webnovel

Plane Traction

Editor: LiberReverieGroup

Ang babaeng naka-itim na balabal na kilala bilang Dark Phoenix ay bahagyang tumawa. "Alalang-alala ka talaga no?"

"Wag ka mag-alala, walang mangyayaring masama sa Plane Traction skill ko. Mabubuhay ang kasintahan mo."

"Pero ikaw…"

"Magmula ngayon, bahagi ka na ng koleksyon ko!"

Sa Arborea.

Hindi makapaniwala si Marvin.

Nang sabihin ni Owl ang pangalan na iyon, tila ba sumama ang kutob niya.

Nang marinig ni Marvin ang buong plano ni Hathaway, natigilan siya.

'Ginawa… niya 'yon?'

Nanatiling tahimik si Marvin.

Noong mga oras na iyon, isang makayanig-mundong ingay ang biglang narinig!

Nanginginig ang buong Arborea Plane!

Makikita ang galit sa kanyang mukha.

Alam niyang maliligtas ang buhay niya pero hindi matanggap ang magiging kapalit nito.

'Si Hathaway…'

Kinagat niya ang kanyang labi, kinuyom ang kanyang kamao at ipinikit ang kanyang mga mata habang patuloy na yumayanig ang plane.

Pagkatapos siyang iligtas ng Shadow Thief, pinadala nito ang apat nitong clone sa apat na sulok ng Arborea para itanim ang mga Spiral Pillar!

Ito ang pinakakailangan para sa Legendary Spell na Plane Traction.

At siya lang sa buong Feinan ang may kakayahang gawin ito.

Isang babae. Walang nakaka-alam ng kanyang tunay na pangalan, pero [Dark Phoenix] ang tawag sa kanya.

Siya ang pinakatatago at pinakamalakas na alas ng South Wizard Alliance!

Kahit sa laro ay kinikilala siya bilang pinakamahusay na Legend Wizard sa Feinan.

Mataas ang tingin ng lahat sa kanya, hanggang sa isiwalat niya kung sino siya sa mga tao at napagtanto ng mga ito kung sino talaga siya…

Pero sa ngayon, karamihan ng tao sa Feinan ay hindi pa alam ang tunay niyang pagkatao!

Kasama na ditto si Hathaway.

Iba naman si Marvin, pero alam niyang hindi niya ito mapipigilan sa ngayon. Hulin a ang lahat.

Nakipagkasundo na si Hathaway sa Dark Phoenix, kaya tapos na ang usapan nila.

Ito ang kapalit ng pagiging mapusok ni Marvin.

Iyon nga lang, hindi dapat si Hathaway ang nagbabayad para sa kanyang ginawa!

Pumikit si Marvin habang patuloy na umaalog ang plane.

Kahit na hindi niya buksan ang kanyang mga mata, nakikita niya ang buong eksena!

Isang kalangitang puno ng mga bituin ang nakapalibot sa mundo, sa ilalim ng isang makapangyarihang pwersa, hinihila ang buong plane papalapit sa Feinan!

Ito ang [Plane Traction]!

Kaya lang itong gamitin ng mga Level 30 na Wizard.

Sa Ashes Plain. Mahinahon lang si Hathaway, pero nagpupuyos ang kanyang damdamin.

Magmula noong nag-advance siya sa Legend, hindi niya naramdaman na makapangyarihan siya. Sa katunayan, mas lalo pa siyang natakot sa mga god.

At noon pa man, bukod sa Great Elven King, ang Lady Dark Phoenix na nasa kanyang harapan lang ang nakapagparamdam sa kanya na para ba siyang isang langgam.

Nakabuka ang mga kamay ng Dark Phoenix, para bang batas ang pagbulong niya sa hangin. Nakikita niyang lumulutang papalapit ang Arborea sa Ashes Plain.

Ginagamit niya ang Ancient God Language.

Walang nakaka-alam kung paano niya natutunan ang Ancient God Language, pero ang Dark Phoenix ang pinakamalakas na miyembro ng South Wizard Alliance.

Walang duda doon.

Gamit ang lokasyon ng plane at mga spiral pillar, kaya niyang hilahin nang direkta ang Arborea papalapit sa Ashes Plain!

Sa ganitong paraan lang pinakamabilis na maililigtas si Marvin.

Pero may kapalit ang pagkilos ni Lady Dark Phoenix.

Si Hathaway mismo ang kapalit.

Ngumiti ang Dark Phoenix sa ilalim ng kanyang balabal.

'Hehe… Hindi ko inakalang napakadaling makuha ng isang Legend Wizard Seer nang hindi ko inilalabas ang tunay kong katauhan.'

'Pasensya na, Glynos. Kailangan munang isakripisyo ang iyong plane sa ngayon,' isip-isip ng Dark Phoenix.

Sa Astral Sea, ang mga god ay nagambala ng biglaang paggalaw ng isang plane.

Lalo na ang Shadow Prince na si Glynos!

Hindi maipinta ang kanyang mukha.

Wala na ang kapangyarihan ng kanyang Shrine, kinailangan niyang tiisin ang pagkamatay ng kanyang avatar, pati na kanyang Secondary Plane ay hindi nakaligtas.

Kung hahayaan niyang makuha ito mula sa kanya, wala na siyang mukhang ihaharap sa ibang mga god.

Pero ang Arborea ay nasa labas ng Universe Magic Pool, at dahil sa Plane Traction, nagdudulot ito ng malaking panggagambala.

Ni hindi na kinailangan gamitin ng Shadow Prince ang kanyang Perception para makita kung nasaan na ang lokasyon ng plane.

Kung kikilos siya, posible pa niyang wasakin ang Secondary Plane na iyon!

Pero bago pa man siya makakilos, hinarangan na siya ng isang anino. "Glynos, pasensya na, hindi ka muna pwedeng makialam."

Nagulat ang Shadow Prince. "Nakabalik ka na?"

Tumango ito. "Babayaran ko na lang ang pagkawala ng ng iyong personal na plane."

"Anong balak mong gawin?" Pagdududang tanong ng Shadow Prince.

"Wag mo nang isipin 'yon. Manuod ka na lang." Banayad lang ang pagsagot nito kay Glynos. "Noong naglakbay kami sa kasukalan kasama ang dalawa pa, nakahanap kami ng ilang bagay na hindi namin maaaring makuha."

"Mukhang hindi natin kayang maarok si God Lance."

"Mukhang kailangan nating bilisan ang plano."

Pagkatapos isang boses ang kumalat sa buong Astral Sea. "Simulan na ang God's Assembly."

"Humanda na kayong atakihin ang Universe Magic Pool nang mas maaga kesa sa inaasahan."

Sa walang hanggang kalawakan, isang maliit na ilaw ang walang tigil sa paggalaw.

Kung may nakakapanuod nito mula sa World Tree, makakakita ito ng isang maliit na dahong sumasayaw-sayaw pataas.

Unti-unti itong papalapit sa Feinan.

Pero malaki ang agwat ng Feinan at ng ibang mga plane. Ang Universe Magic Pool ang pinakamalaking sagabal sa pagdudugtong ng Arborea at Feinan.

"Hahayaan ba talaga ng Universe Magic Pool na makalapit ang Arborea?"

Bahagyang kinakabahan si Hathaway.

Kahit na naipaliwanag na ng Dark Phoenix sa kanya na basta walang mga god sa plane at walang naninirahan sa plane na may masamang intensyon sa Feinan, kayang hilahin nng Plane Traction ang plane na ito sa Fienan at hindi ito hahadlangan ng Universe Magic Pool.

Simple lang ang rason. Ang mga Secondary Plane na ito ay dating bahagi ng Feinan.

Sa Feinan nagmula ang mga material plane, kaya ang muling pagsasama nito pagkatapos ng kanilang paghihiwalay ay natural lang.

Pero kinakabahan pa rin si Hathaway.

Kung hindi tanggapin ng Universe Magic Pool ang pagbabalik ng Arborea, mawawalan na ng pag-asa si Marvin lalo pa at nasa katawan niya ang mga sumpa.

Ang tuldok ng ilaw na iyon ay patuloy na papalapit at pumasok na sa isang malaking barikada.

Walang nangyari.

Agad namang mas nilakasan ng Dark Phoenix ang kanyang pagbigkas.

Pagkatapos niyang bilisan ang pagbigkas sa incantation gamit ang Ancient God Language, dahan-dahang nakalapit ang Arborea sa Ashes Plain!

Tagumpay!

Makikita ang saya sa mukha ni Hathaway.

Nakikita na niya ang isang bundok na may nyebe sa di kalayuan!

Ito ay dahil magkadikit na ang Arborea at Ashes Pane, na mayroong 90° na anggulo sa lugar kung saan sila nagtatagpo.

"Mauuna na ako, ganda."

"Wag mong kakalimutan ang pangako mo."

Tila maririnig ang pagod ng Dark Phoenix sa kanyang boses. "Tatlong araw. May tatlong araw ka lang para tapusin ang mga dapat mong gawin."

Tumango si Hathaway.

Sa malayo, karga ng Shadow Thief na si Owl si Marvin at lumapit.

Muli na naman naging malamig ang reaksyon ni Hathaway.

Siguiente capítulo