Sa mga karaniwang pagkakataon, kakikitaan ng hindi malapitang awra si Saohuang. Ngayon, sa rurok ng kanyang galit, mukha siyang tagapagpatupad ng batas mula sa impiyerno, walang nabubuhay na kaluluwa ang nangahas na makalapit. Kahit ang mga guwardiya sa labas ng pintuan ay hindi nangangahas na huminga sa takot na galitin ito. Gayunpaman, isa sa mga guwardiya ay lumapit sa kanya ng may pag-aalinlangan. "Young Master, isang dalaga sa pangalan ni Lin Yun ay narito para makita ka."
Tumigil si Saohuang sa kanyang pagwawala. "Lin Yun?"
"Opo."
Biglang kumalma si Saohuang at malamig na iniutos, "Linisin ang kalat na ito at papasukin siya."
"Yes!"
Mahusay ang mga guwardiya dahil, nang pumasok sa sala si Lin Yun, ang lahat ng pinsala ay nalinis na.
Humakbang ng dalawa papalapit si Saohuang at nagtanong ng may bahagyang ngito, "Ano'ng klaseng karangalan ang nakuha ko para bisitahin ako ni Miss Lin? Ang biglaan mong pagdating ay isang karangalan sa akin. Sana ay tinawagan mo muna ako para nasundo kita."
Ang magalang na tono at magandang tinig ni Saohuang ang nagpalaki ng kapalaluan ni Lin Yun. Pinaganda nito ang kanyang pakiramdam. Kumurba ang kanyang mga labi para ngumiti. "Masyadong mabait si Major Feng, karangalan ko na makilala kita. Lahat ay alam na si Major Feng ay marami nang nagawa sa kanyang murang edad; karangalan sa akin na si Major Feng ay handang magbigay ng oras para sa isang taong hindi importante tulad ko."
Alam ni Saohuang na ito ay isang usapang pulitika. Pumalakpak siya at nag-alok pa ng mas maraming papuri bilang kapalit, "Bibihira sa isang katulad ni Miss Lin na maging mapagkumbaba. Lumuluhod ako sa isang taong kahanga-hanga tulad ni Miss Lin."
Ang mga papuri ni Saohuang ay nagpaganda pa ng pakiramdam ni Lin Yun. Ngumiti siya ng may magandang kaugalian. "Masyadong mabait si Major Feng."
"Kung hindi mamasamain ni Miss Lin, pakiusap ay tawagin mo ako sa aking pangalan. Tila tayo ay isang estranghero kapag tinatawag akong Major Feng."
"Kung gayon ay tatawagin kitang Big Brother Feng." Kabaliktaran ni Xinghe, alam ni Lin Yun kung paano paglaruan ang kapalaluan ng mga lalaki.
Tulad ng inaasahan niya, ngumiti ng malaki si Saohuang. "Dahil tinawag mo akong Big Brother, ikukunsidera na kitang kapamilya. Kung gayon ay direkta na kitang tatanungin, bakit bigla akong bibisitahin ni Miss Lin? Kung hindi mo mamasamain, samahan mo ako sa sofa at dahan-dahan natin itong pag-usapan."
Si Lin Yun, dahil sa pagsuyo ni Saohuang, ay naupo na din sa tabi nito. Tiningnan niya si Saohuang at maingat na nagtanong, "Big Brother Feng, narinig ko na ang Xi family ay lubusan nang napawalang-sala. Ang taong responsible sa pagbebenta ng mga ninakaw na armas militar ay nadakip na?"
Bahagyang naningkit ang mga mata ni Saohuang at bigla ay ginamit ang taktika ng papuri. "Kahanga-hanga talaga si Miss Lin para mabilis na malaman ang mga bagay na iyan. Ang lahat ng sinabi mo ay tama."
"Maswerte ang Xi family na agad na nalutas ang problemang ito."
"Ang lahat ng ito ay salamat sa tulong ng Lin family, tama? Sa bandang huli, ang Lin family ang kahanga-hanga. Agad mong nalutas ang isang napakakumplikadong kaso sa maiksing panahon," magalang na sabi ni Saohuang ngunit nanunubok siya. Gusto niyang malaman kung ang Lin family ay kaibigan o kaaway.
Kumupas ang ngiti ni Saohuang at sinabi, "Wala itong kinalaman sa Lin family. Intensiyon nga naming tulungan ang Xi family matapos nilang magmakaawa sa amin pero sinira nila ang pagkakataong iyon; nakita mo kung paano nila ako trinato kaninang umaga."
Nawala din ang ngiti ni Saohuang. "Ang kanilang ginawa ay talagang kalabisan na. Kahit ano pa, si Miss Lin ay isang kapita-pitagang panauhin, kaya paano ka nila nagawang tratuhin ng ganoon? Sigurado ako na mayroon lamang na hindi pagkakaintindihang naganap."
"Ano'ng hindi pagkakaintindihan? Halata naman ang kayabangan ng Xi family na pumipigil sa kanila na tanggapin ang tulong ng ibang tao. Hindi pa ako nakakakita ng tribo ng mga walang utang na loob na taong katulad nila," isinatinig ni Lin Yun ang kanyang hayagang pagkayamot sa Xi family.