"Okay." Tumango si Xinghe bago bumalik para magtrabaho. Hindi na niya gusto pang magsayang ng kahit isang segundo. Nauubusan na sila ng oras; kailangan niyang magtrabaho ng mabilis.
Si Philip ay nakikipagkarera laban sa oras. Pinaplano niya ang stratehiya ng pakikipagdigma kasama ni Mubai, sa kung saan ang unang hakbang ay siyempre ang iligtas si Kelly. Matapos siyang iligtas, magiging madali na ang lahat. Hindi na nila kakailanganin pang magpigil laban sa IV Syndicate. Ang kuta ay sisirain nila sa pinakasimple at pinakaepektibong paraan.
"Sa makalawa na ang palugit para ibigay ang pangalan ng mga tumatakbong kandidato. Kakailaganin na nating sumugod sa pinakakuta nila bago mangyari iyon," sabi ni Mubai kay Philip. Tungkol dito, may sariling plano si Philip.
Nagpaliwanag siya, "Hahanap ako ng paraan para patagalin ito hanggang sa huling minuto, ibibigay ko ang papel ng kandidatura ko pero hahayaan kong isipin nila na nag-aalinlangan pa din ako. Huwag kayong mag-alala, alam ko na ang gagawin ko."
"Okay, gagawin namin ang lahat para mahanap ang pinakakuta bago iyon," pangako din ni Mubai. Habang hinahanap ni Xinghe ang kanilang electronic footprints para mahanap ang pinakakuta, ginawa naman ni Mubai ang lahat ng makakaya nito para tulungan ito sa trabaho.
Ito ang unang beses na nagtulungan ang dalawa pero maganda ang kanilang pagtutulungan. Hindi na kailangan pang mag-alala ni Xinghe na magkamali si Mubai at ganoon din ito sa kanya.
Nakita nila ang bawat isa bilang kadugtong ng kanilang sarili kaya naman lubos ang tiwala nila sa isa't isa. Depende sa kung sino ang tumitingin dito, ang bilis ni Mubai o Xinghe ay dumoble.
Pareho ang kanilang aspeto ng kakayahan at pareho ang kanilang layunin, na kung saan ay ibigay ang kanilang pinakamahusay para hindi biguin sina Kelly at Philip!
…
Ginugol ni Xinghe at Mubai ang buong araw sa computer room, ni isa ay hindi pa kumakain. Maingat na dinala papasok ni Ali ang pagkain, na ang intensiyon ay payuhang sumubo sila kahit isa pero nagbago ang kanyang isip nang makita kung gaano kaseryoso ang dalawa.
Walang ingay na ibinaba nito ang tray at mabilis na bumalik sa sala. Agad na nagtanong si Cairn, "Kumain na ba sila?"
Umiling si Ali. "Hindi, pareho pa din, wala akong lakas para sabihan silang tumigil muna."
Abala si Sam sa paglalaro ng isang shooter game sa computer, sumagot ito nang hindi iniaalis ang mga mata sa screen, "Hayaan mo na sila kung ganoon. Masyado na silang lulong tulad ko at ng larong ito, naiintindihan ko na kung paano ito sa kanila."
Si Ali, Cairn, at Wolf ay pinaikutan ng mata ito habang nakatalikod ito.
"Please, ang sitwasyon mo ay hindi katulad ng sa kanila sa kahit anong anggulo," pambabara ni Wolf sa kanya.
Dumagdag din si Cairn, "Seryoso ang ginagawa nilang trabaho at ikaw ay naglalaro lang. Paano ito naging pareho?"
Ang biglang insulto na ito ay nagpawala ng atensiyon ni Sam at na-head-shot siya sa laro.
"F*ck, dahil sa inyo natalo ako!" Nagrereklamong sambit ni Sam, "Alam ba ninyo kung gaano kadaming antas na ang nalampasan ko sa larong ito? Walumpu na sa isang daang total, okay? Malapit na akong matapos!"
Si Ali na nakaupo na katapat niya ay biglang sinabi, "Ngayon naiintindihan ko na kung bakit wala ka pang nobya."
Maingat at kinakabahan siyang nagtanong, "Ano ang ibig mong sabihin diyan?"
Lumapit din si Wolf at Cairn. Gusto din nilang malaman kung bakit dahil maaaring ito din ang dahilan kung bakit wala pa silang nobya…
Sinimulan ni Ali si Sam at sumagot ng may pilyang ngisi, "Dahil ginagamit ni Mr. Xi ang computer para kumita ng pera habang ikaw naman ay ginagamit ito para magsayang ng oras. Tulad nga ng sinabi nila, kung wala kang pera, wala pagtatalik!"
Walang salitang nagkatinginan ang tatlo. Sa maraming kadahilanan, nakaramdam sila ng awa sa bawat isa...