webnovel

Nagbabago Ang Langit (Katapusan ng Jewelry Company Arc)

Editor: LiberReverieGroup

Kung susumahin, nakagawa siya ng isang bagay para mahuli ang puso ni Mubai?

Hindi ba't masyado naman yata itong sobra?

Umiling si Xinghe para mapaalis ang mga nakakalokong isip na lumitaw sa kanyang utak.

Hindi nagtagal at bumalik ang mga siyentipiko na may mabuting balita, ang materyal ay umangkop at perpekto ang pagkakabagay nito sa lahat ng mga pangangailangan nila!

Sobra ang saya ni Xinghe nang malaman niya ito. Ang kanyang kasiyahan ay nabahaginan ng mga Xi family at kahit si Lu Qi. Sa wakas ay nakita na nila ang liwanag sa gitna ng dilim. Hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Xinghe at ibinabad na ang sarili sa kanyang trabaho. Masasabi na tumira na siya sa lab. Ang mga mananaliksi ay nakipaglaban din sa kanyang tabi; napakaraming pagpupuyat ang nangyari…

Ginugol ng Xi family ang kanilang mga araw na kinakabahan tungkol sa resulta ng pananaliksik; ito din ang pinakamalaking pag-aalala ni Lu Qi. Ito ang naging pinagtutuunan nila ng pansin, ihiniwalay na nila ang kanilang mga sarili sa mundo. Gayunpaman, isang nakakabasag ng mundo ang balitang natanggap nila!

Biglang nagkaroon ng malubhang sakit ang presidente ng Hwa Xia, ang kanyang buhay ay nasa bingit ng kamatayan. Sa sandaling kumalat ang balitang ito, nagpatawag ng emergency na pulong ng pamilya ang Xi family sa kalagitnaan ng gabi. Kahit si Xinghe ay ipinatawag para dumalo sa pulong.

Siya ay nasa kanyang lab, sa ilalim ng istriktong utos na wala ni isa ang pwedeng umistorbo sa kanya, pero ipinatawag pa din siya ng Xi family. Ipinapakita nito kung gaano kaseryoso ang sitwasyon. Kahit si Munan, na siyang nasa kampo na nagsasanay, ay ipinatawag para umuwi.

Ang atmospera sa study ay seryoso, at si Xinghe ang nag-iisang babae na naroroon.

Nang kumpleto na ang lahat, seryosong nagsimula si Lolo Xi, "Ang dahilan kung bakit ko ipinatawag ang lahat ng naririto ay dahil mayroon akong importanteng bagay na ipapahayag. Ang presidente ay naghihingalo, at ang langit ay magbabago."

Nagulat ang mga nasa silid. Si Munan ang unang nagtanong, "Paanong wala akong narinig tungkol dito?"

"Ang balita ay naka lock down nang halos kalahating buwan, pero sa ngayon, mas naging malubha na ang mga bagay na hindi na ito maaari pang itago. Ngayon ko lamang nalaman ang tungkol dito," sabi ni Lolo Xi ng may malungkot na buntung-hininga. Mula nang siya ay magretiro, mukhang nawala na ang lugar niya sa eksena ng pulitika. Nalaman lamang niya ang malaking balita na ito sa huling minuto; ikinalulungkot niya ang kanyang kawalang halaga, mukhang ang katandaan ay sa wakas ay nakaabot na sa kanya.

"Dad, mapagkakatiwalaan ba ang balitang ito?" Tanong ni Jiangnian.

Tumango si Lolo Xi. "Nakumpirma na itong tunay at ang mga tao ay naghahanda na para sa muling pagboto. Ang balitang ito ay ilalabas na sa publiko matapos ang ilang araw at ang eleksiyon ay ipapahayag na din, siguro."

"Kung gayon ang ibig sabihin nito ay ang Lin family ay…" sa wakas ay nakita na ni Jiangsan kung nasaan ang isyu.

"Tama iyon!" Seryoso ang mukha ni Lolo Xi. "Ang Lin family ay sasali din sa pagtakbo. Ang matandang iyon ay napakatagal na panahong naghintay para sa pagkakataong tulad nito, ang kanyang katandaan ay maaaring makapigil sa kanya sa pagtakbo, pero ang panganay niyang anak, si Lin Kang, ay siguradong sasali bilang kapalit nito."

Si Lin Kang ang alkalde sa City A at gamit ang malakas na impluwensiya ng pamilya ng Lin family, mga koneksiyon at kapangyarihan, ang tsansa na manalo si Lin Kang ay napakataas.

Bumagsak ang mukha ni Munan. "Kung ganoon ay ano ang gagawin natin? Kung nanalo si Lin Kang, ang ating Xi family…"

Hindi na niya tinapos pa ang kanyang pangungusap, pero ang kahulugan ay halata naman. Mamamatay ang kanilang Xi family!

Ngayong ang tunggalian sa pagitan ng Lin at Xi family ay nalantad na sa araw; hindi nila hahayaan pa ang Xi family. Sa kasalukuyan, ang Lin family ay hindi nangangahas na habulin ng hayagan ang Xi family, pero matapos na maging presidente ang isang miyembro ng Lin family, ang lahat ng pumipigil sa kanila ay mawawala.

Siguiente capítulo