webnovel

True Spirit Realm (1)

Editor: LiberReverieGroup

"Pinal na ang aking desisyon."

Isang enggrandeng boses ang bumanda sa loob ng bulwagan.

Ang Regulations Elder na may puting buhok at ang mga kasamahan nito ay nagulat sa desisyon ng Deputy Patriarch.

Kadalasan, pinag-iisipan ito ng Deputy Patriarch kasama ang mga Elders at ang mga Protectors.

Ang mga nakatataas na echelons ay lahat magalang ang pakikitungo sa Deputy Patriarch na ito na mayroong kulay dugong-pulang buhok. Subalit, minsan ang Deputy Patriarch ay babalikan ang mga desisyong ginawa niya mag-isa at ang resulta ay mapapatunayang siya ang tama – lalo na kapag may sangkot na mga tao.

Mayroong matalas na mga mata ang Deputy Patriarch na mayroong kulay dugong-pulang buhok sa pagsusuri ng mga tao, subalit sa oras na ito ang lahat ng tao ay nagtinginan sa bawat isa.

"Wala pang kahit sinong batang Chapter Leader noon sa Iron Blood Religion. Si Zhao Feng ay labinganim hanggang labingpitong gulang pa lamang at hindi pa nga siya maituturing na nasa wastong gulang na sa ilang mga lugar."

Naisip ng kulubot na Protector.

Dahil siya mismo ang nagbigay ng babala kay Zhao Feng noon sa Capital, alam niya ang kasaysayan ng batang ito. Kahit siya ay kinukuwestiyon ang pagsasa-ayos ng Deputy Patriarch, subalit dahil nagawa na ng Deputy Patriarch ang kaniyang desisyion, ang grupo ng mga taong naroroon ay hindi makatanggi.

Sa ganitong paraan, si Zhao Feng ang naging pinakabatang Chapter Leader sa buong kasaysayan ng Iron Blood Religion.

Bumuntong-hininga ang mga nakatataas na echelons at sila ay nagtaka.

"Deputy Patriarch, saang Chapter ang ilalagay mong pamumunuan ni Zhao Feng?"

Hindi tumanggi ang puting Regulations Elder at sa halip ay iniba ang usapan.

"Aling Chapter's ang walang Leaders ngayon?"

Simpleng tanong ni Tiemo.

"Ang Thousand Water Chapter at Everlasting Sky Chapter, parehas ay walang Chapter Leaders. Sa dalawang ito, ang Thousand Water Chapter ang pinakamalapit at ang dalawang Lieutenants dito ay napakamakapangyarihan at hindi pa napapagdisesyunan kung sino ang Chapter Leader. Ang Everlasting Sky Chapter ay mas malayo at ang lumang Chapter Leader ay narating na ang hangganan ng kaniyang buhay…"

Sambit ng babaeng may puting buhok.

"En, ilagay mo si Zhao Feng upang pamunuan ang Thousand Water Chapter."

Sambit ni Tiemo ng walang pagdadalawang-isip.

Sa pagkarinig nito, nagbago ang mga ekspresyon ng mga nakatataas na echelons.

Ang Thousand Water Chapter ay masa malapit sa pangunahing punong-himpilan ng Iron Blood Religion at ginagawa ito ng Deputy Patriarch upang matulungan si Zhao Feng.

"Subalit… ang dalawang lieutenants ng Thousand Water Chapter, si Yun Sha at si Chen Mengzhen, ay hindi mga tipo ng taong nagpipigil. Napakalakas nila at matagal na silang nagnanais sa posisyon ng Chapter Leader. Lalo na para kay Yun Sha na hindi na makontrol ngayon."

Sa pag-isip nito, ngumiti ang babaeng mayroong puting buhok.

Ang Thousand Water Chapter ay bahagyang mas malapit sa Capital, nangangahuluguhan na mas maraming tao rito at mas kaakit-akit kaysa sa mga mas malalayong lugar.

Subalit, ibig sabihin din nito na ang kompetisyon sa loob ng Thousand Water Chapter ay malaki at ang mga dibisyon na kabilang dito ay komplikado.

Mukhang hindi ito inisip masiyado ni Tiemo at dali-daling pinomote si Zhao Feng para maging Thousand Water Chapter Leader.

"Manatili ka muna sa punung-himpilan sa loob ng isang buwan. Bibigyan kita ng isang alalay para tulungan ka sa mga oras na iyon."

Sinabihan ni Tiemo si Zhao Feng.

Tumango si Zhao Feng at sunod ay kinuha ang kaniyang Chapter Leader Token at ang mga kagamitan niya dahil siya ay matagal na mananatili sa punung-himpilan.

"Magiging mahirap para sa batang ito ang kontrolin ang Thousand Water Chapter sa kasulukuyang lakas at karanasan na mayroon siya."

"Dahil nandoon sina Yun Sha at si Chen Meng at ang kanilang mga pag-uugali, tiyak na hindi sila susunod sa ganito kabata at kahinang Chapter Leader."

Tiningnan ng mga nakatataas na echelons na nasa bulwagan si Zhao Feng gamit ang kanilang mga mata at mayroon silang isang mapaglarong ngiti.

Nakikini-kinita na nila ang sitwasyon kung saang tiyak na hindi makakatagal sa pagiging ang 'Thousand Water Chapter Leader'.

"Sunod, pag-uusapan natin ang tungkol sa progreso ng Sacred True Dragon Gathering…"

Binago ni Tiemo ang usapan.

Sa loob ng Iron Blood Religion, sa isang mapayapang bulwagan na mayroong mga perlas sa kisame at mga pader nito.

Bilang isang Chapter Leader, si Zhao Feng ay tiyak na isang nakatataas na echelon sa Iron Blood Religion, kaya naman ang pagtatrato niya ay mas maganda pa kaysa sa mga normal na tao.

He sat cross legged and merged his consciousness into the second floor of his Lightning Inheritance.

Nakadekuwatro siyang nakaupo habang sinasanib ang kaniyang kamalayan sa ikalawang palapag ng kaniyang Lightning Inheritance.

Noon sa Flooding Lake City, sinubukan na ni Zhao Feng pumasok sa ikalawang palapag ng Lightning Inheritance.

Ang pangangailangan para makapasok sa ikalawang palapag ay ang cultivation ay dapat nasa True Human Rank, subalit dahil mataas ang mental energy level ni Zhao Feng at ang kaniyang God's Spiritual Eye ay binigyan siya ng mga kapabilidad na mabilsi na matuto, kaya niya nang intindihin ito noon subalit mas mahirap lang talagang gawin.

At ngayon, matapos ang sumailalim sa malalim na pagtulog ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng at ang kaniyang cultivation ay nakaaboy na sa half step True Spirit Realm, mas madali na para sa kaniya ang umintindi.

Sa loob ng kaniyang isipan, ang larawan ng Lightning Inheritance ay mas tiyak at mas lumaki. Sumali sa malawak hanggang sa katiting na paningin, nakikita niya ang pinagmulan ng lahat ng bagay.

Ito ang forte ni Zhao Feng. Ang dimensyon ng kaniyang kaliwang mata ay nagbibigay sa kaniya ng abilidad upang kopyahin ang mga kagamitan ng mga skills.

Umusbong ang mga bulaklak ng kidlat at naglaho sa loob ng dimensyon ng kaniyang kaliwang mata.

Nakatagpo si Zhao Feng ng ilang mga mapanuksong mga tanong habang siya ay nag-iintindi. Isa sa kanila ay sinasabi na napakahina ng kapangyarihan ng Lightning sa Heaven Earth Yuan Qi maliban na lamang kung mabagyo ang panahon.

Ang ilang mga atake mula sa True Spirit Realm ay mas magiging malakas sa halip na magiging mahina matapos lumabas sa kanilang mga katawan.

Ito ay dahil sa pagsasanib ng Heaven Earth Yuan Qi.

Sa ilalim ng mga normal na sitwason, ang mga nasa True Lord Rank lamang ang maaaring magsanib ng kanilang Qi ng True Spirit kasama ng Heaven Earth Yuan Qi.

Ang mga nasa True Human Rank ay kaya lamang humigop hanggang sa isang hangganan subalit hindi pa ito sapat upang tuluyan itong pagsanibin.

"Mukhang ang kagipitan kong ito ay dahil sa aking nalilimitahan na cultivation."

Naintindihan ni Zhao Feng ang problema. Sa oras lamang na naisalin na ang lahat ng Qi ng kaniyang half step True Spirit ay maging Qi ng True Spiriy atsaka lamang magkakaroon ng interaksyon ang lightning element sa loob ng kaniyang katawan at sa Heaven Earth Yuan Qi sa labas.

Sa madaling salita, mayroon na lamang isang problema at iyon ay ang makatungtong sa True Spirit Realm.

Hangga't makakaabot siya sa True Spirit Realm. Magagawang makakuha ng kaalaman ni Zhao Feng mula sa ikalawang palapag ng Lightning Inheritance.

Sa pag-iisip nito, nagtuon lamang si Zhao Feng ng pansin sa cultivation at inorganisa din niya ang mga kagamitang nakuha niya mula sa Water Moon Treasury at sa Rising Dragon Auction.

Weng~~

Nagsimula nang magcultivate ang Qi ng half step True Spirit ni Zhao Feng at ilang mga kulog ng kidlat ang bumalot sa kaniyang katawan. Maninigas ang mga lalapit dahil sa pagtama sa kanila ng kidlat.

"Matapos makaabot ang aking Qi ng half step True Spirit sa 60%, mas magiging mabagal ang pagsasalin nito."

Kumunot ang mga kilay ni Zhao Feng. Kahit anong bagay na lumapit hanggang sa hangganan ay mas magiging mahirap.

Siyempre, sa ilalim ng mga normal na sitwasyon, ang mga taong nakapaglipat na ng 60% ng kanilang Qi ng half step True Spirit ay maaari nang subukang makatungtong sa True Spirit Realm, subalit hindi naman mataas ang pagkakataong magtagumpay.

Pinakawalan ni Zhao Feng ang kaniyang mga pandama at ang Qi ng kaniyang half step True Spirit ay lumalabas mula sa kaniyang ulo upang maramdaman ang hindi mabilang-bilang na Heaven Earth Yuan Qi na nasa ere.

Kabilang sa Heaven Earth Yuan Qi ang bawat elemento. Mayroong kidlat, hangin, apoy…

Ang mental energy level ni Zhao Feng ay maikukumpara sa True Human Rank at gamit ang makapangyarihang pinanggagalingan ng kaniyang mental energy na mula sa kaniyang God's Spiritual Eye, mayroon siyang mas malaking lamang kaysa sa nakararami dahil kaya niyang maramdaman ang Heaven Earth Yuan Qi.

Hindi kalaunan ay nakaramdam siya ng sagitsit ng kapangyarihan ng kidlat.

Ang unang hakbang.

Ang Qi ng half step True Spirit ni Zhao Feng ay nagkaroon na ng interaskyon sa lightning na nasa Heaven Earth Yuan Qi at nilinis nito ang kaniyang True Force.

Kaya itong gawin ng mga nasa Ascended Realm subalit sa katiting na paraan lamang.

Ang ikalawang hakbang.

Makalapit sa kapangyarihan ng kidlat na nasa loob ng Heaven Earth Yuan Qi.

Ang hakbang na ito ay maaari lamang magawa ng mga nasa half step True Spirit Realm.

Ang ilang skills at teknik ay nangangailangan ng isang estado ng mental energy at sa pamamagitan ng paglapit sa Heaven Earth Yuan Qi, maaari silang makapagpakawalang ng makapangyarihang lakas.

Kung mas mataas ang level ng isang skills, mas malapit ang affinity na maabot nito.

"Kung mas mataas ang affinity, mas makakayang makahigop ng Qi ng True Spirit."

Tumango si Zhao Feng.

Sa pamamagitan ng kaniyang pakiramdam, mas marami siyang naiintindihan tungkol sa True Spirit Realm.

Kasabay nito mas naging malinaw ang mga bagay na hindi niya naiintindihan sa Origin Core Ruins.

Sa paglipas ng oras, ang affinity ni Zhao Feng sa kidlat na nasa ere ay mas naging mataas.

Makalipas ang tatlong araw, ang ilang mga kidlat na nasa ere ay nahigop na papunta sa kaniyang katawan.

Dahil sapat na ang taas ng kaniyang mental energy level at mayroon siyang God's Spiritual Eye, kaya pang manghatak ni Zhao Feng ng mas maraming lightning Yuan Qi.

Sa ikalimang araw, ang tunog ng kulog ay maririnig mula sa taas sa bulwagan ni Zhao Feng.

Ang mga taong may mataas na cultivation ay mapapansin na mas siksik ang lightning Yuan Qi rito kaysa sa ibang mga lugar.

Ang Heaven Earth Yuan Qi ay ang mga kasangkapan sa pagbuo ng daigdig.

Ang mga tao ay mga atoms at kapag sila ay nakatanggap ng sapat na Heaven Earth Yuan Qi na mayroong mataas na kalidad at bilang, mas makakakontrol sila ng maraming kapangyarihan.

Kung sapat na ang taas ng cultivation ng isang tao, kahit ang atom ay kayang maging isang Sovereign na mamumuno sa lahat ng namumuhay.

Sa ilalim ng kaunting pagtitipon ng mga kidlat, ang kaalaman ni Zhao Feng ay mas lalong lumalim at ikinataas din ito ng kaniyang mental energy.

Sa ikasampung araw, kaya nang humigop ni Zhao Feng ng lightning Yuan Qi dahil hiling niyang i-cleanse ang kaniyang kaluluwa at ang kaniyang True Force.

Sa puntong ito, wala ng saradong pinto sa True Spirit Realm. Ang kailangan na lamang niya ay panahon.

"Ang Qi ng aking half step True Spirit ay nakarating nasa 80-90%. Ang pinakamahalagang bagay ay ang bilang ng True Force sa aking katawan ay dumoble."

Ngumiti si Zhao Feng habang binubuksan ang kaniyang mga mata. Ngayon, isang hakbang na lamang siya bago sa huling yugto – ang buuhin ang kaniyang 'Source of True Spirit' sa loob ng kaniyang dantian.

Kung magtatagumpay siya, maaari siyang maging isang ekspertong nasa True Spirit Realm.

Bukod pa rito, hindi na siya maituturing na iba mula sa mga nasa True Spirit Realm.

Matapos marating ang hakbang na ito, pakiramdam ni Zhao Feng isa siyang isdang nasa tubi sa tuwing cinucultivate niya ang ikalawang palapag ng Lightning Inheritance.

Dahil sa kaniyang malapit na affinity kasama ang Lightning Yuan Qi, kaya niya ring kuhanin ang lightning Yuan Qi na nasa ere.

Xiuuu-----

Itinaas ni Zhao Feng ang kaniyang kamay at isang kadena ng kidlat ang humampas at gumo ng isang kidlat na ahas na may habang kalahating yarda. Sa loob ng ilang paghinga, hindi ito naglaho sa halip ay mas lumakas.

Kung wala ang suporta ng True Force, ang ahas na kidlat ay kaya paring balutan siya ng tatlong beses.

Ito ay dahil nang maipadala ang Qi ng half step True Spirit, kaya ring makuha at magkaroon ng interasyon ni Zhao Feng sa lightning Yuan Qi sa labas.

Sa ganitong paraan, sa wakas ay nakapasok na si Zhao Feng pintuan ng ikalawang palapag ng Lightning Inheritance.

Matapos iyon, nagsimula na siyang kumuha ng kaalaman sa movement skills, opensa, depensa at ilan pang makakapangyarihan na sikretong teknik.

"Blade of Lightning."

Itinaas ni Zhao Feng ang kaniyang kamay at kasabay ang isang kulog ng kidlat, isang matalim na espadang gawa sa kidlat ang lumitaw. Makatotohanang kumislap at kuminang ito.

Bago ito, kaya nang makagawa ni Zhao Feng ng isang blade of lightning subalit tatlong talampakang haba lamang nito ay napakasimple. Hindi lang iyon, kumunsumo rin ito ng malaking True Force.

Ngayon na ang blade of lightning ay isang espada na naglalaman ng nakakasindak na kataliman.

Sheww!

Kumislap ang blade of lightning at isang High grade Mortal tier na sandata sa tabi ni Zhao Feng ang nahiwa sa dalawa na mayroong lumalabas na maitim na mga usok mula rito.

"Grabeng katakot-takot na opensa. Tiyak na kaya nitong hiwain ang defensive Qi ng True Force mula sa mga normal na eksperto na nasa True Human Rank."

Nag-uumapaw ang kagalakan ni Zhao Feng.

Siguiente capítulo