webnovel

Pagtulog (2)

Editor: LiberReverieGroup

Naging malabo ang kamalayan ni Zhao Feng habang natutulog siya. Matapos mahulog sa ilog, awtomatikong naging kalahating-patay na ang kanyang katawan.

Si Zhao Feng ay tila isang piraso ng kahoy na patuloy na inaagos sa kabila ng kung anong hangin o alon.

Miao Miao!

Ang munting magnanakaw na kuting ay tumalon paalis sa Spiritual Pet Bag, naupo sa katawan ng kanyang amo at nagsusuri sa paligid gamit ang kanyang itim na mata.

Ang munting magnanakaw na kuting ay tinanggi ang lohika sa kakayahan nitong maglabas pasok sa Spiritual Pet Bag kapag ginusto niya.

Tumingin ito sa baba at tinignan si Zhao Feng bagi niya tapikin ang noo ng kanyang amo. Walang reaksyon si Zhao Feng, ngunit ang kanyang True Force at bloodline power ay tila natural na pino-protektan siya.

Sa isang sandali, isang Yao beast ang nagmanman kay Zhao Feng at sinubukan siya nitong lapitan ngunit ang kidlat at icy blue aura ay lumitaw mula sa bloodline ni Zhao Feng.

Ang bloodline power ay pinanigas ang halimaw na palapit sa kanya.

Ang munting magnanakaw na kuting ay mukhang nag-iisip tungkol sa isang bagay at kinuha nito ang dalawang Coins of Destiny bago ihagis sa hangin.

Ang munting magnanakaw na kuting ay tila wala ng pag-asa matapos na bumagsak at maghikab bago bumalik sa Spiritual Pet Bag.

Ilang araw ang nakalipas ay tila na coma na ang estado ni Zhao Feng, ngunit ang kanyang aura ng buhay ay nananatili pa rin.

Ang munting magnanakaw na kuting ay madalas na lumalabas upang tignan ang kanyang amo o manghuli ng isda sa ilog.

Sa isang kisap-mata, isang buwan na ang nakalipas.

Ang katawan ni Zhao Feng ay sumunod lang sa agos at sa tulong ng munting magnanakaw na kuting, nalayo ito sa Flooding Lake area.

Miao miao!

Ang munting magnanakaw na kuting ay tumingin sa direksyon ng Flooding Lake City at tumango.

Sigurado na ngayon na ligtas na si Zhao Feng.

Ang 2 ay isa sa tatlong malalakas na pwersa sa palibot ng Flooding Lake area at ang kanilang Flooding Lake City Lord n si 'Liu Juitian' ay umabit na ngayin sa True Lord Rank, sila na ang nagunguna.

Matapos tumakas ni Zhao Feng ang City Lord, Liu Juitian ay inutusan ang lahat sa paligid ng Flooding lake area na hanapin si Zhao Feng. Ngunit masyadong malaki ang Canopy Great Country at maging ang City Lord ay kaya lamang maapektuhan ang mga paligid sa Flooding Lake Area.

Maliban pa dito, may ilang mga pwersa na mayroong koneksyon sa Imperials, Tatlong Sekta at Four Families.

Maging ang Liu family ay may matinding kompetisyon at inner battles.

Sa kabuuan, walang kahit isang tao ang maaring magmando sa lahat. Maging ang mga Imperials.

Ito ang dahilan kung bakit habang lumalayo ang nararating ni Zhao Feng ay mas nagiging ligtas siya.

Ang munting magnanakaw na kuting at si Zhao Feng ay mayrooong blood pact at kahit na mukhang madalas na tamad ang kuting, ito ay maasahan sa mga kritikal na sitwasyon.

Matapos ang isang buwan na pagtulog, ang buhok ni Zhao Feng ay nagkulay faint blue at ang kanyang kaliwang mata at naging dream-color ice blue color.

Mula sa malayo, si Zhao Feng ay mukhang Prince of Dreams.

Gayunpaman, sa panahon na tulog si Zhao Feng madalas siyang bumubulong at ang kanyang kaliwang mata ay saglit na bumubukas. Ang kanyang kaliwang mata ay tila kristal na tubig -puno ng perpeksyon.

"Ang Ancient ay sira na, ang mga Ancient Gods slain ay magiging alikabok na."

Ang malamig na buntong-hininga ay narinig sa pitch black. Tila ang tunog na ito ay mula sa ibang dimensyon ng oras

Sa kailaliman ng kanyang kaliwang mata, ang azure abyss ay napunta sa maliit na asul na lawa at ang gitna ng lawa ay nagyeyelo.

Ang mukha ni Zhao Feng ay mas nanlamig at ang kanyang kaliwang mata ay bukas, ang hindi nakikitang kalamigan ay kumalat sa isang daang radius na yarda at ang mga kalapit na hayop ay halos masinok.

Ang lamig ay sobrang tindi na maging ang mga nasa True Spirit Realm ay mararamdaman ito.

Ang mata ng munting magnanakaw na kuting ay puno ng ekspektasyon at respeto.

Minsan, uupo ito kay Zhao Feng at mag cucultivate. Oo, ang munting magnanakaw na kuting ay nagcucultivate ng ilang primal crystal stones at spiritual pills na kanyang kinakain, maari ng bumuo ng bundok ang lahat ng kanyang ginagamit.

Umagos ang oras.

Maliban sa madalas sa pagbukas ni Zhao Feng ng kanyang mata, nanatili siya sa malalim na tulog at sa halip na bumaba ang kanyang cultivation, patuloy pa itong tumataas.

Sa araw na ito, pumasok ang katawan ni Zhao Feng sa isang bayo. Ang bayo ay puno ng Heaven Earth Yuan Qi at ang daan ay magulo.

Sa simula, may ilang mga pigura silang malalagpasan at ang tunog ng paglipad ay lumitaw.

Ang katawan ni Zhao Feng ay nagsimulang makabawi at ang kanyang mukha at paghinga ay mas naging halata na.

Sa kanyang isipan, mayroong kakaibang panaginip si Zhao Feng.

Sa panaginip niya, nasaksihan niya ang battlefield ay mas malaki pa sa kanyang inaasahan.

Sa tagpong ito, malalaking pigura ang nagkalat sa mundo na naging dahilan upang mawalan ng kislap ang araw at buwan.

Ramdam ni Zhao Feng ang paggalaw at pagyanig ng mundo na nag payanig sa kanyang kaluluwa.

Sa kanyang panaginip, ang langit ay tila nahati at ang buong kontinente ay nagyayanig. Kahit ang sirit lamang sa labanan at maari ng magpapatag sa Flooding Lake City.

"Ito… ito ay kataka-taka…"

Nagulat ang puso ni Zhao Feng. Kahit na malabo ang mga larawan, kaunti lamang ng kanilang aura ay maari ng magpanginig sa kanyang kaluluwa at magpayelo sa kanyang isipan.

Kahit na ang senaryo ay hindi malinaw, sigurado siya na ang era na ito ay noong ancient era.

Mayroong mga malilinaw na detalye sa kanyang panaginip. Halimbawa, noong may isang gumamit ng skills sa Ancient Gods.

Ito ay nagbigay ng pagkakataon kila Zhao Feng upang maintindihan sila, ngunit siya ay lubos na napagod ay ang kanyang kamalayan ay malabo pa.

"Tignan mo, may tao sa ilog."

Isang berdeng bangka ang lumitaw at sa bangka ay may pig-tailed na babae na nasa munting magnanakaw na 12-13 taong gulang ang itinuturo si Zhao Feng.

Ang mga tao sa bangka ay nag tinginan.

"Mukhang hindi pa patay ang tao sa ilog."

"Eh? Mayroon ding kuting."

Nawirduhan ang mga tao sa bangka.

Nag-utos ang naka pig-tailed na babae: "Hilahin niyo siya, aww, ang cute ng kuting."

"Lady Qiaouu, ang taong ito ay hindi malaman ng pagkakakilanlan. Maaring isa siyang pirata."

Nag-aalangan ang mga tao sa bangka.

Miao miao!

Ang munting magnanakaw na kuting ay tumayo sa taas ni Zhao Feng ay kinaway ang kanyang kamay.

Lahat ay natigilan at masasabing ito ay nakikipag-usap para sa kanyang amo.

"Matalinong pusa, malamang ay mabuting tao ang kanyang amo." Masayang saad ng naka pig-tailed na babae habang inuutusan niya ang ilang mandaragat na hilahin si Zhao Feng.

Ang buhok ni Zhao Feng ay kulay asul na naging dahilan upang mapasigaw ang mga babae: "Ang ganda ng buhok niya!"

Ang mga tao ay nagtataka at interesado ang ibang babae at bahagyang hinawakan ang kanyang buhok upang makumpirmang totoo ito.

Matapos mailipat sa bangka, natutulog pa rin ang kabataan.

Ang munting magnanakaw na kuting ay tumalon sa paligid ng bangka na naging dahilan upang masiyahan ang naka pig-tailed na babae.

"Munting kuting, hello, ako si Bi Qiaoyu ng Transverse Water Bay Bi family. " Pagpapakilala ng babaeng naka pig-tailed.

Miao miao!

Ang munting magnanakaw na kuting ay tinapik ng kanyang dibdib na tila pinapakilala nito ang kanyang sarili na naging dahilan upang magtawanan ang mga tao.

Sa isang sandali lamang, ang buong bangka ay naging masaya dahil sa munting magnanakaw na kuting.

"Qiaoyu, ano ang sitwasyon ng pusa at kabataan?" Ang boses ng matanda ay narinig mula sa isang silid sa bangka.

"Pagbati sa iyo, Master Bi."

Ang mga tao ay yumuko upang magpakita ng respeto. Sa Transverse Water Bay, ang Bi family ang nangungunang pwersa.

Ang Transverse Bay Bi family ay may relasyon sa isa sa Four Families - ang main Bi family ay tinaguriang side family.

Gayunpaman, dahil sa kaguluhan ng lugar sa Tranverse Water Bay at sa layo nito, ang koneksyon sa Bi family ay nawala na.

Kahit ani pa ang sabihin, ito pa rin ang pinaka malakas na pwersa sa lugar na ito.

Kulay puti na ang lahat ng buhok ni Master Bi at may hawak siyang tungkod na may naka-ukit na ulo ng dragon. Kumislap ng kanyang mata noong sinuri niya ang munting magnanakaw na kuting at tumingin siya sa kabataang malalim ang tulog.

Matapos maintindihan ang sitwasyon, nag-utos si Master Bi: "Sabihin sa medic na gisingin ang kabataang ito at alamin kung saan siya galing."

Mayroong medic sa barko na humawak sa pulso ni Zhao Feng at napakunot ang kilay nito. Gumamit ang medic ng iba't-ibang paraan, ngunit nanatiling parang kahoy si Zhao Feng na walang reaksyon.

Matapos iyon, personal na tinignan ni Master Bi ang pulso ni Zhao Feng ngunit anong mangyari, ang may asul na buhok na kabataan ay malalim ang tulog at walang nararamdaman sa labas na mundo.

Ang mga tao sa barko ay naghinala sa kabataan.

"Babalik muna tayo. Narinig ko na ang Blood Water Pirates ay nagiging kahina-hinala sa paligid ng Transverse Water Bay, kaya kailangan natin siyang pagmatyagang maigi." Saad ni Master Bi.

Gamit ang knyang talino at karanasan, hindi mahirap sa kanya na malaman na mayroong bloodline at nasa 7th Sky n si Zhao Feng sa murang edad.

Ang 7th Sky ng Ascended Realm ay maaring matangi bilang eksperti sa Transverse Water Bay.

Hindi nagtagal, ang barko ay pumasok sa maraming taong kuta na ang laki nito ay higit pa sa Sun Feather City.

Ito ang gitna ng Transverse Water Bay - ang Transverse Bay Stronghold.

Ang mga mangingisda, negosyante at maliliit na pamilya ay ginagamit ang stronghold na ito bilang sentro at ang malaking bilang ng mga tao ay tsini-tsek dahil sa sikat na 'Cripple Blood Water Pirates' ay lumilibot sa lugar na ito, na nagdudulot upang maraming inosenteng tao ang nawawalan ng buhay.

Sa Transverse Water Stronghold, nag Bi family ay isa sa pinakamalakas at malaking awtoridad ang mayroon sila.

Dahil nasa malalim na tulog si Zhao Feng, kinuha siya ng Bi family at hindi na tsinek. Matapos makapasok ang Bi family, nilagay si Zhao Feng sa silid na gawa sa kahoy na mayroong walong guwardya na nasa 6th at 7th Sky na nagbabantay sa kanya.

Sa sumunod na dalawang araw, ang Bi family na mayroong dalawang medics ay tinignan si Zhao Feng ngunit hindi sila nagtagumpay.

Ngunut ang paghinga, tibok ng puso at kulay ni Zhao Feng ay malapit na maging normal.

Ang munting magnanakaw na kuting ay laging nasa tabi niya.

Sa gabing ito,

"munting magnanakaw na kuting, gaano katagal na akong tulog?" Mahinang saad ni Zhao Feng.

Natakot ang munting magnanakaw na kuting at agad na sininok

Ang kabataang mayroong ice blue na buhok ay binuksan ang kanyang kaliwang mata. Ang kanyang kaliwang mata ay tila cold gem na sobrang lakas na maaring magpayelo sa puso ng isang tao.

Siguiente capítulo