webnovel

Kumpetensiya

Editor: LiberReverieGroup

Gayunpaman, ang kanyang paninindigan ay unti-unting natitibag lalo na at nagmamakaawa ang mga ito ng tulad nito. Dahil ang dekada ng pampamilyang alaala ay hindi agad-agad mawawala ng ganoon lang. Patas sa publiko si Elder Shen, pero palagi siyang may malambot na kalooban pagdating sa kanyang pamilya.

Si Shen Ru at Tong Yan ay hindi niya kadugo, pero kasama na niya ang mga ito ng dekada, kaya naman masasabing isang kasinungalingan na wala siyang kagiliwan sa mga ito. Isa pa, ilang panahon na din ang lumipas matapos ang insidente. Kung isasama ang pagnanais ni Tong Yan na mapalapit sa kanya, lalo pang lumambot ang kanyang puso.

Alam ni Elder Shen na hindi niya talaga maiaalis ang mga ito sa kanyang buhay. Handa siyang isakripisyo ang kanyang buong buhay para kay Tong Yan noon nang pumayag siyang maikasal ito kay Lin Xuan, kaya naman masasabi na talagang mahal niya ito.

Tumingin si Elder Shen kay Tong Yan at sinabi, "Little Yan, kung talagang natutunan mo na ang iyong leksiyon, magagawa ka namang tanggapin ni Grandpa, pero mayroong isang bagay na kailangang maging malinaw sa iyo, hindi ko mapapatawad ang Lin family."

Nakaramdam ng kasiyahan sa kanyang puso si Tong Yan at agad na idineklara, "Grandpa, wala akong kinalaman sa Lin family! Pugad sila ng masasamang tao at hindi sila kailanman naging parte ng buhay namin ni Mom, kaya naman hindi ko sila tatanggapin na kadugo. Nararapat lamang sa kanila ang lahat ng nangyayari sa ngayon kaya huwag kang mag-alala, palagi kami sa iyong tabi, susuportahan ka at hindi sila!"

Nagpatuloy pa si Tong Yan, "Ganoon din ang iniisip ni Mommy, sa puso namin, ikaw at ang Shen family ang tunay naming pamilya. Pinutol na namin ang lahat ng kaugnayan sa Lin family at hindi sila kinaaawaan ng kahit katiting. Ang tanging pagsisisi namin ay naloko nila kami noon. Kung posible nga lamang, mas nanaisin pa namin ni Mommy na mamatay kaysa magkaroon ng kaugnayan sa Lin family! Grandpa, ang Shen family lamang ang nakikita naming pamilya at wala nang iba pa."

Tumimo naman kay Elder Shen ang proklamasyon nito. Nakahinga siya ng maluwag, lalo na at nalaman niya na natutunan na nila ang kanilang leksiyon at nilinaw na ang kanilang posisyon. Ang alinlangan sa kanyang puso ay dahan-dahang nawawala na.

Sa wakas ay ngumiti na si Elder Shen sa kanya at sinabi, "Mabuti naman at nakita na ninyo ang tamang daan. Ang totoo, wala sa puso ni Grandpa na hayaan kayong dalawa nang mag-isa, pero may mga bagay na hindi na maaaring bumalik sa dati kahit na gaano pa natin subukan."

"Walang problema!" Sabi ni Tong Yan nang may namumulang mga mata, "Grandpa, hindi ko na iisipin kung paano mo kami tratuhin hanggang itinuturing mo kaming pamilya ulit. Huwag mo lang kaming tratuhing estranghero, masakit kasi iyon sa puso namin."

"Grandfather Shen, sa nakikita ninyo, ang Shen family ang pinakaimportanteng bagay sa puso ni Little Yan…" sulsol ni Chui Ying.

Dahan-dahang napapahinuhod si Elder Shen ng mga ito at ang puso niya ay unti-unting bumubukas para tanggaping muli si Tong Yan. Dahil nga naman, dalawampung taong kaugalian na sa kanya na paluguran at palayawin si Tong Yan. Sa sandaling ang unang depensa ay napasok na, madali na lamang kay Tong Yan na bumalik sa puso ni Elder Shen.

Tuwang-tuwa si Tong Yan at patuloy na kinakausap ito para makasigurado na wala siyang panahon kay Xinghe. Kahit na si Xinghe ay hindi napapansin, hindi siya nagpapakita ng inis sa kanyang mukha, nakatingin lamang siya sa lahat ng ito ng parang walang pakialam.

Pero, si Ali ang nagalit para dito!

Sino ba itong Tong Yan na ito na nangangahas na ilayo si Xinghe sa harapan ni Elder Shen? Sa paraan ng pagtingin ni Elder Shen na unti-unting lumalapit kay Tong Yan, may nag-uudyok sa kanya na sabihin dito na si Xinghe ang tunay niyang apo!

Walang karapatan si Tong Yan na alisin sa larawan si Xinghe, pero dahil hindi nagpakita ng anumang pagkilos si Xinghe, hindi nangahas na kumilos na mag-isa si Ali. Pinagkasya na lamang niya ang sarili dahil sa alam niya ang katotohanan.

Dahil sa masyadong halata ang inis ni Ali ay biglang sinabi ni Elder Shen kay Tong Yan na, "May ilang bagay akong dapat na pag-usapan namin ni Xinghe, kaya magpakaabala na muna kayo ni Ying Ying sa ngayon."

Siguiente capítulo