webnovel

Manood at Matuto

Editor: LiberReverieGroup

Ang bwisit na p*tang ito, kailangang maturuan ko siya ng leksiyon!

Hindi na makapaghintay pa si Sun Yu na wasakin si Xinghe, at ipahiya ito ng lubusan! Ganito din ang iniisip ni Saohuang. Matalim niyang tinapunan ng tingin si Xinghe at bahagyang ngumiti, "Si Miss Xia ay may ganitong tiwala sa sarili, pero sana, hindi ka matalisod dahil dito mamaya."

An mga mata ni Xinghe na sumalubong sa kanyang tingin ay mas bumaba pa ang temperatura. "Nakakatuwa naman, ganoon din sana ang sasabihin ko sa iyo."

Naramdaman ni Saohuang ang kanyang galit ng buong puwersa, ang inisip niya ay dahil ito sa Xi family. Nakakatakot na tumawa ito, "Makikita natin mamaya kung sino ang tama."

"Kung iyon ang kaso, buksan mo ang iyong mga mata at manood ka ng maigi!" Utos ni Xinghe, ang presensiya niya ay nagpatahimik sa lahat ng nasa silid./ marami ang nagulat sa biglaang pagpapakita ng galit dahil ang palagi nilang iniisip na si Xinghe ay banayad, kalmado at walang pakialam na tao. Hindi nila nakita na masyado itong agresibo dati. Si Saohuang, sa kabilang banda naman, ay naningkit ang mga mata.

Bumaling si Xinghe kay Sun Yu at mayabang na sinabi, "Ano'ng klase ng kumpetisyon? Ikaw ang mamili."

Nakipagpalitan ng mabilis na sulyap si Sun Yu kay Saohuang at isang tahimik na palitan ng mensahe ang nangyari. Gusto ni Saohuang na lubusan niyang talunin si Xinghe!

Dahil sa natanggap na utos, malamig na sinabi ni Sun Yu, "Sige, ako ang magdedesisyon ng uri ng kumpetisyon kung maluwag mo akong papayagan. Ano kaya kung isang kumpetisyon sa hacking skills ang mauna?"

Sa mundo ng computer science, ang pinakamahirap na trabaho ay ang hacking. Dahil sa dumating si Xinghe na may papel na computer expert, kailangang may alam din siya tungkol sa hacking. Ito ay perpekto para kay Sun Yu, dahil tiwala ito sa sariling kakayanan sa pangha-hack.

Sumagot si Xinghe ng hindi kumukurap, "Bakit hindi?"

"Makikita natin kung sino ang unang makaka-hack sa military defense system," may buktot na ngiti na sinabi ni Sun Yu, hindi na siya makahintay na makitang matalo si Xinghe. Ang military defense system ay kakaiba mula sa mga nasa labas. Ito ang pinaka-mahigpit, ang pinakamahusay sa lahat ng makikitang security software. Hindi ito mapapasok kung wala ang pinakamataas na antas ng kakayahan. Ngunit may lubos na tiwala si Sun Yu dahil, bago ang kumpetisyon na ito, ay nakapag-ensayo na ng maraming beses si Sun Yu. Pamilyar na sa kanya kung paano ito gawin. Paano nga naman magiging kakumpetensiya niya si Xinghe kung mayroon na siyang madaya na kalamangan?!

Handa na siyang maipahiya si Xinghe! Ang ipahiya ang buong lupon ni Munan!

Tulad ng inaasahan, sa sandaling iminungkahi niya ito, kumunot ang noo ni Munan sa hindi pagkagusto. Galit na nagsalita si Yan Lu, "F*ck, pandaraya ito!"

Matagumpay na ngumisi si Sun Yu. "Bakit, takot ba kayong lahat na matalo?"

"Iyan lang ba ang pinakamahusay na maiisip mo?" Nanunuyang napabuntung-hininga si Xinghe. "Tapusin na natin ito agad kung ganoon."

Kakikitaan ng kalamigan ang mga mata ni Sun Yu. "Pagsisisihan mong sinabi mo iyan!"

Sinulyapan lamang siya ni Xinghe at makikita na ang kawalan ng interes sa kanyang mga mata. Ang patuloy na pagkahol ni Sun Yu ay nagpapaalala sa kanya ng isang ligaw na aso. Nakakaramdam na siya ng inis…

Para sa layunin ng kumpetisyon, lumipat sila sa isang espesyal na computer lab.

Ang lab ay punung-puno ng mga tao at malinaw na makikitang nahahati ito sa dalawang kampo, isa para kay Munan, isa para kay Saohuang. Umaasa sila na matalo ang kabilang partido, dahil dito nakasalalay ang karangalan ng kanilang lupon at morale. Ang dalawang ito ay importante, napakaimportante!

"Begin!" Anunsiyo ni Gu Li, na siyang umaakto na tagapamagitan.

Mabilis na tumipa sa keyboard si Sun Yu, ganoon din si Xinghe.

Siguiente capítulo