"Tumingin ka!"
"Kapatid na Zhao Feng!"
Mula sa mga pader ng lungsod, mga sigaw dahil sa takot ang namamayagpag.
Sa pagkakataong iyon, alam nilang malapit na sa kamatayan ang Golden Beak Eagle King at mamamatay na ito sa loob ng dalawang hininga, pero ganoon pa man, masugid ang Eagle King sa pagbibigay ng huling atake kay Zhao Feng.
Halatang ginalit talaga ni Zhao Feng ang Golden Beak Eagle King, kung kaya nais talaga siyang patayin ng agila.
"Hindi ito maganda!"
Ramdam na ramdan ni Zhao Feng ang panganib. Sa loob ng ganitong sitwasyon, sumisirit ang init mula sa kanyang kaliwang mata at pinapadaloy ito sa kanyang buong katawan, na siyang nagpapakalma sa kanya.
Hu~
Ang bilis ng Golden Beak Eagle King ay kagilagilalas, at nakarating na agad ito sa harap ni Zhao Feng sa isang kisapmata. Ang bilis na ito ay daig pa ang reaksyon ng mga Martial Martists, kung kaya kahit makita pa nila ito, hindi nila ito maiiwasan.
Plaaaa!
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com