leader, kaya hindi ito makalaban.

"Para atang may nakahanap sa atin, at parang parehas kayo ng aura."

Sabi ni Zhao Feng nang walang emosyon.

Nagsimulang magmasid ang God's Spiritual Eye sa Skeletal Division Leader mula sa Ten Thousand Ghost Pearl.

Masyadong komplikado ang aura ng Skeletal Division Leader kung kaya't hindi ito pinansin ni Zhao Feng, pero matapos pumasok sa Middle Continent ni Zhao Feng, may naramdamang 'di kaaya-aya ang God's Spiritual Eye.

Matapos marinig ito, nanahimik bigla ang Skeletal Division Leader, at ang liyab sa mata nito ay tumalon.

"Pwedeng hindi ka sumagot; hindi ako tutol sa pagbitaw ng isang hudas na utusan."

Sabi ni Zhao Feng nang walang pirmi.

Kahit sobrang laki ng halaga ng Skeletal Division Leader dahil sa abilidad nitong makabalik mula sa Origin Core Realm ng isa o dalawang taon lamang, mas pipiliin itong ilaglag ni Zhao Feng para sa sarili niyang buhay.

"Baka ang Scarlet Moon Division Leader Token iyon."

Nagpakita ng isang malinaw na token na kulay dugo ang Skeletal Division Leader.

Ang token ay para bang walang bigat, at lumalabag sa batas ng pisika dahil sa paglutang nito sa Ten Thousand Ghost Pearl.

"Kakaiba nga ito."

May naramdamang nakatagong aura si Zhao Feng galing sa token na nakakabit sa aura ng Skeleton Division Leader. Kung hindi siya ito pinansin, hindi niya ito sana mararamdaman.

Nagbuntong-hininga ang Skeleton Division Leader, 'Mas malakas pa pala ang pakiramdam mo. Ang Scarlet Moon Division Leader Token na ito ay gawa galing sa sarili kong aura at sa ibang espesyal na materyales na galing sa panlabas na mundo. Lahat nang makakaramdam nito ay dapat nasa lebel ng isang Division Leader…."

_Scarlet Moon Division Leader Token._

Huminga nang malamig na hangin si Zhao Feng. Ang ibig sabihin lamang nito ay ang taong naghahanap sa kanila ay nasa lebel ng Division Leader, o baka mas mataas pa rito.

Ang Scarlet Moon Demonic Religion Patriarch mismo ay maaring malapit lang at maaring maramdaman ang Scarlet Moon Division Leader Token.

Kaya naman hindi na sinama ni Zhao Feng ang Patriarch sa ekwasyon; kung ang Patriarch ang humahanap sa kaniya, matagal na sana itong umatake. Walang katatakutan ang Scarlet Moon Demonic Religion Patriarch.

Ang ibig sabihin nito ay ang taong umaasinta sa kaniya ay hindi kasinglakas ng Skeletal Division Leader. Pinakamalala na ang isang nagpapagaling na Soverign.

"Kung nagtatago ka sa Ten Thousang Ghost Pearl at nakahiwalay sa labas, paano pa rin sila nakakaramdam?"

Tanong ni Zhao Feng.

Hindi siya naniniwalang kaya ng Skeletal Division Leader ang mapalabas ang aura nito mula sa Ten Thousand Ghost Pearl.

"Parte ko ang Scarlet Moon Division Leader Token, at dahil nakikipag-usap ako sa'yo, nasa iyo rin ang aura at kahit pa ang Ten Thousand Ghost Pearl. Lalo pa, ang technique na ginamit sa paggawa ng token ay hindi galing sa Azure Flower Continent. Galing ito sa Scarlet Moon Inheritance. Maaaring marami rin itong abilidad, tulad ng pagpapadala ng mensahe depende sa layo; at kung papatayin mo ako, ang aura ng token ay mapupunta sa iyo, at papatayin ka naman ng mga eksperto ng Scarlet Moon Demonic Religion."

Paliwanag ng Skeletal Division Leader.

Matapos ito, lalo lang nagulat si Zhao Feng sa laki ng mundo.

"Pwede mo namang sirain o itapon ang token kung ayaw mo akong paniwalaan."

Sagot ng Skeletal Division Leader.

Walang ekspresyon si Zhao Feng, at nagsimula siyang magpaliwanag.

Hindi niya pa naiintindihan ang Scarlet Moon Leader Token sa pagkakataon na iyon.

"Kung sisirain ko ang token, maghihimala lamang sila na may nangyari, at dahil dito, baka umatake agad sila. Kung itatapon ko naman ito, walang nakakaalam kung anong klaseng mga senyales ang iiwan ng Skeletal Division Leader dito…."

Umikot ang mga iniisip ni Zhao Feng, at nagkaroon siya agad ng balyenteng plano.

"Itago mo muna ang token."

Utos ni Zhao Feng.

Hindi magawang hindi magulat ang Skeletal Division Leader. Alam ni Zhao Feng na sobrang delikado ng token, pero hindi siya nasindak para sirain ito.

Hindi nito alam kung ano ang pina-plano ni Zhao Feng, pero ginawa nito ang inutos sa kaniya. Hawak ni Zhao Feng ang buhay niya.

"Buti na lang may pamatay na atake ako. Pero paglaruan muna natin sila…."

Dahan-dahang sinara ni Zhao Feng ang mga mata niya at hindi pinansin ang delikadong aura galing sa kaniyang likod.

Ang lima pang henyo ng True Dragon ay nagtawanan at nagbiruan nang hindi alam ang kahihitnatnan nila.

Sa isang iglap, isang buwan na agad ang lumipas. Sa oras na ito, naramdaman ng grupo na mas masulong ang Northern Continent kaysa sa Middle Continent.

Sa araw na iyon, ang inuupuan nilang lumilipad na kabayo ay lumagpas sa isang batis, nang may biglang lumitaw na gintong kastilyo sa harap nila.

Mahinang umilaw ang bakal na gintong kastilyo at makikita ito mula sa sobrang layo.

"Golden Sun Sacred City!""Dito nagaganap ang Tea Party."

"Nagawa ang Golden Sun Sacred City galing sa mga kaiibang materyales na galing sa panlabas na mundo, at ginawa ito ng Legendary Three Eyed Sky Emperor. May libo-libong itong taon ng kasaysayan."

Nagsimulang magmasid ang grupo. Dati nang narinig ni Zhao Feng na magkwento si Tiemo tungkol sa Golden Sun Sacred City.

Golden Sun Family – ang may pinakamalakas na eye-bloodline, at silang nagmamay-ari ng siyudad na ito.

Ang ibig-sabihin nito ay ang Three Eyed Saint ang namumuno ng Tea party sa home-ground.

Napanalunan niya ang dalawang nakaraang Sacred True Dragon Gatherings, at ang Golden Sun Family ay nasa ilalim lamang ng Ten Major Forces of the continent. Walang nag-alangan na sila ang may karapatang mamuno ng pagtitipon.

"Hmm?"

Naramdaman ni Zhao Feng na nagsimulang mawala ang delikadong aura habang palapit sila sa Golden Sun Sacred City.

Para bang nag-iingat din ang eksperto ng Scarlet Moon Demonic Religion sa Golden Sun Sacred City.

"Ang Golden Sun Family!"

Punong-puno ng galit, na may halong pag-iingat at respeto, ang Skeletal Division Leader, na siyang nasa loob Ten Thousand Ghost Pearl.

Nagulat dito si Zhao Feng. Para sa isang taong kasinglakas ng Skeletal Division Leader, hindi niya akalaing kinatatakutan rin nito ang Golden Sun Family.

_Minsan na bang natalo ang Skeletal Division Leader sa Golden Sun Family?_

Habang lumilipad ang hayop papunta sa Golden Sun Sacred City.

Shua! Sou! Sou! Sou!

Ang grupo ni Zhao Feng ay lumipad papasok at lumapag sa loob ng Golden Sun Sacred City.

Isang malaking kastilyo talaga ang Golden Sun Sacred City na pagmamay-ari ng isang pamilya.

Nang pagdating nina Zhao Feng at ang kaniyang grupo, naakit agad nila ang atensyon ng mga guarding experts.

"Sobrang bata ng anim na iyon nang nasa True Spirit Realm. Isa pa sa kanila ay True Lord Rank!"

Tama na ang presensya nila para magsimula ng maliit na gulo salugar na iyon.

"Sabihin niyong dumating na ang napakahusay na prodigy na si Zhao Feng sa Golden Sun Sacred City."

"Dumating na ang Prodigy Zhao Feng!"

Sunod-sunod na tumunog ang mga boses sa kastilyo.

Kita naming nakilala agad nila si Zhao Feng.

Naghanda ang Golden Sun Family para sa pamumuno ng Tea Party.

Sa ilang sandali lamang, nagkagulo agad ang Golden Sun Family. Totoo rin ito lalo sa younger generation.

Pinanonood ng di-mabilang na mata ang grupo ni Zhao Feng.

Kahit may kaunting takot na naramdaman sina Prince Jin, Wang Xiaoguai, at ang iba pa, mayroon ding pagmamalaki at sayang naramdaman ang mga ito.

Mahirap ipaliwanag ang pakiramdam ng pinupuri at nirerespeto ng isang top-tier family.

"Siya si Zhao Feng? Isang Lord Prodigy? Kahit ang Saint natin ay hindi nakuha ang titulong iyon!"

Halos lahat ng mga mata sa loob ng kastilyo ay puno ng paghanga at respeto.

Dahil dito, hindi ganoon kadaling makahanap ng ganito kabatang True Lord Rank sa loob ng kontinente.

"Hmph! Ang yabang ng Zhao Feng na 'yan. Nakuha niya nga ang atensyon ng Sacred True Dragon Gathering, pero nasa loob na siya ng teritoryo ng may pinakamalakas na eye-bloodline."

Syempre, may mga tao ring may mapandustang tingin sa kanila.

Lumutang si Zhao Feng patungo sa kastilyo nang walang pakialam sa pagmamasid ng Golden Sun Family.

"Zhao Feng! Zhao Feng!"

Ang mga sigaw na iyon ay nanggaling sa younger generation ng Golden Sun Family.

Siguiente capítulo