webnovel

Chapter 175

Editor: LiberReverieGroup

"Prinsesa, mag-ingat ka. Iwanan mo na ang lahat sa akin." Matapos ang kanyang mga salita, tumalikod siya para umalis; ang kanyang anino ay mukhang malungkot at mapanglaw sa ilalim ng liwanag ng buwan.

Nang nakabalik siya sa palasyo, narinig niya ang malakas na iyak ng sanggol. Bitbit ng katulong si Qing'er sa pagtangkang patahanin ito, ngunit patuloy ito sa pag-iyak, ang kanyang mukha ay nagpupula na. Sa loob ng dalawang araw, nawalan siya ng parehong magulang. At saka, ang kanyang ina ay pinatay mismo ng kanyang tiyahin. Kamumuhian ba siya ng bata oras na nalaman nito ang lahat ng nangyari?

Umupo sa mahabang bintana si Nalan Hongye, napaisip sa kanyang sarili. Maliwanag ang liwanag ng buwan, tulad ng isang plato na jade. Suminag ito sa lupa, iniilawan ito.

Inilapit ni Tiya Yun si Qing'er, tumawa, at maingat na sinabi, "Tumatawa ang kamahalan, Prinsesa."

Kinarga ni Nalan Hongye ang bata. Tumingin ito sa kanya gamit ang itim na mga mata at naglabas ng masayang ngiti. Sa isang iglap, ang pagkabigo sa kanyang puso ay nawala. Tumingin siya sa pares ng mga mata nito, naalala ang sarili niyang kapatid. Nang buhay pa ito, nakaramdam siya ng galit dito dahil sa kapalaran nila. Isa siyang lalaki, ngunit may sira ang isip. Hindi niya alam kung paano ang makaranas ng hirap at panghawakan ang problema ng bansa, inapektuhan ang pagsisikap ng imperyo ng Song sa higit na sandaang taon. Para naman sa sarili niya, talentado siya pero isa siyang babae. Ilang taon niyang inilabas ang kanyang tapang ngunit nasabihan na gutom sa kapangyarihang karakter. Subalit, noon lang nang pumanaw ito ay napagtanto niya na iisa sila, nakatadhanang sabay na magdusa sa hirap man o ginhawa. Tanging kapag nandito lang ito, saka niya maaayos ang imperyo ng Song at pangalagaan ang lipi ng pamilya ng Nalan. Buti nalang, kasama pa rin niya si Qing'er.

Tumingin siya sa maliit na sanggol na nakabalot sa paha, nakakaramdam ng luha sa kanyang mga mata. Maswerte na buhay pa siya. Mayroon nalang dalawang natitirang myembro ng pamilya Nalan.

"Prinsesa, tignan mo ang Kamahalan. Ang cute niya!" hinaplos ni Tiya Yun ang pisngi ng maliit na emperor habang natawa siya. Tila masaya si Qing'er, winawasiwas ang kanyang maliit, makinis at matabang kamay habang tumatawa bilang sagot. Tinitignan niya si Nalan Hongye gamit ang itim niyang mata, tila naiintindihan ang iniisip nito.

Smash! Parehong nagulat si Tiya Yun at Nalan Hongye at tumalikod, nakita nila na nakabasag ng tsarera ang katulong sa palasyo.

Nagalit si Tiya Yun, "Walang kwentang nilalang! Tinakot mo ang Kamahalan at ang prinsesa! Bantayan mo ang buhay mo!"

Bahagyang napasimangot si Nalan Hongye at tinapik-tapik ang paha ni Qing'er, takot na baka nagulat ito. Gayumpaman, hindi nagbago ang ekspresyon nito. Tumatawa pa rin siya, tila ba hindi siya natakot.

Napangiti si Tiya Yun at nagpahayag, "Tignan mo kung gaano katapang ang Kamahalan, Prinsesa. Kapag lumaki siya, magiging magaling na emperor siya na kung saan ay matalino at matapang."

Ngumiti ng kaunti si Nalan Hongye. Gayumpaman, sa iglap na iyon, nanigas siya at ang kanyang mukha ay namutla.

Nataranta si Tiya Yun. "Prinsesa, anong problema?"

Nanlamig ang kamay at paa ni Nalan Hongye habang sinusubukan niyang aluin ang sarili niiya sa loob niya. Mabilis niyang iniabot ang bata kay Tiya Yun at tumayo sa gilid, malakas na pumapalakpak gamit ang kanyang kamay.

Smack! Isang malakas na tunog ang umalingawngaw sa tabi ng tainga ng bata, ngunit tila wala itong narinig. Inunat niya ang maliit na matabang kamay niya at hinawakan ang butones ng damit ni Tiya Yun.

Mas nagiging desperado si Nalan Hongye. Ilang beses pa siyang pumalakpak, ang kanyang mata ay namumula na. Habang pumapalakpak siya napapasigaw siya, "Qing'er! Tingin ka dito! Nandito si Tiya!"

Subalit, hindi lumingon ang sanggol. Humikab siya at sumandal kay Tiya Yun, bumalik sa pagkakatulog.

"Qing'er, huwag ka matulog! Qing'er, nandito si Tiya!"

"Prinsesa!" tumutulo ang mga luha sa mukha ni Tiya Yun. Lumuhod siya sa lupa at nagmakaawa, "Huwag ka nang tumawag pa. Huwag ka nang tumawag pa."

Nabagabag si Nalan Hongye. Hinawakan niya ang baliikat ni Tiya Yun at sumigaw, "Anong nangyayari? Anong nangyayari dito?"

Umiiyak si Tiya Yun. Sumagot siya, "Nang madala ang bata dito, napagtanto ko ito. Ipinatawag ko ang manggagamot mula sa palasyo ng empress at saka lang nakakuha ng sagot sa kanya matapos siyang bugbugin. Alam ng empress ang tungkol dito pero inililhim niya iyon. Natatakot siya na oras na ilantad niya ito, ang batang ito ay hindi na magiging Crown Prince. Nitong mga taon na ito, sinubukan nilang gamutin ang bata, pero hindi iyon gumana. Namamana ang karamdamang ito."

Sa iglap na iyon, pakiramdam ni Nalan Hongye na umiikot ang buong mundo. Bingi si Qing'er. Bingi si Qing'er! Tuluyan siyang dinurog ng balita. Ang dalamhati sa kanyang puso ng mahabang panahon at sumabog na parang isang malaking baha. Nakaramdam siya ng matamis na sensasyon sa kanyang lalamunan habang dumura siya ng maraming dugo sa kanyang kasuotan!

"Prinsesa! Prinsesa!" nagulat si Tiya Yun. Ibinaba niya ang emperor at lumapit para suportahan siya.

Dahil biglang nailapag, nagmulat ang mata ni Qing'er at nagsususpetyang sinuri ang kanyang kapaligiran. Pagkatapos, nagsimula siyang umiyak ng malakas. Nagsipasukan sa bahay ang mga tagasilbi sa maayos na hanay, dahilan para magkagulo sa bahay. Sumigaw si Tiya Yun, "Tawagin ang manggagamot! Tawagin ang manggagamot!"

Tuliro si Nalan Hongye. Inulit niya ang parehong salita sa kanyang isip: Aanihin mo kung anong itinanim mo.

Oo, pinatay niya si Cui Wanru, ngunit iniwan siya ng empress na ito ng malaking sakuna. Kung alam lang niya, hindi niya sana pinansin ang pagtutol ni Hongyu at ang katotohanan na malalantad ang kondisyon nito. Aayusin niya na kumuha pa ito ng maraming kerida, para magkaroon pa siya ng maraming anak. Subalit, huli na ang lahat.

Nagsimulang hindi mapigilan ang pagtulo ng luha niya. Malakas siyang umiyak at nagbulalas, "Ama, Ama, dapat akong mamatay!"

Ilang beses nagising si Nalan Hongye sa mga tao sa paligid niya, ngunit nanatiling nakapikit ang kanyang mata. Sa limang taon, ito ang unang beses na sinasadya niya. Hinihiling niya na sana ay natulog nalang siya, walang pakialam sa mga bagay sa paligid niya. Tumahimik ang kapaligiran niya, ngunit may isang anino na nakatayo sa harap niya, matagal na nanatili doon.

Nang minulat niya ang kanyang mga mata, sumisinag ang liwanag ng buwan sa bintana na nadedekurasyunan ng bulaklak, tungo sa lamesa. Ang mga awit mula sa templo ay naririnig niya kasama ang malamig na hangin, tungo sa mataas na pader ng palasyo. Ito ay isang paalaala ng oras at ng kasalukuyan niyang suliranin.

"Itinago ko ang katotohanan na bingi ang emperor. Bukod sa mga tao dito sa palasyo, wala nang iba pang makakaalam," tumayo si Xuan Mo sa harap ng higaan at mahinang bumulong. Nakapapawi ang boses niya, tulad ng hangin na dumadaan sa pluta. Suminag ang ilaw ng kandila sa mukha ng lalaki, kung saan ay tukoy ang tabas at may ilang matulis na gilid.

"Bago sumapit sa wastong gulang ang emperor at pamahalaan ang bansa, may higit sampung taon tayo para magplano. Kahit na bingi siya, oras na nag-asawa siya sa ika-15 niya at nagkaanak, mayroon pa ring pag-asa sa Song. Prinsesa, ikaw ang haligi ng Song. Kapag bumagsak ka, hindi mabubuhay ang emperor. Oras na mamatay ang pamilya ng hari, kukuhanin ng tagalabas ang tsansa para angkinin ang kapangyarihan, at hatiin ang imperyo. Magkakaroon ng digmaan; hindi na magkakaroon pa ng magandang buhay ang mga sibilyan. Ang pagsisikap ng mga ninuno ay masasayang. Prinsesa, mapamaraan ka at matalino. Naniniwala ako na hindi ka lang uupo at papanoorin na bumagsak ang Song."

Tumingin si Nalan Hongye sa lalaking kasabay niyang lumaki. Isang pakiramdam ng dalamhati ay sumabog muli sa kanyang puso. Oo, naisip niya ang sinabi nito. Gayumpaman, magiging mahirap na paglalakbay ito!

"Salamat, Xuan Mo." Matagal na niya itong hindi tinatawag sa kanyang pangalan. Natigilan si Xuan Mo at tila nadala. Gayumpaman, marespeto siyang sumagot, "Trabaho ko iyon."

Umupo si Nalan Hongye at bahagyang umubo ng dalawang beses, ang kanyang mukha ay maputla. Ngumiti siya ng kaunti at pinuna, "Mas naging mature ka. May hangin ka na tulad ng sa ama mo."

Ang hari ng Anling ay ama ni Xuan Mo. Dati siyang nagsisilbi bilang heneral sa ilalim ng pamilya Nalan. Sa digmaan ng hangganan sa timog, niligtas niya ang buhay ni Nalan Lie. Kaya, inilagay siya sa pamilya ng hari, ginamit ang apelyidong Nalan.

Yumuko si Xuan Mo at sumagot, "Salamat sa papuri mo, Prinsesa."

"Narinig ko na buntis si Yushu. Totoo ba iyon?"

Natuliro ang mukha ni Xuan Mo. Mahigpit siyang napakunot. Matapos ang ilang sandali, sumagot siya sa mababang boses, "Oo."

Tumawa si Nalan. "Siya ay taos-puso at matalino. Dapat mo siyang tratuhin ng mabuti."

Walang emosyon na sumagot si Xuan Mo, "Kailangan kong pasalamatan ang Prinsesa para sa iyong kabaitan."

Bakante ang palsyo; ang awit mula sa templo ay mas lumakas kasabay ang nagluluksang tunog ng mga opisyales. Tumingin sila sa isa't-isa, hindi alam kung ano ang sasabihin. Naglabas ng sulat si Xuan Mo mula sa kanyang bulsa na nasa magandang kondisyon. Hindi binubuksan ito, iniabot niya ito kay Nalan Hongye at sinabi, "Mayroong sulat mula sa Yan Bei."

Agad na nagliwanag ang mukha ni Nalan Hongye. May pakiramdam ng pag-aapura, hinablot niya ang sulat. Nagsimulang mapasimangot, ang tingin ng kanyang mga mata ay naging pirmi. Umatras siya ng kalahating hakbang at sinabi, "Aalis na ako."

"Mmm," sagot ni Nalan Hongye. Kahit na nakangiti siya, ang tono ng kanyang boses ay kaswal pakinggan.

Mapanglaw ang ilaw. Tanging manipis na anino lang ang nakikita.

Nang pumasok si Tiya Yun, bumalik sa sarili niya si Nalan Hongye. Matapos siyang matignan ng manggagamot, ininom niya ang kanyang gamot tapos ay umalis na ang mga tagasilbi. Umupo siya sa harap ng kanyang lamesa at paulit-ulit na hinimas ang sulat. Ang pagdadalamhati sa kanyang puso ay nagsimula nanaman umibabaw; hindi siya nangahas na buksan ang sulat para basahin ito. Mayroong nakakabinging katahimikan kahit saan. Ang silid ay maliwanag na naiilawan ng kumukutitap na mga kandila at nilinis ng mabangong inseso.

Ang sabi ng sulat: Kapatid kong Xuan Mo, nagtapos na ang digmaan sa Yan Bei. Ayos lang ako, huwag kang mag-alala. Salamat sayo, ang problema tungkol sa mga rasyon ay naayos, at ang mga sundalo ng Xia ay napigilan. Gayumpaman, wala pang malinaw na nanalo sa digmaan. Wala akong lubos na kumpyansa sa pagkapanalo. Inaabisuhan kita na huwag masyadong kumampi sa Yan Bei, sa takot na gagamitin ng mga tao ang rason na ito para atakihin ka sa korte. Delikado ang pulitika. Mag-ingat ka. Kung madawit ka nang dahil sa akin, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kahit na mamatay ako.

Nangyaring nataon ang kasal mo sa araw na umatras ang mga sundalo ng Xia. Kung makakapunta ka sa Yan Bei, bibigyan kita ng mainit na pagsalubong. Sampung taon nating hindi nakita ang isa't-isa. Namimiss na kita.

Tumulo ulit ang luha niya sa kanyang mukha, tungo sa puting papel. Ipinapakita nito ang kalungkutan na nadarama niya sa kanyang puso. Matagal na siyang nagtiis. Matagal na niyang pinigilan ang kanyang nararamdaman. Mayroon lamang pakiramdam ng pagod at kalungkutan na naipon sa kanyang puso. Ang nangyayari sa bansa, ang nangyayari sa kanyang loob... sa kasalukuyan, kasama ang salitang sinulat nito: Nangyaring nataon ang kasal mo sa araw na umatras ang mga sundalo ng Xia... nagsimulang lumabo ang paningin niya. Nagngangalit ang bagyo sa labas, katulad ng nararamdaman niya: malamig. Naghanda siya ng tinta at panulat at nagsimulang magsulat na may masarap ngunit masakit na pakiramdam sa kanyang puso: "Nagplano ako buong buhay ko, ngunit hindi ko nakuha ang gusto ko...

Nang nasulat niya ang kanyang huling mga sasabihin, padaskol na ang sulat. Bigla siyang napasadlak sa lamesa na may luha sa kanyang mga mata. Tulad nito, nakatulog siya.

Nang pumasok si Tiya Yun, halos umiyak na siya. Maraming taon nang pinamamahalaan ng prinsesa ang bansa, ngunit ito ang unang beses na nakita niya itong ganito ka kawawa. Tinulungan niya ito papunta sa higaan nito para magpahinga at naglakad pabalik sa lamesa. Nang makitang kompleto na ang sulat, at para ito sa hari ng Yan Bei, nakaramdam ni Tiya Yun ng pagka-inis. Hindi niya binasa ang nilalaman ng sulat, inilagay niya ito sa sobre at sinelyuhan ng wax. Iniabot niya ang sulat sa katulong ng palasyo at iniutos, "Ipadala ito sa sambahayan ng Xuan, at sabihin sa kanya ng ipadala ang sulat base sa dating nakagawian."

"Naiintindihan ko."

Sa ulan at kadiliman, isang itim na agila ang lumipad mula sa sambahayan ng Xuan tungo sa hilagang-kanluran na sobrang bilis.

Nang matanggap ni Yan Xun ang sulat ni Nalan Hongye isang araw bago siya umalis, nakatayo sa tabi niya si Feng Zhi. Matagal na napasimangot si Yan Xun habang nakatingin siya sa sulat, bago malakas siyang tumawa at sinabi, "Masyado siyang taranta. Hindi ko alam kung aling mga reklamo ng babae ang kanyang kinopya, ngunit pinadala niya talaga ito sa akin."

Siguiente capítulo