webnovel

Chapter 152

Editor: LiberReverieGroup

"Oo." Sinandal ng dalaga ang kanyang ulo sa dibdib ni Yan Xun, ang kanyang boses ay mahina. Mukha siyang tila nagawan ng mali. "Siguruhin mo na matutupad mo ang sinabi mo."

"Sigurado! Nangangako ako," matatag na nangako si Yan Xun. "Ang tunay na lalaki ay laging tinutupad ang kanyang sinabi. Putulin sana ng kalangitan ang mga binti ko kapag hindi ko iyon nagawa."

"Sige na nga. Makakaalis ka na."

"Teka, mayroon pang isang bagay." Dumiretso ang mukha ni Yan Xun habang seryoso niyang pinahayag, "Napakamahalaga nito, kailangan mo itong malaman gamit ang puso mo."

"Hmm?" nag-angat ng tingin si Chu Qiao habang kinukurap ang malaki at mamasa-masa nitong mga mata. "Ano iyon?"

"Tandaan mo ito! Ito ang pinaka taos-pusong abiso ko mula sa akin papunta sa iyo bilang kaibigan, bilang kasamang lumaki, nakipaglaban, at nabuhay kasama ka mula noong bata pa tayo."

Napasimangot si Chu Qiao. Ang katalinuhan niya ay inalerto siya na may mali. Nagsususpetya siyang nagtanong, "Anong gusto mong sabihin?"

"Dapat kang maging mas matapat sa sarili mo!" Sigaw ni Yan Xun, bago biglang diniin ang kanyang ulo kay Chu Qiao. Pinasuko si Chu Qiao, hinawakan niya ang ulo nito, habang ang kanilang labi ay matatag na nakadiin sa isa't-isa. Sa proseso, maalab na tinulak niya ang kanyang dila sa bibig ni Chu Qiao, agad na sinira ang kahit anong depensa na ginawa ng dalaga, lubos na nahuli siya. Ang kanyang paghinga ay agad na nawala sa ayos, habang bayolente ang pagtaas-baba ng kanyang dibdib. Sa manyebeng kapatagan, sa harap ng 500 mga sundalo, ang hari ng Yan Bei ay hinalikan si Master Chu na mula sa Military Staff Office...

Tanging nang halos mahimatay na si Chu Qiao mula sa kakulangan ng hangin saka lang siya pinakawalan ni Yan Xun. Nang makita kung paano siya namula habang lihim na tumitingin kaliwa't-kanan, na parang isang magnanakaw na nahuli mismo sa akto, mula sa puso na tumawa si Yan Xun. "Anong pinag-aalala mo? Ang lahat ng Yan Bei ay akin!"

Sumabog sa galit si Chu Qiao, at kahit ang kanyang tainga ay namula mula sa halo ng galit at hiya. "Ah! T*rantado ka! Nadungisan ang puri ko dahil sayo!"

Hinawakan siya ni Yan Xun sa bewang, at may pagtaas ng kilay siyang umusal, "AhChu, hindi mo ba alam? Simula nung pumasok ka sa palasyo ng Sheng Jin, ang salitang 'puri' ay nagpaalam na sayo."

"T*rantado!" hindi sapat ang bokabularyo ni Chu Qiao para sa okasyon na ito, at nang makita ang mga nakapalibot na tauhan na namamangha ang mga itsura, mas nagalit siya, habang tumuro siya kay AhJing at sa iba at sumigaw, "Huwag kayong tumawa! Huwag niyong ipagsabi sa iba! Lalabanan ko kita! At ikaw! Ikaw! Sino ka? Ang lakas ng tawa mo nakikita ko na bagang mo! Anong pangalan mo? Kaninong pulutong ka kabilang? Tumatawa ka pa rin? Oo, ikaw!"

"AhChu! Huwag mong isipin ang sasabihin ng iba!" Biglang saad ni Yan Xun. Hinila ito palapit, nagpatuloy siya, "Kailangan mong maging mas tapat sa sarili mo. Ayaw mo lang akong lumabas at makipaglandian sa ibang babae, bakit ang dami mong sinasabi tungkol sa moralidad at katarungan? Sa tingin ko ay ikaw ang kailangan turuan ng leksyon."

"Oy, oy!" Napatalon sa hiya si Chu QiO. "Matagal na ba noong natuwid kita? Gusto mong turuan ako ng leksyon? Kaya mo naman ba akong talunin?"

Medyo natigilan si Yan Xun bago tumutol, "Iyon ay dahil binigyan kita ng pagkakataon! Sa tingin mo ba talaga ay ikaw ang pinakamagaling sa mundo?"

"Mahusay! Nakita ko na nagsusunog ka na ng mga tulay ngayon. Kung gusto mo, pwede tayong maglaban dito, ngayon mismo!"

Agad na nagsimulang tumawa si Yan Xun. "AhChu, hindi kaya't ayaw mo lang akong paalisin? Sinasadya mong patagalin ang mga bagay at inaantala ang progreso ko."

Tumitig sa kanya si Chu Qiao at galit na sumigaw, "Sinong may ayaw? Alis! Ang makita ka ng isa pang segundo ay nakakairita na sa akin!"

"Kung gayon, makakaalis na ako ngayon?"

"Alis! Walang may gustong makita ka."

"Huwag mong pagsisihan iyan!"

"Hindi ko pagsisisihan!"

"Pagkatapos kong umalis, huwag kang lihim na iiyak!"

"Aalis ka ba o hindi? Daming satsat!"

"Haha!" Sumakay sa kabayo niya si Yan Xun habang bahagya siyang tumawa, "AhChu, aalis na ako. Hintayin mo ang matagumpay kong pagbabalik! Giddyup!" Ang daang mga pandigmang kabayo ay dumagundong sa malayo. Ang malinis na puting nyebe na sinipa pataas ng mga kabayo ay bumuo ng manipis na abu-abo sa lupa. Sa mga lawin na lumilipad sa himpapawid, at ang tunog ng hangin na nagngangalit sa malayo, suminag ang gintong araw sa anino ng papaalis na mga sundalo, tulad ng isang malaking pinta. Ngunit hindi magtagal, ang mga pigura ay naglaho sa malayo, nag-iwan lang ng malabong piraso ng anino.

Nakatayo lang si Chu Qiao sa parehong lugar na hindi gumagalaw, pinapanood na umalis si Yan Xun. Ang kanyang puso ay umaapaw ng emosyon habang tahimik niyang pinagdaop ang kanyang mga palad sa isang panalangin. May malumanay na boses, nanalangin siya na may pinakapurong katapatan, "Makapangyarihang Diyos, pakiusap pakinggan mo ako, protektahan mo ang iniibig ko, gawing maayos ang kanyang paglalakbay, siguraduhin ang matagumpay at ligtas na pagbabalik."

Habang Yan Bei ang sagisag ng nagyelong impyerno na may bagyo ng nyebe na madalas nabubuo, ang imperyo ng Song ay may patuloy na tag-ulan, may mabibigat na mga ulap na papalapit sa kanilang kalangitan. Sa palasyo, walang sulo ang nakasindi, at tanging mahinang liwanag ng kandila ang kumukutitap sa dilim. Sa bakanteng palasyo ng Mo Ji, berdeng silk ang lumulutang sa kaunting hangin, at ang pasilyo ay nalilinyahan ng rosewood. Ang sahig ay mukhang klasiko, at sa totoo lang, kasing mahal ito ng paglinya sa buong sahig ng ginto. Bawat yapak ay nagreresulta sa kakaibang alingawngaw, na parang ang tunog ay naglakbay sa oras at lugar mula sa makalumang panahon, parang seremonyang kanta na kinanta sa dulo ng mundo.

Bawat gusali ay may nakasabit na purong puting lampara. Ang araw na ito ang anibersaryo ng pagpanaw ng namatay na emperor Nalan Lie, at para sa pakay na iyon, lahat ay nakasuot ng pang-seremonyang puting kasuotan. Kahit ang pulang chrysanthemums na namukadkad sa harap ng palasyo ay may nakataling puting laso. Ang walang humpay na ulan ay ginawa ang tanawin na mas miserable.

Sa pagkalansing ng mga kampanilya, isang babae na nakasuot ng marilag na palamuti sa ulo ang naglalakad sa malaking palasyo. Sa tukoy na tukoy na tabas ng mukha, kumislap ang mata niya ng lakas at kumpyansa. Kahit na hindi siya matatawag na walang kasing ganda, maikokonsidera pa rin siyang magandang babae sa kanyang desenteng itsura at eleganteng kilos.

Sa dulo ng malaking palasyo ay isang maliit na karpet na may maliit na lamesa. Sa tabi ng lamesa, may ilang tagasilbi ang malakas na sumisigaw at pumapalakpak. Lahat ay baon na baon sa kanilang ginagawa. Isang kabataan na nakasuot ng dragon na roba ang kasama din sa grupo. Sa kabila ng mukha na siyang 20 taon gulang, nagsasayaw-sayaw siya, umaasta na parang anim o pitong taon na bata.

Napasimangot ang tiyang nasa gilid at lumapit sa kanila. "Dumating na ang unang prinsesa, hindi niyo ba siya babatiin?"

Nang marinig siya, ang mga tao na naglalaro ay agad na lumingon. Nang makita ang babaeng nakatayo sa gitna, natataranta silang lumapit. Nakaluhod na sumigaw sila, "Nagbibigay kami ng respeto sa unang prinsesa. Mabuhay ang Prinsesa."

"Humayo kayo." Ang may simpleng kasuotan na babae ay tahimik na tumango, habang may dala siyang tila diwatang awra. Nakatingin sa kabataan na nakasuot ng matingkad na gintong may pagka dilaw, kinumpas niya ang kamay niya dito. "Yu'er, halika dito."

Napakamot kamay ang kabataan at nag-atubiling lumapit. Ang mga tagasilbi sa tabi ng babae ay agad na binati ang kabataan, "Nagbibigay kami ng respeto sa Emperor."

Hindi sila tinignan ng batang emperor habang padaskol-daskol niyang kinaway ang kamay bago nagtaas ng ulo. Tumulo ang laway mula sa gilid ng kanyang labi. Tulad ng batang takot sa kanyang guro, kinausap niya ang babae, "Ate, wala akong nagawang mali."

Naliliwanagan ng mahinang ilaw ng kandila sa palasyo, inilabas ng babae ang kanyang panyo na nabuburdahan ng orchids, at pinunasan ang laway ng batang emperor, bago sumagot, "Alam ko."

Tumungo ang batang emperor at bumulong ng hindi maintindihan. Napabuntong-hininga ang babae, "Ngayon ang anibersaryo ng pagpanaw ng ating ama, bakit ayaw ni Yu'er na pumunta sa templo para magsindi ng insenso para sa kanya? Idagdag mo pa doon, nagsabi ka sa mga tao na bugbugin si Lu Gong Gong."

Ang sagot ng emperor ay lubos na malambot nang tumungo siya, "Ayoko… ayokong pumunta."

Nagbaba ng ulo ang babae at matyagang nagtanong, "Bakit ganoon? Pwede mo bang sabihin kay ate?"

"Dahil...dahil…" inangat ng emperor ang kanyang ulo, ang kadalasan niyang puting kutis ay namumula habang sumusubok siyang magpaliwanag, "Dahil lagi akong inaasar ng Chang Ling King… ayokong nakikipaglaro sa kanila."

Maririnig ang patak ng ulan sa labas, habang dinala ng hangin ang mahalumigmig na hangin sa pasilyo. Matapos ang ilang segundong pag-iisip, tumango ang babae at sinabi, "Kung ayaw mong pumunta, hindi mo kailangan pumunta." Lumingon sa mga tagasilbi na nakaluhod pa rin sa lupa, nag-utos siya, "Siguraduhin niyo na samahan ang emperor!"

"Masusunod!" Ang kumpol ng mga bata, lahat nasa 12 at 13-taon-gulang, ay sabay-sabay na sumagot. Tapos ay tumalikod ang babae, at kasama ang mga tagasilbi niya na lumabas ng palasyo. Hindi nagtagal, nagpatuloy ang tunog ng kasiyahan. Kung makikinig lang ng mabuti sa mga boses, maririnig na nilalamon sila ng pinaka purong kasayahan at katuwaan.

Sinong makakaisip na ang imperyo ng Song, na nasa kontrol ng pinakamayaman na lupain na mapagkukunan ng kayamanan sa buong kontinente, ay may emperor na literal na tanga? Ang pagkatanda ng utak niya ay habang buhay na mananatili sa sampung taon gulang, ang ang edad ng kaisipan niya ay hindi na lalagpas sa kung ano ngayon. Ito ang pinakamalapit na binabantayang sikreto ng imperyo ng Song. Ang prinsesa ng Song ay itinago ito sa mata ng publiko sa mga nakalipas na taon. Ngunit nang unti-unting lumaki si Nalan Hongyu, ang mga araw na siya mismo ang titingin sa ilang suliranin ng korte ay naudlot ulit, at ang boses ng pagdududa laban sa prinsesa ay lumakas sa nakalipas na mga taon. Naratamdaman na niya ang hirap.

Nang taon na iyon, bago namatay si Nalan Lie, ang emperor na ito, na nasakop ang hekta-hektaryang baybayin, ay tumingin sa batang anak na babae at tangang anak na lalaki, at malakas na ipinahayag, "Karma ang lahat!" bago namatay. Ang responsibilidad ng malaking teritoryo ay bumagsak sa mga balikat ng babaeng wala pang 15 taon gulang. Sa isang kisapmata, limang taon ang nakalipas.

Nakatingin sa mahinang pigura na naglalakad-lakad sa harap, ang puso ni Aunt Yun ay isang magkahalong lalagyang ng emosyon. Hirap siyang maisip kung paanong ang batang babaeng iyon ay naging 20 taon na, ginugugol ang pinakamagagandang taon niya na nagtatrabaho nang husto sa likod ng mga eksena sa palasyo. Kahit na alam ng iba kung paanong napakahusay at napakatalino ng Unang Prinsesa, sa nakalipas na mga taon ay mayroong mga boses na tumututol, dahil nagsususpetya ang iba na kumakamkam siya ng kapangyarihan mula sa batang emperor. Ang iba pa nga ay naniwala na kinulong niya sa palasyo ang batang emperor. Nang makita ang dalagang ito na lumaki, siguro ay si Aunt Yue lang ang nakakaalam kung gaano karaming pagsisikap ang ginagawa ng dalagang ito. Limang taon. Sa buhay ng babae, ilang limang taon ang nandoon?

"Prinsesa, gabi na, babalik na ba tayo sa palasyo para magpahinga?"

Umiling si Nalan Hongye. "May mga dokumento pang kailangan ng pag-apruba sa palasyo ng Yu He."

Agad na nagmungkahi si Aunt Yun, "Kung gayon ay dapat ba natin itong dalhin pabalik sa sarili mong residensya para basahin?"

Nang makitang ang tiyahin na nag-alaga sa kanya mula pagkabata ay nababahala, malumanay na ngumiti si Nalan Hongye at pumayag, "Sige."

Masayang inutusan ni Aunt Yun ang ibang tagasilbi na madaling tumungo sa palasyo ng Yu He para kuhanin ang mga dokumento. Hindi nagtagal, ang ilaw na palasyo ng Rou Fu ay nasindihan lahat, at ang buong lugar ay maliwanag na naiilawan. Kahit na mapagpakumbabang tao si Nalan Hongye, ang mga tagasilbi sa palasyo ay alam kung sino ang may totoong masasabi sa loob ng palasyo, at sobrang maingat na pagsisilbihan siya.

Malapit nang maghatinggabi, at ilang beses na palihim na pumasok si Aunt Yue. Sa wakas, nakita niya na ang natitirang dokumento sa lamesa ay nabawasan na. Gayonpaman, sa huli, nakita niya ang prinsesa na hindi makapagpasyang hawak ang sulat mula sa hangganan nang mahabang oras. Hindi niya maiwasang lumapit. Nakasimangot siyang nagtanong, "Prinsesa, ano iyan na napakahirap pagdesisyunan? Hatinggabi na. Bukas, kailangan mo pang dumalo sa umagang pagpupulong."

"Hmm? Ito ang ulat mula sa hangganan." Dahil naistorbo, tulirong sumagot si Nalan Hongye, wari'y lubog na lubog sa kanyang malalim na iniisip. Iginigilid ang ilang nakawalang buhok, hindi niya itinago ang mga ikinokonsidera niya sa pinakamalapit niyang katiwala. "Ang imperyo ng Xia ay ipinadala ang hukbo nila sa Yan Bei. Ang Yan Bei ay nangangailangan agad ng pantustos sa medisina at pagkain. Isa pa, gusto nilang ipalit ang kanilang mga ore at mineral oara sa sandata."

Malinaw na hindi karaniwang babae si Aunt Yue na walang alam sa pulitiko, habang napasimangot siya at nagtanong, "Hindi ba't kakapadala palang natin ng isang talaksan?"

"Ang dami ng ipinadala natin ay hindi magiging sapat para magkaroon ng epekto. Sa pagharang ng Changle Count at Jinjiang King, lalo na ang dahilan nila na ang digmaan sa silangang dagat ay mag-uumpisa na, ang mga pantustos natin ay lubos na nabawasan. Sa digmaan sa hilaga, ang halaga ng pang-araw-araw na pantustos ay lubhang tumaas. Ang salaping nakuha natin sa prinsipe ng Yan ay halos nagastos na."

Bahagyang napasimangot si Nalan nang bigla niyang napansin na maraming ingay sa direksyon ng palasyo ng Qin An. Tumayo siya at nagtanong, "Anong nangyari sa labas?"

Mabilis na lumabas si Aunt Yue bago bumalik na may ngiti. "Hindi iyon malaking problema. Umiiyak ang batang kamahalan. Nag-aalala ang Reyna na baka may sakit siya, kaya sinabihan niya ang manggagamot ng imperyo na pumunta."

Nagtaas ng kilay si Nalan at nagtanong, "Anong sabi ng manggagamot?"

"Ang sabi ng manggagamot ay ayos lang ang lahat. Nagugutom lang ang bata."

Bahagyang ngumiti si Nalan. Mula sa maliwanag niyang mga mata, makakakita ng bahid ng karunungan. "Ang batang iyon ang pag-asa ng imperyo ng Song. Hindi nakakapagtaka na balisang-balisa ang reyna. Aunt Yun, marami kang karanasan, kaya magiging mabuti kung babantayan mo din ang batang iyon."

"Oo." Marahang umupo si Nalan sa kanyang inuupuan. Maswerte na may ganoong anak si Yu'er. Dahil imposible na makoronahan siya bilang emperor, umaasa nalang siya sa bata.

Siguiente capítulo