webnovel

Gusto ng Mundo na Mamatay na Sila

Editor: LiberReverieGroup

Kahit na personal siyang ipinadala ni Xinghe sa bilangguan, ang taong ito ay si Feng Saohuang. Matapos na mapanood ang video, nasisiyahan siyang ngumiti. "Kakaiba talaga kayong dalawa, napaugnay pa kayo sa Doomsday. Hindi ko talaga dapat na minaliit kayong dalawa. Sana ay huwag ninyo akong biguin at magawa ninyong lumaban dito."

Kahit na marami ang gustong mamatay sina Xinghe at Mubai, marami din ang nagdarasal para sa kanilang kaligasan. Ang Xia family, Xi family, Shen family, at lahat ng nakatanggap ng kabutihan mula kay Xinghe at Mubai ay nag-aalala din para sa kanila.

Agad na humiling si Munan na malipat sa Country R para personal na masiguro ang kaligtasan nina Xinghe at Mubai. Ibinigay din ni Yan Lu at Gu Li ang kanilang kahilingan.

Ang presidente ng Country Y na si Philip ay agad na bumuo ng Special Ops unit at inutusan sila na pumunta sa Country R para protektahan sina Xinghe at Mubai. Ang parehong presidente mula sa Hwa Xia at Country Y ay tinawagan ang United Nations para gipitin sila na magbigay ng proteksiyon kay Xinghe at Mubai.

Natatakot sila na pipiliin ng United Nations na isakripisyo sila para makakuha pa ng maraming oras para sa daigdig. Ang posibilidad na ito ay hindi zero. Walang patas sa mundo, ang isakripisyo ang ilan para sa ikabubuti ng marami, ito ang bagay na ginagawa ng mga utilitarian.

Sinadya ni He Lan Yuan na puntiryahin sila ng buong mundo. Ang mental pressure na malamang gusto silang mamatay ng buong mundo ay napakahirap para sa isang tao. Kung ang buong mundo ang tatalikod sa kanila, wala na silang mapupuntahan. Bago pa sila pisikal na mapatay, ang taong ito ay maaaring magpatiwakal mula sa mental breakdown.

Tulad ng inaasahan, agad na lumabas sa internet ang utos na patayin silang dalawa. Ang bilang ng mga taong ganito din ang iniisip ay napakataas, sobrang taas na nakakakilabot…

Ang ilan sa kanila ay inisip na wala silang ginagawang masama, gusto lamang nilang patayin ang mga ito dahil makikinabang naman ang buong mundo, kung anupaman, karamihan sa kanila ay iniisip na ginagawan na nila ng pabor ang mundo sa pamamamagitan ng pagpatay sa dalawang pinaka-wanted na indibidwal sa mundo. Nararapat lamang na sila ay mapuri at mapatawad.

Mabilis silang naging kasangkapan sa pagpatay ni He Lan Yuan dahil karamihan sa mga tao ay walang pagkakaisa at napaka-gahaman. Ang pinakaunang bagay na iisipin nila ay hindi gamitin ang kanilang kapangyarihan para baguhin ang mga bagay kundi ang hilahin pababa ang iba para makasigurong sila ang nauuna. Pangkaraniwan na ito, masasabi pa nga na natural na ugali na ito ng mga tao.

Matapos na ipahayag ni He Lan Yuan ang mga patakaran, inasahan na nina Xinghe at Mubai ang ganitong resulta. Kahit ang SamWolf ay inasahan na din ito. Alam nila na halos lahat ay hindi mag-aatubiling isakripisyo sina Xinghe at Mubai para makakuha pa ng mas maraming oras ang mundo.

Kaya naman, ang una nilang tugon ay ang gumawa ng protective circle sa palibot ng dalawa nang nakatutok ang mga baril nila sa labas.

"Walang gagalaw! Kakailanganin ninyong dumaan sa aming mga bangkay bago ninyo sila mahawakan!" Galit na banta ni Sam.

Nagulat sina Xinghe at Mubai sa kanilang ginawa na walang alinlangang pagprotekta sa kanilang dalawa. Mayroong kumplikadong emosyon silang naramdaman sa kanilang mga puso.

Napakunut-noo si Chui Qian. "Ano ang ginagawa ninyo? Walang mananakit sa kanila, ibaba ninyo ang inyong mga baril."

Malamig na ngumisi si Ali. "Mr. President, alam naming hindi mo gagawin, pero hindi namin masasabi ito para sa ibang tao. Ang ilang tao ay gagawin ang lahat para sa kapakanan ng mundo."

Ang tinutukoy niya ay si George. Dahil nga naman ang ugali nito sa kanila mula umpisa ay hindi na maganda, kaya naman maaaring piliin nga nito na isakripisyo ang mga ito. Kaya naman, hindi sila maaaring hindi mag-ingat.

Natural lamang na nakuha ni George ang pahiwatig nito. Malamig itong ngumiti.

Siguiente capítulo