"Ayos lang ba talaga 'to?" Sa bintana, nakita ni echo ni Echo ang mga Sand Nation na sibilyan na hinahampas at bumabagsak sa lupa. Wala siyang magawa kundi ang maawa sa kanila.
"Hindi nila alam kung ano talaga ang disiplina. Nabubuhay sila sa patakaran na ang mga mahihina ay biktima para sa mga malalakas. Kung gusto namin magamit ang mga taong 'to nang mas maaga, bukod sa pagpapadala sa kanila sa digmaan, ito lang ang tanging paraan." Sagot ni Iron Axe. "Matagal kang nawala sa Southern Region at sa panahong iyon, nag-aalala sayo ang chief, kaya baka hindi ka pamilyar sa ugali ng mga maliliit na angkan. Ang ganitong uri ng disiplina ay hindi malubha. Masasabi rin ng iba na kailangan ito, o kung hindi man ay ituturing nila ang angkan ng Osha na walang awtoridad, mahina at madaling apihin."
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com