webnovel

Ang Lin Family ay Hindi Makakaligtas ng Walang Pinsala

Editor: LiberReverieGroup

Biglang itinigil ni Saohuang ang kotse sa gilid ng kalsada.

Madilim niya itong tinitigan. "Miss Lin, ano ang ibig mong sabihin doon?"

Bahagyang ngumiti si Lin Yun. "Kailangan mo pa bang sabihin ko sa iyo ang ibig kong sabihin? Sa tingin mo ba ay naniniwala ako na isa lamang pagkakataon na ang mga masasamang bagay ay patuloy na nangyayari sa Xi family? Kung ano pa man, ang paniniwala ko ay inosente sila sa halos lahat ng ito."

Ang matalim na tingin ni Saohuang ay hindi umaalis. Ngumiti ito. "Mukhang naniniwala si Miss Lin na ako ang nag-frame sa kanila."

"Hindi ko sinabi iyan. Ang iniisip ko lamang, dahil naman may dalawang nagkataon na, bakit hindi ito hayaang mangyari ng ikatlong beses?"

"Kung gusto mo pa ng isa pang nagkataon, dapat ay magdasal ka sa Diyos. Bakit mo ito sinasabi sa akin?"

"Sinasabi ko lang naman ito sa iyo. Naniniwala ako na umaasa ka din na may ikatlong pagkakataon na mangyari, tama?" Ngumiti si Lin Yun at nagtanong pero ang ibig niyang sabihin ay halatang-halata naman. Alam niyang si Saohuang ang nag-frame sa Xi family at umaasa siya na gawin nito itong muli!

Bahagyang ngumiti si Saohuang. May sarili din siyang katanungan. "Ang totoo, nag-uusisa din ako, bakit ba gustung-gusto ng Lin family na wasakin ang Xi family. Tulad ng tanong ni Munan, ano ang layunin ninyo?"

"Big Brother Feng, ang pusa ay namamatay dahil sa sobrang pag-uusisa."

"Pero nagtutulungan tayo ngayon, hindi ba? Kung gusto mong magpatuloy ito, kailangang bigyan mo ako ng kaunti."

Sa madaling salita, kung wala siyang kahit anong panghahawakan, hindi niya gagamitin ang kanyang resources para i-frame ang Xi family. Matalino si Lin Yun, kaya naman naintindihan niya kung ano ang ipinupunto ni Saohuang.

Pinag-isipan niya muna ito at nagdesisyon na magbigay ng kaunting impormasyon, "Ang totoo, wala naman kaming masyadong gusto. Kasalanan nila ito sa pagtanggi na makipagtulungan sa amin. Dahil hindi namin sila magiging kaibigan, kailangan nilang mawasak. Isa pa, ang Xi family ay masyadong maraming halaga ng ari-arian, sino ba ang hindi magiging interesado?"

So, ang habol nila ay ang mga pag-aari ng Xi. Tama siya, kahit sino ay magiging interesado sa dami ng ari-arian ng mga ito.

"Big brother Feng, nauubusan na tayo ng oras. Kung hindi babagsak ang Xi family, magiging problema din ito para sa iyo. Kaya alam kong alam mo na kung ano ang gagawin," sabi ni Lin Yun habang tinatapik niya ito ng bahagya sa braso na tila ang tinatanong niya ay isang bagay na napakasimple.

Gayunpaman, ang bagay na hinihingi niya ay para wasakin niya ang buong Xi family. Malupit man si Saohuang, pero hindi siya estupido. Hindi niya gagawin ang ganitong klase ng gawain na ang iba ang makikinabang.

Kaya naman, ang bagay na gusto niya ay malapit na sa kanyang mga kamay, kaya hindi na niya kailangan pang gumawa ng dagdag na panganib sa kanya.

Pero muli, may punto si Lin Yun, hanggang nananatili pa ang Xi family, mayroon pa din siyang ipag-aalala. Dahil alam ng mga ito na siya ang dahilan ng pagbagsak nila. Matapos nilang makabawi sa mga problemang ito, siguradong siya naman ang haharapin ng mga ito.

"Big Brother Feng, kapag ipinagpatuloy mo ang pakikipagtulungang ito, ang kinabukasan mo ay siguradong maliwanag na. Huwag kang mag-alala dahil kami ng Lin family ay palaging tinitingnan ang aming mga kakampi," patuloy ni Lin Yun para mabitag siya.

Siyempre, alam ni Saohuang na ginagamit lamang siya ng mga ito para patayin ang Xi family bilang kapalit ng mga ito, pero wala siyang pagpipilian ngunit sundin ang utos.

Bahagya siyang ngumiti. "Wala ng susunod pa."

Lumawak ang ngiti sa mukha ni Lin Yun, "Natural! Sinisiguro ko sa iyo, ito na ang huling beses."

Hindi na sumagot si Saohuang kundi pinatakbo na lamang ang kanyang kotse.

Matapos niyang maihatid si Lin Yun sa bahay nito, bumalik siya sa kanyang kampo.

Matapos niyang sabihin kay Sun Yu ang lahat, nag-aalalang sinabi ni Sun Yu, "Boss, ang Lin family ay alam na tayo ang nag-frame sa Xi family. Ano ang gagawin natin? Siguradong gagamitin nila ang kaalamang ito para gipitin tayo."

Umiling si Saohuang. "Huwag mong alalahanin iyan sa ngayon. Ang mayroon lamang kay Lin Yun ay puro suspetsa pero walang aktuwal na ebidensiya."

"Pero umamin ka na sa kanya…"

Tumawa si Saohuang. "Ano naman kung ginawa ko? Wala pa din siyang pruweba. Pero ang Lin family na ito ay iniisip na utusan nila ako, huh? May pagtutulungang relasyon kami ngayon; hindi ako ang tipo ng tao na pupwede nilang utus-utusan na lamang."

"Kung ganoon ano ang gagawin natin?" Tanong ni Sun Yu.

"Ano pa ba ang gagawin natin? Kailangang mawasak ng Xi family pero ang Lin family ay hindi makakaligtas ng walang pinsala din!"

Siguiente capítulo