webnovel

Mga Gawain

Editor: LiberReverieGroup

Pagkatapos niyang makaabot sa ikapitong antas, kampante na si Zhao Feng na kaya niya nang ayusin ang kahit anong problema sa ibang disipulo. Ang Star Finger ay isang peak class skill sa mortal na mundo at sa wakas ay nahubog niya na ito sa ikapitong antas, na nangangahulugang kahit ang mga nasa ikasiyam na antas ay hindi siya kayang pantayan.

Tanging ang Partial Wind Stance lamang ang single-target offensive skill sa Four Wind Stances, at kahit mag-isa ito ay half-Holy martial art na agad ito. Kapag sinamahan pa ng Star Finger, ang kapangyarihan nito ay napakalakas na halos maabot na nito ang Middle Class Mortal rank.

Dapat malamang ng isang tao na ang Silver Wall Technique ni Zhao Feng ay isang Low Class Mortal rank at ayon sa nalalaman niya, kaunting disipulo lamang ang kayang sanayin ang isang Low Class Mortal skills sa mataas na antas.

Tanging ang mga inner disciples lamang ang kayang magsanay ng Middle Class Mortal skills, at kapag hindi nila maabot ang Ascended Realm, hindi nila matututunan ang Middle Class Mortal skill kahit mayroon pa sila nito.

"Mayroon pang Burning Wind Stance, na halos wala pa akong nakukuhang kahit anong kabatiran," bulong ni Zhao Feng sa kayang sarili.

"Ang huli sa Four Wind Stances, ang 'Burning Wind Stance', ay ang pinakamahirap sa lahat. Kung mauunawaan ko ito kahit 60-70% lang, magkakaroon na ako ng tsansa na hamunin ang mga nasa Ascended Realm."

Humikab siya habang naglakad palabas ng kanyang kwarto para hanapin si Yang Qingshan at Nan Gongfan. Simula nang matalo ni Zhao Feng si Chen Feng, hindi na silang tatlo inistorbo pa nito kahit kailan. Pero sa pagkakataong ito, bahagyang nag-aalala sina Nan Gongfan at Yang Qingshan.

"Bukas na magbibigay ng mga gawain ang Clan," wika ni Yang Qingshan.

Alam ng tatlo na may mga maganda at hindi magandang mga gawain.

"Outer disciples lamang tayo. Kung hindi natin masolusyunan ang ganitong mga maliliit na problema, paano natin lalabanan si Bei Moi? Dagdag mo pa na nariyan si Hai Yun Master Elder."

Hindi naman natatakot si Zhao Feng sa kahit ano, ang tanging layunin niya lamang ay maging isang inner disciple dahil ang totoong mga henyo ay naroon.

Ang mga kasingtalentado at kasinglakas nila Bei Moi at Sun Yuanhao ay naging inner disciples, at mayroon silang mga Elders bilang Master.

"Tama iyan, kung hindi natin kayang solusyunan ang mga ganitong bagay, wala tayong karapatan na kalabanin si Bei Moi."

Nagsitanguan sila Nan Gongfan at Yang Qingshan nang bumalik na rin sa kanila ang kanilang kumpiyansa at intensyong makipaglaban.

Habang magkausap ang tatlo, ang lugar kung saan nakatira ang mga outer disciples ay biglang naging tahimik.

"Nandito na siya!"

Mahinang mga bulong ng takot at pagkabahala ang maririnig.

Sino ang narito? Napagtanto ni Zhao Feng at ng dalawa niyang kasama na may mali.

"Hindi ba si Hou Yuan, ang ikaapat sa mga outer disciples, ay may sariling lote? Anong ginagawa niya rito?"

Iilan sa mga lumang outer disciples ay nabahala pero gumalang pa rin.

Sa pagkakataong ito, tatlong katao ang naglakad sa harapan ng kanilang tinitirahan. Ang lalaking nasa gitna ay nakahubad ng pantaas na tila pinapakita ang maskulado niyang katawan, at kahit hindi pa ito maglabas ng kanyang aura, ang lahat ay gulat pa rin sa presensiya niya.

Sa bawat yapak na ginagawa ng malaking anyo na ito, ang kalupaan ay nanginginig gayundin ang mga puso ng malalapit na outer disciples.

Siya ang ikaapat sa mga outer disciples, si Hou Yuan.

"Anong lakas! Kaya niyang talunin ang mga normal na nasa ikasiyam na antas gamit lamang ang kanyang katawan."

Nasuri agad ng kaliwang mata ni Zhao Feng ang mga buto at kalamnan ni Hou Yuan, at hindi niya mapigilang magulat.

Sa aspeto ng lakas ng katawan, nakahihigit sa kanya si Hou Yuan. Sigurado si Zhao Feng na amy technique ang lalaki na ito na hindi hihina sa Silver Wall Technique.

Ano pa ang mas nakakasindak ay ang cultivation ng taong ito na umabot na sa half- Ascended Realm. Lahat ng nasa unang dalawampu sa puwesto ng mga outer disciples ay umabot na sa half-Ascended Realm, ibig sabihin lahat sila ay kasinggaling ang First Guard.

Half-Ascended Realm at nakahihigit na pisikal na lakas. Hindi nila lubos maisip kung gaano ka nakakatakot ang taong ito.

Tah! Tah!

Habang papalapit si Hou Yuan, ang mga taong nadaraanan niya ay nakaramdam ng pagkislot sa kanilang mga ulo.

"Kay lakas! Walang kahit sino bukod kay Master ang kayang magbigay ng ganyang pakiramdam."

Malalim na huminga si Yang Qingshan at saka napatingin kay Nan Gongfan na gulat na gulat. Sigurado silang mas malakas pa si Hou Yuan sa First Guard, at higit na magaling kaysa sa isang normal na half-Ascended Realm.

Hmm?

Tinignan na rin ni Zhao Feng kung sino ang dalawang kasama ni Hou Yuan at napagtanto niyang si Chen Feng ang isa, na ginulpi niya kamakailan. Sa kanan naman ni Hou Yuan ay isang kabataang maiksi ang buhok na nakaabot na rin ng Half-Ascended Realm.

"Bakit si Ji Fengyun, na nasa ikalabing-tatlong puwesto ng outer disciples ay naririto rin? Hindi ba may mga sariling tinutuluyan ang top twenty ng outer disciples sapagkat tinagurian na rin silang 'substitute inner disciples'?"

Ang tingin ng mga manonood ay nalipat sa kabataang maiksi ang buhok.

Ang tatlo ay pinamumunuan ni Hou Yuan, ikaapat sa mga outer disciples. Bukod pa sa kanya, naroon rin si Ji Fengyun na nasa ikalabing-tatlong puwesto. Ang pinakamahina sa kanila ay si Chen Feng na nasa ikadalawampu't walong puwesto na nabibilang sa ikasiyam na antas ng Consolidated Realm.

Malamig ang tawa ni Chen Feng nang tignan niya ang direksyon nila Zhao Feng, saka siya bumulong kay nila Ji Fengyun at Hou Yuan.

Nabaling ang tingin nila Hou Yuan at Ji Fengyun kay Zhao Feng, Nan Gongfan, at Yang Qingshan. Sila Yang Qingshan at Nan Gongfan naman ay nanigas na lamang ang mga katawan at bumilis ang hininga.

Ang kakaibang kapangyarihan na bumabalot sa hangin ay nagpapahirap sa kanilang huminga, tanging si Zhao Feng lamang ang normal ang ekspresyon.

"Wala kang kwenta, Chen Feng. Hindi mo man lang matalo ang mga sutil na ito." Umiling-iling si Ji Fengyun. Matipid ang ngiting ibinigay ni Chen Feng, mataas talaga ang respeto niya sa dalawang ito.

Sa Broken Moon Clan, ang top twenty outer disciples ay tinataguriang 'substitutes for inner disciples', at ang pagtratong kanilang natatanggap ay higit pa sa mga normal na outer disciples.

Alam ni Zhao Feng kung gaano ka nakakatakot ang dalawang nasa harap niya. Kahit si Ji Fengyun mag-isa ay kaya siyang talunin sa dalawang atake lamang.

"Hindi muna ngayon, baka sabihin ng iba na inaapi natin ang mga bagong disipulo na ito. Hintayin muna natin kung anong mga gawaing ang ibibigay sa kanila, saka natin gawin ang dapat na gawin sa kanila."

Masyadong tinatamad si Hou Yuan para tignan sila Zhao Feng, si Ji Fengyun ang mukhang interesado sa kanilang tatlo.

Hindi pa nakakaabot ang tatlong ito ng ikasiyam na antas, pero isa sa kanila ay natalo si Chen Feng na nasa peak 9th rank, na siyang bahagyang nakapagpagulat sa kanya..

Marahang naglakad patalikod sina Hou Yuan mula sa tinutuluyan ng mga bagong disipulo, at saka umalis.

Hu~

Ang mga malapit na disipulo ay nagpakawala ng hininga. Lahat sila ay nangangamba sa 'substitute inner disciples', lalo na si Hou Yuan dahil may sabi-sabi na hinamon niya ang isang inner disciple mula sa Ascended Realm.

Lumipas ang araw nang kay bilis.

\------

Sa sumunod na umaga…

"Lahat ng mga bagong disipulo lumabas kayo." Isang Vice-Deacon na matigas ang ekspresyon ang nagpabuo ng isang bilog.

Paghahati-hati ng mga gawain!

Madaliang lumabas ang mga disipulo mula sa kanilang mga kwarto.

Hindi nagtagal, ang dalawampu't isang mga disipulo ay natipon na kasama sina Xiao Sun, Yun Mengxiang , at Liu Yue'er sa harap. Napagtanto ni Zhao Feng na ang cultivation ni Xiao Sun ay umabot na ng peak 9th rank samantalang sila Liu Yue'er at Yun Mengxiang ay pareho ng nasa peak 8th rank.

"Paanong ganyang kabumibilis ang pagtaas ng cultivation nila?" Nasorpresa si Zhao Feng.

Ang pag-unlad ni Liu Yue'er ay hindi na nakapagtataka sapagkat napakataas ng potensyal nito. Pero si Yun Mengxiang at Xiao Sun ay parehong Middle Tier Spiritual Body, ni hindi nga tataas pa kay Yang Qingshan.

Agad na sinuri sila ng kaliwang mata ni Zhao Feng at nasundan ang mga resources na dumadaloy sa katawan nila Yun Mengxiang at Xiao Sun.

Agad niyang naunawaan na ang pagkakakilanlan nilang dalawa ay hindi normal; ang isa ay isang prinsesa samantalang ang isa naman ay mula sa isang malaking pamilya, at pareho rin silang may mga koneksyon sa Clan.

"Hmph." Napalingon si Liu Yue'er at nagkataong nagkatinginan sila ni Zhao Feng. Isang mapangkutyang ekspresyon ang makikita sa mukha niya. Naiirita na talaga siya kay Zhao Feng lalo na sa pag-uugali nito bago ang pagsusulit, pero ang 'pagpapanggap nitong misteryoso' ang nakapagpagulat sa kanya at sa kanyang lolo. Matagal pa bago nila nalamang nalinlang sila ni Zhao Feng, isang Low Tier Spiritual Body lang pala ang mayroon ito at katamtaman lang siya sa Clan. Ni hindi nga ito maikukumpara sa kanya.

Habang nakatingin kay Liu Yue'er, napakurap si Zhao Feng at saka naglagay ng inosenteng mukha.

"Normal lang naman ang kakayahan ng bastardong ito, pero wala man lang siyang takot sa kanyang mga mata." Galit si Liu Yue'er habang nagdadabog at bahagyang namumula. Iniisip niya namang isang palaka lang ang lalaki sa balon pero sa tuwing nakikita niya ito, gustong-gusto niyang suntukin si Zhao Feng.

"Sunod, sasabihin ko ang inyong mga gawain." Sinuri ng Vice-Deacon ang buong lugar sa pamamagitan ng malamig niyang tingin at sa isang bigla, lahat ng tunog ay nawala.

Kahit hindi kasinglakas ng Vice-Deacon ang kapangyarihan ng Deacon, higit pa rin siya sa karamihan ng mga inner disciples.

Hmm?

Biglang napatingin ang kaliwang mata ni Zhao Feng sa isang kahoy na bubong ilang milya ang layo. Sa bubong na iyon, may tatlong nakaupo; si Hou Yuan, Ji Fengyun, at isa pang lalaki na nakasuot ng guhitang itim na damit, si Quan Chen.

"Hehehe, maganda ang relasyon ni Vice Deacon Wang sa aking Master. Kahit anong sabihin ko, pwede niyang gawing mahirap ang gawain ng isang tao." Tila ba manonood si Quan Chen sa isang sinehan.

Sa pagkakataong iyon, inanunsyo na ng Vice Deacon ang lahat ng mga gawain.

Si Prinsesa Yun Mengxiang ay naatasan na maging apprentice sa pill making sa Grass-Wood Division. Isa itong trabaho na kinainggitan ng lahat.

Sumunod, si Xiao Sun at Liu Yue'er ay parehong nakakuha ng magandang trabaho rin, na tulad ng inaasahan.

Pagkatapos ng tatlong ito, ang mga gawain ng iba ay maganda naman at ang iba ay hindi, pero wala na ang mas maayos pa kaysa sa naunang tatlo.

Sa wakas, sila Zhao Feng na.

"Si Yang Qingshan ay pupunta sa medicine fields ng North Mountain at bubuhatin ang mga dumi, maglalagay ng fertilizers, at didiligan ang mga halaman. Bawat araw ay dapat makakakumpleto ka ng kalahating ektarya."

"Si Nan Gongfan naman ay magiging isang tagapaghakot, magdadala ng basura mula sa mga bundok na dapat ay dalawampu't limang libong kilo bawat araw."

Nakatingin ang ibang disipulo kay Zhao Feng at sa dalawa niyang kasama nang may awa.

Hindi na nagsalita pa si Zhao Feng sapagkat inaasahan niya naman talaga ito.

"En, dito na matatapos ang pagbibigay ng mga gawain." Isinara ni Vice Deacon ang maliit na aklat sa kanyang kamay.

Siguiente capítulo