webnovel

Ang mga Iniisip Niya

Editor: LiberReverieGroup

"Nakita namin ang mga kilos niya na kaduda-dua dahil tila sinadya niyang puntiryahin kami. Iniisip ko kung maaaring tingnan ni Presidente Chui ito ng mas malalim para malaman kung mayroon siyang natatagong intensiyon," direktang hiling ni Xinghe.

Dumilim ng ilang antas ang hitsura ni Chui Qian bago tumango agad. "Natural, hindi ito isang problema! Dahil isa siyang kaduda-dudang tao, iimbestigahan namin siya ng husto at pagkatapos ay sasabihan ka namin kung may nakuha na kaming maayos na sagot."

"Mr. President, salamat muli. Sa oras na ito, tinulungan mo kami, kaya kung kailangan mo ang tulong namin sa hinaharap, gagantihan namin ang kabutihan mo ng walang hesitasyon," alok ni Xinghe ng may makahulugang ngiti. Natigilan si Chui Qian, at ang paraan ng pagtingin niya sa mga ito ay naging komplikado.

Nang matapos ang piging, tinanggihan nina Xinghe at Mubai ang alok na manatili sa villa na inihanda sa kanila ni Chui Qian at ninais na manatili sa isang hotel. Nang sumapit sila sa hotel, nakita ni Xinghe sina Ee Chen at ang iba pa na naroroon na.

Tinawagan sila ni Ali nang lumapag na sila para magtipon sa hotel. Sa lahat ng mga panahong ito, ang grupo ni Ee Chen ay abala sa pag-oobserba sa He Lan family sa Country R.

Direkta silang tinanong ni Xinghe. "Kumusta ang lahat?"

Seryosong sumagot si Ee Chen, "Ang insidente tungkol sa Angel Orphanage ay napigilan. Nakakita ng bagong mapagbubuntunan ng sisi ang He Lan family, at dahil may ilang balita nito sa media, natakpan na din ito."

Hindi nasisiyahang nagreklamo si Sam. "Ang insidenteng ito ay halos walang nagawang pinsala sa kanila."

"At wala talagang lumabas para hamunin sila," dagdag ni Cairn.

Tumango si Xinghe. "Tulad ng inaasahan ko. Ang ganitong klase ng maliit na insidente ay hindi seryosong makakaapekto sa kanila. Gayunpaman hindi totoo na walang gustong kumalaban sa He Lan family."

"Ano ang ibig mong sabihin diyan?" Nalilitong tanong ni Ee Chen.

Hindi na sumagot si Xinghe kundi ay hinila nito ang kanyang laptop. Hindi nagtagal, nahack na niya ang intelligence agency ng Country R at inilabas ang impormasyong nakalap tungkol sa He Lan family. Mayroong mga file tungkol kay He Lan Chang at He Lan Qi din doon. Gayunpaman, napakaliit ng impormasyong makikita sa kanila, ang halos sa mga impormasyong ito ay makikita sa internet. Halos hindi ito importante.

Gayunpaman, mayroong bagong entrada doon, ito ay tungkol sa insidente ng Angel Orphanage. Nang makita nila ito, nalito ang grupo ni Ee Chen.

Tanging si Ali ang nakakuha nito. "Xinghe, mukhang ang presidente ng Country R ay talagang may intensiyon na habulin ang mga ito!"

Tumango si Xinghe. "Oo, ngayon ay nagawa na natin itong kumpirmahin."

Kung hindi, hindi nito ilalagay ang lahat ng nangyari sa He Lan family. Siguradong naghihintay lamang ito, naghihintay ng pagkakataon na maalis ang mga ito.

"Ano ba talaga ang nangyayari? Paano ninyo nalaman na ang presidente ng Country R ay may intensiyon na kalabanin ang He Lan family?" Nagtanong si Ee Chen ng nalilito at nakakunot-noo. Ipinaliwanag na ni Xinghe ang lahat mula sa simula hanggang sa katapusan. Nagulat ang lahat ng marinig nila ang balita.

Hindi nila inasahan na ang iniisip ni Xinghe ay nakakatakot. Inimbestigahan niya si Chui Ying ngunit nagawa niyang makita ang napakaraming sikreto. Kahit na mukhang napakadali sa papel na gawin ang lahat ng ito, kung hindi siya nagsimulang mag-imbestiga kay Chui Ying, hindi sila makararating sa kinaroroonan nila. Ang pinakaimportanteng punto dito ay wala sa kanila ang nakaisip na gamitin si Chui Ying bilang butas at hindi nila magagawang madiskubre ang napakaraming encrypted na impormasyon.

Hindi lamang nagtataglay si Xinghe ng mahalagang deduktibong kaalaman kundi pati na rin kakayahan, kung hindi ang progreso nila ay hindi magiging matagumpay.

Kahit na ang pagkakadakip kay He Bin ay hindi isang bagay na magagawa ng kahit na sino. Ang plano niya ay maingat, at hindi niya pinalalampas ang mga pagkakataon. Hindi siya masyadong mayabang o pabaya at dahil dito ay nagawa niyang malaman ang napakaraming sikreto.

Siguiente capítulo