webnovel

Nabuking ang Balatkayo

Editor: LiberReverieGroup

Nagtatago si Ali at Wolf sa silid, handa na lundagin si Barron. Ang hangin ay napuno ng antisipasyon. Hindi nagtagal at iginiya ni Sam si Barron at ang mga tauhan nito sa silid ni Charlie. Ang likod niya ay nakaharap kay Barron at nagkukunwari siyang buksan ang nakabukas na pintuan na gamit ang susi. Itinulak niya ang pintuan at pumunta sa gilid nang nakayuko ang kanyang ulo.

Nakatayo doon ng hindi gumagalaw si Barron. Iniutos nito, "Pumasok na at kaladkarin palabas ang lalaki!"

"Yes, sir!" Sagot ni Sam habang napuno ng tensiyon ang kanyang katawan. Paano namin lulundagin si Barron kung hindi siya papasok sa silid?

Mabagal na kumilos si Sam habang nag-iisip ang kanyang utak sa mga paraan kung paano aatakihin si Barron ng hindi nababaril. Nauubusan na sila ng oras.

"Gawin mo na ito ngayon, nabuking na kayo!" Ang boses ni Xinghe ay narinig nila mula sa ear-mic. Hinila ni Sam ang kanyang machinegun habang ang isa pa niyang kamay ay humablot patungo kay Barron.

"Hulihin sila!" Sa kanyang pagkagulat, si Barron ay nakapaghana. Umilag siya paalis sa pag-atake ni Sam at inilabas ang baril. Nagpaputok ng walang alinlangan si Barron. Isinuko na ni Sam ang paghabol dito at lumundag pabalik, mumuntikanang naiwasan ang matamaan ng bala. Si Ali at Wolf na nagtatago sa silid ay lumabas at pinaputukan sina Barron gamit ang machinegun nila.

Hinablot ni Barron ang isa sa kanyang mga tauhan para gamitin bilang kalasag. Habang ang walang-buhay na katawan ng sundalo ay natumba, isang malaking tropa ng mga sundalo ang sumugod sa eksena.

"Cease and desist! Ibaba na ninyo ang mga armas ninyo ngayon!" Ang adjutant na tumakbo sa harap ang nag-utos. Ang mga sundalo ay agad na pumorma bilang pader na nakaharang sa kanilang daraanan. Higit pa sa isang dosenang machinegun ang nakatutok sa kanila.

Maliban doon, ang adjutant ay itinutok ang kanyang baril sa ulo ni Cairn na nahuli nila…

Si Sam at iba pa ay ibinaba ang kanilang mga machinegun at inilabas ang kanilang mga granada, handa na para sa isang huling palabas. Inakyat ni Barron ang mga katawan ng tauhan pabalik sa kaligtasan.

Sa wakas, tumindig siya ng tuwid para pandilatan ang mga ito. "Sam, grupo mo pala ito! Gusto na ninyong mamatay sa pamamagitan ng pagsubok na itakas ang isang bilanggo!"

Ang mukha ni Sam ay napakadilim, hindi niya inasahan na papalpak ng husto ang plano.

"Barron, kinidnap mo si Charlie kaya hindi mo kami masisisi sa pagtakas sa kanya!" Malamig na sagot ni Sam.

Ngumisi si Barron. "Kung gayon, hindi mo ako masisisi kung parurusahan ko kayong lahat! Nag-iisip pa ako ng paraan kung paano ko pakikitunguhan ang grupo ninyo pero kayo na mismo ang kusang lumapit sa akin. Ibaba na ninyo ang inyong mga armas o lalagyan ko siya ng bala sa ulo!"

Marahas na hinila ni Barron si Cairn. Itinutok nito ang baril sa sentido ni Cairn at ipinakita na kakalabitin ang gatilyo. Hindi nagpakita ng takot si Cairn. Walang salita na ipinahihiwatig niya kina Sam na iwanan na siya ng mga ito.

Gayunpaman, isa itong imposibleng pagpipilian. Kahit na hindi siya nahuli, hindi sila agad na makakatakas. Ang pinag-uusapan nila dito ay kinakalaban nila ang buong militar.

"Bibilang ako ng hanggang sa tatlo at kapag hindi pa ninyo ibinaba ang inyong mga armas, papatayin ko siya at pagkatapos noon ay papatayin ko kayong lahat ng paisa-isa!" Pagbabanta ni Barron habang nagsimula na itong bumilang, "Isa, dalawa…"

"Sumusuko na kami!" Itinapon ni Sam ang baril at granada bago itinaas ang mga kamay niya bilang pagsuko. Sumunod sa kanya sina Ali at Wolf…

"Posasan silang lahat," may malaswang ngisi si Barron. Mabilis na kumilos ang mga sundalo at dinetena silang lahat ng madali.

"Barron—" sa kaparehong oras, kinaladkad ni Charlie ang nanghihina niyang katawan palabas ng kanyang selda. Ang kanyang maiitim na mata ay nakatutok dito at sinabi, "Kung gusto mo pang makuha ang impormasyon mula sa akin, hindi mo sasaktan ang kahit isang hibla ng buhok mula sa kanila!"

Siguiente capítulo