webnovel

Kalokohan!

Editor: LiberReverieGroup

Napapatangang sinabi ni Shi Jian, "Hindi ko na matandaan, sa tingin ko ang mga pagkain sa ampunan ay hindi ganoon kasarap. Wala na akong matandaan na karapat-dapat matandaan sa ampunan."

Nagulat ang grupo ni Xinghe na nagawa pang sanayin ng He Lan family ang mga ito sa pagkain.

May saysay naman sa baluktot na pananaw. Kapag nasanay sila sa pagkain sa Earth, hindi sila masasanay sa pagkain sa buwan. Magrerebelde ang mga ito. Kaya naman, para masanay ang pagsunod ng mga ito, kailangang hindi sila makalasa ng anumang masarap.

Galit na napadabog sa mesa si Sam. "Ang He Lan family na ito ay mas masahol pa talaga sa hayop! Kinuha nila ang lahat ng mga karapatang pantao ninyo; ni wala pa silang mga puso para bigyan ng masarap na pagkain ang mga bata. Ang pinakamasarap na pagkain ninyo dito ay hindi naman talaga masarap!"

Humablot ng isang bagay na mukhang biskwit si Sam. Kinagatan niya ang matigas na bagay na ito at iniluwa matapos ang dalawang beses na pagnguya.

"Mas masahol pa ito, kahit ang mga pulubi ay hindi ito kakainin. Saan ba gawa ito? Putik, paano ba ito naging ganito kasama ang lasa?"

Ang ilang tao sa paligid nila ay tiningnan ang mga biskwit na nasa kanilang mga kamay. Ang bagay ba na ito ay talagang masama ang lasa… pero kinakain namin ito araw-araw.

Sinubukan ni Sam ang lahat ng pagkain doon at iniluwa itong lahat. Pagkatapos ay naglitanya na ito.

"Tatapatin ko kayo, kailangan ninyong bumalik lahat sa Earth! Ang mga makabagong teknolohiya na ito, ang pagsakop sa mundo o kalawakan, kalimutan na ninyong lahat! Mas nanaisin ko pang maging pulubi sa Earth kaysa maging isang siyentipiko dito! Ang mundong ito ay walang tunay na kalangitan, tunay na puno, at kahit tunay na pagkain tulad ng roast duck, seafood, beef steak, sariwang prutas, at mga gulay; ano pa ang punto ng pananatiling buhay? Ang baseng ito ay dapat ng wasakin dahil isa itong malupit na piitan. Nandito pa lamang ako ng kalahating araw at gusto ko nang patayin ang sarili ko. Ano'ng klase ng buhay ba mayroon kayong lahat dito?"

Sinulyapan ni Sam ang lahat at nagtanong, "May nakakaintindi ba sa inyo ng kahulugan ng saya at kaligayahan?"

Hindi sinasadyang napailing ang grupo ng mga tao.

Mayabang na ngumiti si Sam at sinabi, "Ang kaligayahan ay ang kumain ng malalaking piraso ng karne at uminom ng sunud-sunod na bote ng alak. Sa iba, maaaring isa itong araw sa ilalim ng sikat ng araw, ninanamnam ang haplos ng araw sa kanyang balat. Pero kahit na ano pa, ito ang mga simpleng kaligayahan na mararanasan ng sinuman sa Earth, pero wala sa inyo ang nakakaranas pa nito."

Natahimik ang grupo ni Shi Jian. Isang hindi maipaliwanag na kalungkutan ang kumalat sa buong silid. Ganoon ba talaga kalala ang buhay nila?

Ang kanilang pinakamalaking kahilingan ay isang bagay na madaling makuha ng kahit na karaniwang tao sa Earth.

Ginugol nila ang buong buhay nila sa pananaliksik, pagtatrabaho, sinusubukang paunlarin ang kanilang teknolohiya at ano ang nakuha nila bilang kapalit?

Wala!

Kung anuman, ang kanilang pinaka-basic na karapatan, ang maging masaya, ay kinuha mula sa kanila!

Si Shi Jian at ang iba pa ay nakaramdam ng bigat sa kanilang mga puso. Ang ilan sa mga lalaki ay nagsimula na ding umiyak. Ang isa sa kanila ay napalunok ng kanyang laway at nagtanong kay Sam, "Ang iba't ibang pagkain na nabanggit mo, talaga bang masarap sila?"

Tumango ng may ngisi si Sam. "Siyempre! Kung nagsisinungaling ako sa inyo ay sampalin sana ako ng Diyos sa sandaling ito, ang pagkain ng Earth ay mas masarap ng higit sa isang libong beses kaysa sa iniisip ninyo!"

Siguiente capítulo