webnovel

Planar Conquest!

Editor: LiberReverieGroup

Hindi na gaanong nagulat si Marvin sa pagbabalik ni Constantine.

Sinabi na kasi ng makapangyarihang Night Walker na ito na babalik sita sa White River Valley at tutulong na protektahan ito pagkatapos nitong tapusin ang kailangan niyang gawin sa bangkay ng Red Dragon.

Pero tila mas napatagal kesa sa inaasahan ang kanyang pagbabalik.

Nagsama pa siya ng isang grupo ng mga Sha clansmen.

Nagkaroon ng mahabang pag-usap sa pagitan ng dalawang, at naunawaan n ani Marvin ang dahilan kung bakit naparito ang mga Sha clansmen.

Ang mga Sha ay nagmula sa hilagang bahagi ng Saint Desert. Malikhaing mga tao ang mga Sha, mas pinaganda at pinaunlad pa nila ang paggawa ng pulbura at mga baril na imbensyon ng mga Ancient Dwarf.

Kilala rin ang mga Battle Gunner ng mga Sha. Malaking sakit sa ulo sa kanila ang oras ng paglamig ng mga ito at malaking pera na ang nagastos ng class na ito dahil dito, pero sinisigurado naman ang Market Scuffle Technique ang kanilang lakas.

Kaunti lang ang mga Sha at hindi pa gaanong maunlad ang kanilang ekonomiya. Nakatira rin ang mga ito sa Sage Dessert pero nauungusan pa rin sila ng mga Bai.

Sinama ni Constantine ang mga ito para kausapin si Marvin kung maaari ba silang makakuha ng lugar na matitirhan sa dakong timob ng White River Valley.

"Palala na nang palala ang kapaligiran sa hilagang bahagi ng Sage Desert. Hindi na ligtas ang lugar na 'yon para tirhan ng mga tao."

"Kahit pa doon nagmula ang mga Sha, hindi naman nila kailangan manatili doon hanggang dulo. Kahit na tutol ang mga nakatatanda, marami pa ring taong handang sumunod sa akin."

"Gusto kong makahanap ng ligtas a lugar para sa kanila. Masunurin silang mga tao. Hindi mo rin sila kailangan hanapan ng trabaho, makakahanap sila ng sarili nilang hanap-buhay."

"Sa katunayan, mayroong minahan ng bakal ang teritoryo mo, at eksperto ang mga Sha sa pagmimina…"

Sa harap ng nahihiyang si Constantine, desidido na si Marvin.

Tatanggapin niya ang mga Sha!

Kasalukuyang kulang sa lakas paggawa ang White River Valley. Isa pa, malaki na ang naitulong sa kanya ni Constantine. Hindi naman pwedeng hindi niya suklian ito.

Hindi ganoong klase ng tao si Marvin.

Strikto ang South Wizard Alliance patungkol sa paglipat ng malalaking populasyon. Pero kung may kasunduan naman ang magkabilang panig, wala silang problema dito. May kapangyarihan siya sa Sha Council at kaya niyang makumbinsi ang maraming tao. At wala namang problema sa panig ni Marvin kaya hindi makikialam ang Alliance dito.

Mayroong inasikaso si Anna bilang kinatawan ni Marvin sa silangang headquarter ng South Wizard Alliance.

Ang kasalukuyan si Marvin ay isa nang Viscount, kaya mayroon na siyang kapangyarihan na magbigay ng mga titolo. Maaari na niyang gawing isang Baron o Knight ang isang tao.

Si Constantine ay magiging Vassal ni Marvin.

Basta walang problema ito para kay Constantine at handa nitong tanggapin ang titolo na ito, walang magiging problema ang paglipat ng mga Sha.

Ang dakong timog ng White River Valley ay isa masukal na lugar, kahit na bahagi ito ng Wilderness Clearing Order, hindi pa rin ito nalilinis.

Kaya hindi magiging problema ang pagpapatira niya doon ng mga Sha.

Pagkatapos niyang sumang-ayon, kinausap niya tungkol dito si Daniela at saka sila pumili ng lugar kung saan titira ang mga ito. 30 kilometro mula sa adventurer camp ang lugar na ibibigay nila sa mga Sha.

Nagpadala na noon si Daniela ng mga taong magsisiyasat sa minahan doon pero kulang sila sa tao.

Agad naman na nagtulungan ang magkabilang panig.

Ang usapin naman tungkol sa kita ay sa pagitan na lang ni Daniela at mga nakatatanda sa grupo ng mga Sha.

Sa dami ng beses na nagkatrabaho si Marvin at Constantine, lumalim na ang pagkakaibigan nila. Hindi nila hahayaang masira ito nang dahil sa pera.

Lalo pa at malaki ang kikitain ng dalawang panig sa pagtutulungan na ito.

Malaki naman ang pasasalamat ni Constantine dahil sa agarang pagtugon ni Marvin.

Hindi lahat ng Overlord ay basta-basta tumatanggap ng mga dayuhan.

Mag-aalala pa ang mga Overlord tungkol sa katapatan ng mga dayuhan.

Pero tinuturing ni Marvin na kaibigan si Constantine at may tiwala siya dito.

Naniniwala siyang walang magiging problema sa pagtira ng mga Sha sa White River Valley. Ang White River Valley mismo ay isang bagong tatag na teritoryo binubuo ng mga taga-labas kaya mapagbigay ang mga ito.

"Ngayon naman, bukod sa paghahanap ng matitirhan ng mga Sha, mahalaga rin natin pag-usapan ang tungkol sa Red Dragon."

Nasa loob ng palasyo si Constantine at malalim ang paghipak nito sa kanyang tabako. "Na-harvest na ang Red Dragon. Nakahanap na ko ng gagawa ng mga paunang proseso at pagpreserba dito."

"Dragon Blood, Dragon Leather, Dragon Bones, Dragon Tendons, Dragon Scales, Dragon Heart, Dragon Spinal Cord…"

"Pwede mong tingnan kung gusto mo."

Ibinato niya kay Marvin ang isang listahan.

Karamihan sa mga materyales na ito ay nadala na sa imbakan ng White River Valley.

Ang ilan sa mga parte ay naproseso na ng Alchemist.

Iyon ang kaibigan na hiningan ng tulong ni Constantine.

Sandaling nag-usap ang dalawa at hinati na lang nang 50-50 ang mga ito.

Si Marvin ang pumatay sa Dragon, pero nagawa niya ito dahil sa Brilliant Purple. At si Constantine din ang nag-asikaso dito.

Sa katunayan, natalo niya rin ito dahil sa tulong ni Ivan.

Wala na siyang iba pang ginawa. Nakakuha siya exp nang walang masyadong ginagawa at nakakuha pa ng maraming magagandang bagay, kaya wala na siyang marereklamo pa.

"Oo nga pala, may gusto pala akong sabihin sayo." Pagkatapos magsalita bigla sinabi ni Consantine na, "Gusto ko sana ang buong Dragon Spinal Cord."

"Bilang kapalit, sayo na 'to."

Inilabas niya ang isang bakal na maleta.

Brilliant Purple!

Agad naman sumang-ayon si Marvin.

Hindi niya alam kung ano ang balak gawin ni Constantine sa Spinal Cord, pero alam niya ang halaga ng Brilliant Purple.

Napakamahal ng kanyon na ito. Kasama ang [Dragon Tooth] at [Dawn Light] napakalakas na armas nito.

Magiging mas kampante si Marvin kung mapapasakanya ito.

Binili na rin niya ang mga bala na mayroong si Constantine.

Isang [Dawn Light], at tatlong [Dragon Tooth].

Mas lumakas si Marvin dahil sa mga ito. Kahit pa nauubos ang mga ito at may matinding epekto (Ang matindi at malakas na sipa nito), Masaya naman si Marvin sa kanilang kasunduan.

Lalo pa at hindi libre ang Battle Gunner na Sub-class.

Pagkatapos makuha ni Constantine ang buong Dragon Spinal Cord, tila nakukunsensya pa rin si Constantine at gusto pang dagdagan ang ibibigay kay Marvin.

Pero nagulat siya sa sunod na sinabi ni Marvin.

"May oras pa ba ang Dragon Harvesting Master mo? Mayroon pa akong isa pa. Medyo lasog-lasog na ito pero dahil Master naman siya, siguro naman may masasalba pa siyang mga parte, hindi ba?"

Isang pira-pirasong bangkay ng Black Dragon ang lumabas sa harap ni Constantine mula sa Thousand Paper Crane na hawak ni Marvin.

Gabi na nang matapos mag-usap ang dalawa.

Sa bibihirang pagkakataon, sinabayan ni Marvin na kumain ang lahat sa hapag. Pagkatapos makipag-usap kay Wayne, tinipon niya ang ilang taong namamahala sa White River Valley para sa isang maikling pagpupulong.

Iyon nga lang, bago pa man magsimula ang pagpupulong, alam na ng lahat ang sasabihin ni Marvin.

"Lalayasan mo na naman kami?" Panunuya ni Daniela.

"Sir Marvin, kahit na hindi ka gaano kailangan bilang Overlord, hindi ba hindi makakabuti para sa isang teritoryo na lagi kang wala?" Nanlaki ang mata ni Lola, na naging Chief Finance Official na.

"Kuya, ingat ka." Mas mahinahon si Wayne.

"Saan ka naman pupunta ngayon" Sa kanilang lahat, tangings si Anna lang ang may pakialam sa destinasyon ni Marvin.

Ang babaeng butler na laging pumapalit kay Marvin at mahirap ang pinagdaanan para lang maisaayos ang White River Valley, ay nasanay na sa kaugalian ni Marvin.

"Sa isang Secondary Plane. Hindi lalagpas ng level 18 ang pinakamalakas na nilalang doon."

Ngumiti si Marvin. "Wag kayong mag-alala at hintayin niyo ang pagbabalik ko."

Kinaumagahan, muli na namang umalis ng White River Valley si Marvin.

Pero hindi siya mag-isang umalis sa pagkakataong ito.

Isinama niya ang siyam na Dark Knight. Pagkatapos ihanda ni Madeline ang mga kailangan para sa River Shore City at White River Valley, agad na nagpunta si Marvin at ang mga Dark Knight pa-hilaga. Agad naman silang nakarating sa Ashes Tower.

Sa pagkakataong ito, Arborea ang pakay nila.

Pero dahil nakahiwalay ang mga Secondary Plane mula sa Feinan dahil sa Universe Magic Pool, kailangan niyang gumamit ng espesyal na pamamaraan para makapunta doon.

Dati, bago kumalat ang impormasyon tungkol sa Planar War, nagawang makapasok ni Marvin sa Secondary Plane nang hindi sinasadya.

Noong panahong iyon, inisip ni Marvin na pangkaraniwan lang ito, pero kalaunan, nalaman niya na secondary plane pala iyon ng isang god.

At dahil sa pangyayaring iyon, nagkaroon siya ng matinding hidwaan sa god na iyon.

Glynos ang pangalan ng god na iyon.

Matagal nang naghihintay si Hathaway sa ilalim ng Ashes Tower.

Pero sa pagkakataon ito, malamig ang pakikitungo niya. Makikita ang pagkadismaya nito sa kanyang mga mata habang nakatingin kay Marvin.

Yumuko lang si Marvin at hindi nagsalita. Alam niyang dahil ito sa pangyayaring iyon.

Pero hindi ito ang oras para magpaliwanag.

Sinabi na ni Marvin ang lokasyon ng Arborea at humingi ito ng tulong kay Hathaway para maghanap ng daan papasok dito, dahil doon niya makikita ang Shadow Diamon, ang item na kailangan niya para mag-advance sa Ruler of the Night.

Bilang isang Seer at Legend, naging mapangahas sa lokasyon ng kanyang Demi-Plane… pinili niyang gawin ito sa labas lang ng Universe Magic Pool!

Ibig sabihin, maaari siyang matunton ng mga god.

Pero ibig sabihin rin nito na madali siyang makakapaglabas-masok sa Feinan. Mas may Kalayaan siya kumpara sa mga god na hindi maka-alis sa Astral Sea.

Dinala niya si Marvin at ang mga Dark Knight sa kanyang Demi-Plane, ang Ashes Plateau.

Tinuro niya ang isa tore at sinabing, "Ito ang Space-time Lighthouse."

"Nahanap ko ang Arborea gamit ang lokasyon na binigay mo sa akin, pero kung hindi kayo makakagawa ng Space-time Lighthouse sa lugar na iyon … hindi na kayo makakabalik. 21 na beses na mas mabilis ang oras sa lugar na iyon kaya may sapat na oras kayo."

Tumango si Marvin. Nasa kanya na ang mga kailangan para makagawa ng Space-time Lighthouse.

Pinaghandaan niyang mabuti ang pagpunta sa Arborea.

Nang tumango si Marvin, walang emosyong gumawa si Hathaway ng Teleportation Gate.

isang maliwanag na ilaw ang kumisap sa Lighthouse at isang malaking arko ang namuo sa harap nilang lahat.

"Tara na! Sakupin natin ang mundong iyo." Ngumiti si Marvin at sinabi ito sa siyam na Dark Knight sa kanyang likuran.

Wala namang sinabi ang siyam na ito, na kasing tikas ng isang bundok, at mahigpit lang na hinawakan ang kanilang mga greatsword.

Pero makikita ang pag-alab ng kanilang mga mata tulad noong mga panahon sinundan nila ang Night Monarch sa ekspedisyon nito!

Siguiente capítulo